CHAPTER 1 "School"

37 3 1
                                    

"Hoy! Shainne! ang tahi-tahimik mo naman, galaw galaw naman baka pumanaw ka niyan".

Sabay sabay nagtawanan ang mga bully na kaklase ni Shainne. Bigla namang dumating ang best friend niyang si Andrea.

"Hoy! kayo!, akala niyo kung sino kayong makapangbully diyan ha!, ang papanget niyo naman!!!, huwag niyo ngang pinagtitripan si Shainne, nananahimik yung tao eh."

"Hey guys look who's here, ang bff ng nerd na si Shainne, Andrea ikaw na nga ang nagsabing nananahimik si nerd girl, pinapagalaw lang namin siya, sige ka baka pumanaw yan."

Nagtawanan ulit sila. Tiningnan naman ni Andrea si Shainne na nakatingin lang sa kanila, pagkatapos tumingin sa pinaka lider ng mga bully na si Katty.

"HAHAHA..(Sarcastic laugh). Katty bobo ka ba o sadyang tanga lang, alam mo naman ang pagkakaiba ng nananahimik sa hindi gumagalaw diba!!."

"Boom!!! basag". Sigaw ng mga kaklase nilang nanunuod lang kanina.

Halata naman sa mukha ni Katty ang sobrang pagkapahiya. Inirapan niya nalang si Andrea.

Lets go na nga girls, wala naman tayong mapapala sa mga losers na yan, aksaya lang yan sa oras.

Nagsisunod naman yung mga kasama niya pero bago sila makalabas ng room biglang nagsalita si Shainne.

"Hayaan mo na sila Andrea, tingnan mo nga ang itsura nila,parang aso lang na may nakasunod na mga langaw, siguro sobrang baho niyan kaya ang daming langaw na nakasunod."

Bigla namang naghiyawan ang mga kaklase nila, samantalang si Katty at ang mga kasama niya ay namumula na sa sobrang hiya, nakatingin lang sila ng masama kay Shainne.

"Tama ka diyan Shainne, si Katty yung aso tapos yung mga kasama niya naman yung mga langaw, actually hindi lang sila basta langaw at aso , si Katty parang galising aso, tapos yang mga kasama niya hindi sila langaw, BANGAW na yan!."

Naghiyawan ulit ang mga kaklase nila, at sila Katty naman dahil sa sobrang inis at pagkapahiya, padabog na umalis. Bumalik na rin sa upuan si Shainne at tumabi naman si Andrea sa kanya.

"Friend ang galing ng mga banat mo, tamang tama". Tuwang tuwang sabi ni Andrea.

"Eh nakakapikon na kasi eh", sabay ayos ng salamin.

"Eh kasi naman best friend ibalik mo na yung dati mong itsura, yung dating ikaw". Sabay hawak sa kamay ni Shainne.

"Hay naku Andrea, heto nanaman tayo"

"Eh ikaw kasi eh, naging ganiyan ka dahil sa kanya."

"Tama na Andrea, matagal na yun, tapos na".

Magsasalita pa sana si Andrea nang dumating na ang teacher nila, kasunod ang pagpasok nila Katty. Biglang nagbulungan yung iba samantalang yung iba tumatawa habang nakatingin sa kanila. Pinabalik na sila sa upuan nila. Bawat dumadaan sa upuan ni Shainne binabati siya.
(And galing mo Shainne)

(panis sila sayo kanina, ang galing mo)

(Bilib talaga ako sayo Shainne)

Lahat ng sinabi sa kaniya ng mga kaklase nila puro ngiti lang ang naisagot niya.

Pagkauwi na pagkauwi niya dumiretso kaagad siya sa kwarto pero hindi siya makatulog, naiisip niya yung nangyari kanina. Biglang sumagi sa isipan niya yung sinabi ni Andrea. Bigla ding bumalik ang mga alaalang pinilit niyang ibaon sa limot, ang mga alaala tungkol kay Sean. Ang kaisa isang lalaking minahal niya, pero niloko lang siya.

Second and last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon