Chapter 2

7 2 0
                                    

Liam's POV

Habang naorder ay nakita ko si Yena na kasama sila Carl at Annie habang papasok sa cafeteria.

Yes, Yena. Nickname ko sa kanya. She don't know na yun ang itinatawag ko sa kanya, dahil Ms. Sanchez ang lagi kong tawag sa kanya.

She's my childhood friend, maybe she do know that we're friends dati. Pero kung anong pinapakita niya ngayon ay iba sa noon.

Hay! Mga tao nga naman. Oo kasama na ako.

"Bro! Baka matunaw si Sienna mo, umalis ka na sa line gutom na gutom na ako!" sigaw ni Dave, tanga kong kaibigan.

"Iintayin kita dun gago." saad ko at itunuro ang uupuan namin.

Nang okay na sya umorder ay nakiupo na rin siya.

"Si James?" tanong niya.

"Aba malay ko, text mo kaya." ani ko. Agad naman niyang tinext ang kaibigan namin.

Ibinaba na niya ang phone niya, at maya maya lang ay nandito na si James. Kaagad na ring umorder si gago nang kakainin nya.

"Bro, kamusta na si Lexi? Hindi siya nagte-text sa akin e. Hindi niya rin sinasagot mga calls ko." tanong ni James sa akin.

Si Lexi ay ang nakababata kong kapatid 18 ako at si Lexi ay 15 lang. Malay ko ba kung ano pumasok sa utak netong ugok na 'to at jinowa ang kapatid ko.

"Nako! Baka busy sa ibang lalaki. Hahahahaha!" humagalpak ng tawa si Dave.

Tumigil din siya sa pagtawa nang mapansing medyo na-off ako. Hindi ganung tao si Lexi, kung mahal niya, siya lang. Hindi na siya humahanap nang iba.

"Gago ka! Baka ikaw yun, nangangaliwa ka sa girlfriend mo!" sagot ni James sa kanya.

"Kilala naming dalawa si Lexi, hindi ganun si Lexi." saad muli ni James na medyo nagalit na rin.

"Woah woah woah haha. I was just joking bro! Don't take it seriously, sige na kumain na tayo maya maya ay magbe-bell na rin." kaagad na sabi naman ni Dave, at nagsimula na kami kumain.

Sienna's POV

"Hahahahahaha! Nakita mo mukha ni ateng jarites clown?" saad ni Carl habang natawa. Nakitawa rin naman si Annie sa kaniya.

"Huh? Sinong jarites clown?" tanong ko sa kanila.

"Ay si ate mo 'di kilala. Gaga e sino pa? Si Miku, yung hapon na lagi nakasuot nung mga mamahaling gamit at kung maka-makeup ay mukhang clown. Parang kinagat ng dragon yung labi sa kapulahan, hahahahahaha!" mahabang sagot niya.

"Sorry! Narinig namin ang pangalan ng boss namin. Anong problema mong bakla ka? Anong gusto mo sa boss namin?!" galit na tanong nila Shin at Gina, kaibigan ni Miku.

"Ay mga teh, ayan na ang gang! Gang garang-gang hahahahaha!" tawa ni Carl, nakisabay na rin kami ni Annie.

"ATTENTION JUNIORS! Half day muna ngayon dahil may Meeting ang mga Seniors at Teachers. Maaring pumunta muna sa mga room ninyo pagkatapos niyo kumain dahil may project na ibibigay ang mga guro. Thank you!" announce nung speaker.

"Bye mga ateng gurang-gong, tapos na rin kami kumain! " sigaw ni Carl sa mukha nila Shin at Gina.

- SKIP TIME -

"Yun lang ang project niyo, now i will announce the partners." saad ni Miss Sukhotwat, thai teacher namin.

"Yuri and Chiko."
"Mina and Mike."
"Katrina and Ron-Ron."
"Annie and Seo-Lin."
"Ram and Miya."
...

"And last, Sienna and Liam."

"Yan lang, the best work will be scored the highest. Hoping na magkaroon kayong lahat nung project at pagandahin ito. Thanks, Moon-Section. I'll be leaving, kayo rin magmi-meeting pa kami. Ingat!" huling sabi ni Miss Sukhotwat at umalis na.

Hindi mawala ang ngiti ko sa labi ko nung marinig ko ang pangalan ko at pangalan nung crush ko. Ehe, enebe!

Inayos ko na ang gamit ko at palabas na sana dahil naghihintay na si Annie at Carl sa labas ng room namin.

"Punta ka mamaya sa bahay namin, eto address." saad ni Liam sakin at nagbigay ng maliit na papel kung saan nakasulat ang address niya.

"S-sige, mamaya na lang. Bye!" bati ko at lumabas na kami ng room.

"Sino partner mo?" tanong ni Carl sa akin.

"Si Liam partner niyan, 'di pa mawala ngiti kanina." sagot ni Annie.

"Lande mo ghorl, ano yan? Jusko address niya? Ikaw ha, nakakachamba." ani Carl.

"At ikaw tomboy! Sino naman crush mo ha? Spit the love of your life na kasi." baling na tanong ni Carl kay Annie.

"Ikaw nga, kulit mo t*ng*na!" sigaw ni Annie. Napatawa na lang ako.

Lord thank you sa buhay at araw na ito, grabe! Blessing! Malalaman ko na bahay niya! Woo-Hoo!!!

A/N:

Teh sana all alam. Basta ang alam ko sa crush ko sa Santa Cruz, Laguna nakatira.

Di pa nagspoil ng pic, bakit ko sya naging crush??? 😭😭

10 Days Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon