8 Reasons Why

1 0 0
                                    



All the Characters of this stories have no existence or whatsoever outside of author's imagination and have no relation to anyone having the same name or just coincident. All the incidents are merely inventions. No parts of this stories transmitted or distributed to any form without the author's permission.


All rights reserved


Prologue

"Ma'am please give me another chance?" hinawakan ko pa ang kanyang kamay upang pigilan sya.

"Ms. Guinto how many times do I need to tell you? there's no other chance. Last semester pinagbigyan na kita pero ngayon...." tumingin sya sa mga mata ko bago bigkasin ang kanyang huling sasabihin "I'm sorry" tumalikod sya muli at aakmang hahakbang muli papaalis pero muli ko ulit syang pinigilan.

"Mrs. Dennis, p-please hindi po pwedeng m-mawala yung scholarship ko" unti unti ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, naninikip na rin ang dibdib ko. "Yes, you're scholar sana inisip mo rin yan before mo ibagsak ang subject ko. You're so smart Ms. Guinto pero hindi ko alam kung anong nangyayari sayo ngayon" pinunasan ko ang mga luha ko. "I'm sorry just let me give another chance, this will never happen again" mahigpit kong hinawakan ang kamay nya para magmakaawa. Hindi pwede ako bumagsak this sem bukod sa may iningatan akong scholarship, ayoko na ring umasa sa mga magulang ko.

Kahit na pinagtitinginan na kami ng lahat ng estudyanteng dumadaan dito sa hallway wala akong pake basta mabigyan lang ako ng pagkakataon para bumawi muli kay Mrs. Dennis "Alam mong mabait ako Ms. Guinto pero hindi lahat ng mabait palaging inaabuso" unti unti syang kumawala sa pagkakahawak ko sa kamay nya, wala na 'kong nagawa ng tuluyan na syang umalis at iniwan ako.

Tila'y bumilis ang paglalakad ng mga estudyante habang nakatingin sa'kin. Para akong binagsakan ng langit at lupa. Namalayan ko na lang na humihikbi na 'ko at nakaupo sa sahig. "bat ba lahat ng 'to nangyayari sa'kin?" mahinang bulong ko sa sarili at humikhikbi pa rin.

TULALA pa rin ako habang nakatingin sa tubig na bumabagsak mula sa kalangitan. Tulad ng malakas na pag ulan tila ba'y sinasabayan ako sa lungkot na pinagdaraanan ko ngayon. Napabuntong hininga na lang ako. Nakakainis pa dahil hindi ko nadala ang payong 'ko. Hindi ko alam bakit napakamalas ko tingin 'ko ako na ang pinaka malas na tao sa buong mundo.

Kinuha 'ko ang cellphone sa loob ng bag ko at nag simulang tumipa. Naisip ko na magpapasundo na lang ako sa boyfriend ko na si Kaiser. Siguradong maya-maya nandito na rin sya.

Kahit na mag-aalasais pa lang sobrang dilim na ng kapaligiran. Inilahad 'ko ang aking kamay sa ulan dahilan para mabasa iyon "titila kaba? o titila ka?" pinagpagahan ko ang sarili ko kahit na sobrang dami ng pinagdadaanan 'ko ngayon.

Napatingin ako ng may marinig akong tatlong babaeng nagtatawanan sa likuran ko. Saglit silang napatigil ng makita ako pero binuksan lang ng isa ang kanyang payong at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Guys, let's go fun house? Tagal na nating di pumupunta dun! Let's bonding naman" rinig 'kong aya ng isa sabay pout nito. Matangkad ito na kasing height ko, may pagkakapal ang mga labi, mahaba ang buhok at kahit morena lang ang kanyang kulay hindi mo maiwasan na mapahanga sa kagandahan nya.

"Yup!! Oo nga!! Since tapos naman na finals. Let's go and have fun" pag sang-ayon naman ng isa at sabay akbay sa dalawang kaibigan. Matangkad, may pagkabilugan ang kanyang mga mata, hanggang balikat lang ang buhok nito at may dimples sya sa magkabilang pisngi na mapapansin mo sa itsura nya ngunit ang boses nito ay may pagkasiga.

"What about you Effie?" napatingin silang dalawa dahil tahimik lang ang isa nilang kaibigan at hindi ito kumikibo. Nakatali ang mahaba nitong buhok pwera lang ang bangs nya, maputi , may maliliit at matangos na ilong at kumpara sa dalawa nyang kaibigan ay maliit ito ng kaunti.

"I don't think so! Let's go once we're complete" mahinahong sabi nito.

Inakbayan naman sya ng isa "we're complete kaya you, constansei and I. We're powerpuff girls. Don't you know?" masayang sabi nito at nag alamoves pa na isa sa mga powerpuff girls.

"No, we're not" seryosong sabi ni Effie at mabilis na naglakad.

Napangiti na lang ako sa kawalan. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakalimutan ni Effie at sapat na yun para masabi kong kahit anong mangyari may puwang pa rin ako sa puso nya bilang kaibigan.

NAPATINGIN ako sa cellphone ko. Hanggang ngayon wala pa ring reply si Kaiser, Isang oras na ang nakakalipas. Tumila na rin ang ulan ngunit nag aalangan akong umalis baka kasi dumating dito si Kaiser pero wala na 'ko. Ilang beses ko na rin syang tinawagan pero nagriring lang ang cellphone nya.

Nag decide akong dumaan na sa bahay nila bago umuwi, nag aalala ako baka kung ano ng mangyari sa kanya.

Huminga ako ng malalim tyaka nagdecide kung saang way ako dadaanan. Sa kaliwang kalsada ay maliwanag pero medyo malayo ang bahay nila kaiser o sa kanan ay mararating ko agad ang bahay nila pero madilim. Isa sa mga kinatatakunan 'ko ay ang dilim pero mas matatakot ako kapag malaman 'kong may mangyari sa kanya dahil hindi ko sya naabutan.

Binuksan 'ko ang flashlight ng cellphone 'ko at nagsimula ng maglakad sa kanang kalsada. Madalang lang akong dumadaanan dito dahil minsan lang naman ako pinapapunta ni Kaiser sa bahay nila.

Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang hindi kabahan. Nakadagdag pa sa takot ko ng marahang umihip ang malakas at malamig na hangin sa leeg ko. Binilisan ko ang lakad 'ko para makarating sa pupuntahan ko.

May nakita akong apat na kalalakihan sa di kalayuan at sila ay nagtatawanan, saglit nawala ang takot at kaba 'ko dahil may mga tao na kong nakikita. Napahinga ako ng malalim. Nagtaka ako ng bigla akong puntahan ng isa sa kanila. "Ang ganda mo naman" amoy alak ito.

"p-po?" isa-isa na ring nag lapitan ang mga kasamahan nito. Tulad ng unang lumapit sa'kin ay mga amoy alak din ang mga ito. Napatingin ako sa kinatatayuan nila kanina, ngayon ko lang napansin ang mesang pinagpapatungan ng alak.

"a-anong k-kailangan nyo?" mabilis na kumabog ang puso 'ko hindi dahil sa dilim kundi sa mga matatalim na mga mata nilang nakatingin sa'kin.

"1,500?" sabay dila neto.

"p-pasensya na p-po pero m-may pupun....." hindi ko na natapos ang sasabihin 'ko ng bigla akong hawakan ng matangkad na lalaki, sobrang lalim ng mga mata nito dahilan para lalo akong matakot.


"2,500?" patuloy pa rin ang offer nila na para bang isa akong gamit na binibili nila.

"P-pasensya na pero hindi ako....." hindi ko muling natapos ang sasabihin ko ng tinutukan ako ng patalim ng lalaki, kulay pula ang mga mata nito.

Kinuyom 'ko ang aking kamao sabay titig sa kanila "naka-drugs ba kayo? kahit na sobra na 'kong natatakot ay hindi 'ko pwedeng ipakita 'yun sa kanila. May nakapag sabi kasi sa'kin na kapag nakita nilang natatakot ka sa kanila mas lalo ka nilang tatakutin kaya ang isang solusyon ay wag mong ipapakita na duwag ka.

"matapang" sabay singhut pa nito sa ilong nya. Sabay sabay silang nagpalakpakan.

Dahan dahan silang humakbang papalapit sa'kin dahilan para mapaatras ako. "W-wag kayong lalapit" banta 'ko. "magpabayad kana lang kasi kaysa mamatay ka ngayon" tumaas ang balahibo 'ko sa sinabi ng isa.

Mabilis 'kong inangat ang bag 'ko at hinampas sa lalaking nakaharang sa daraanan 'ko. Mabilis akong tumakbo pero nagulat ako ng hinahabol nila ako. Tuluyan na 'kong napaiyak ng mahablot ang buhok ko ng lalaking pula ang mga mata "sa tingin mo makakatakas ka? sabay tawa nito ng nakakaloko. "please, i-ibibigay ko na lang ang gusto nyo. Pera? Bahay? Kotse? mayaman ang pamilya 'ko. S-siguradong ibibigay nila lahat ng gusto n-nyo" pagmamakaawa 'ko.

Napatingin ang lalaki sa mga kasamahan nya na nakatigil sa di kalayuan "ibibigay nya daw la---" hindi nya natapos ang sasabihin nya ng bigla ko syang sipain sa maselang bahagi ng katawan nya dahilan para mapaaray ito sa sakit. Muli akong tumakbo ng mabilis. Napalingon ako at hinahabol pa rin nila ako.

May nakita akong Bar sa di kalayuan, agad akong pumasok dahilan para hindi na 'ko masundan ng mga lasenggero. Napaupo ako sa sahig at napaiyak dahil sa sobrang takot. Sumilip ako sa labas, nandun pa rin sila at binabantayan ako. Dumila dila pa ang isa at tumatawa ng nakakaloko.

May lumapit sa'kin na lalaki at tinanong kung okay lang ako. Tinulungan nya akong maupo malapit sa upuan. "Sinong mga yun?" tanong nito. Inabutan nya ako ng tubig kahit na nanginginig ang mga kamay 'ko ay pilit ko yung ininom. "H-hindi ko alam" tuloy tuloy pa rin akong umiiyak.

"Gusto mo bang---" hindi nya na natapos ang sasabihin nya nang makita naming nagtakbuhan ang mga lalaking lasenggero papalayo.

Napahinga ako ng malalim "Thank you" akma na sana akong lalabas ng pigilan ako ng lalaki. Napatingin ako sa kanya "I think you need to rest here for a while before you go" sabi nito. Napailing ako "Inaantay ako ng boyfriend ko" napahawak ako sa bag 'ko para hanapin ang cellphone pero ilang hukay na ang ginawa 'ko pero walang cellphone akong nahahanap.

"Why?" tanong nito.

"Nahulog 'ko ata yung cellphone ko kanina habang tumatakbo ako" Napatingin ako sa labas ng bigla ang bagsak ng ulan.

Tumingin ako sa lalaking kausap 'ko nagdadalawang isip ako kung dapat ko bang sabihin na "pwede bang makitext?" Nilakasan 'ko ang boses ko dahil sa biglang may kantang tumunog. Gusto ko lang itext si Kaiser na naririto ako.

Nanatili lang akong nakatingin sa lalaki. Kumpara sa mga tao na naririto muka naman syang mabait at sa dami ng tao sya lang ang tumulong sa'kin kanina.

"Sure" Umalis ito saglit upang kunin ang cellphone nya.

"K-kaiser?" tinitigan 'ko pa ang lalake sa di kalayuan. Pero hindi ako nagkakamali boyfriend ko ngayon.

"KAISER" Malakas na tawag ko sa kanya pero mukang di nya ata narinig dahil sa music na tumutunog. Sinundan ko sya!! Anong ginagawa nya dito? Mula kaninang umaga di sya nagtetext o tumatawag sa'kin. Wala naman kaming pinag awayan.

Nakailang tawag pa 'ko sa kanya "Excuse me" napapatingin ang mga tao dahil sa suot 'kong hindi naman pang bar. Nakapants and plain polo shirt, medyo may dumi na rin ang damit 'ko dahil siguro sa paghawak ng mga lalaki sa'kin kanina.

Saglit syang nawala sa paningin 'ko pero sa paglingon ko, napatigil ako ng makita 'ko si Kaiser na may nakakandong sa kanyang babae habang nakikipag halikan. Sobrang kumirot ang puso 'ko at nag unahang muli ang mga luha sa mga pisngi 'ko hindi dahil sa poffessor kong ayaw na 'kong bigyan ng second chance, hindi dahil sa mga lalaking humahabol sa'kin kanina, lumuluha ako dahil nakikita ng dalawa 'kong mga mata ang lalaking akala 'ko iintindi sakin habang buhay na may kahalikang iba.

Hindi 'ko alam kung ilang beses na 'kong lumuha ngayong araw. Kahit kailan napakamalas 'ko.

Pinaniwala nya 'kong hindi nya ako kayang ipagpalit sa iba at sasamahan nya 'ko sa hirap at ginhawa pero ito sya mukang nagsawa na rin sa'kin.

Masama ba 'kong tao?

Bakit lahat ng 'to nangyayari sa'kin?

Marami akong tinalikurang tao sa pag asang ayun ang tama!!

Mas pinaniwalaan ko sya kaysa sa mga kaibigan ko!

Binigay ko naman lahat ah! Mas minahal ko sya kaysa sarili ko.

Gusto ko syang sugurin at saktan pero namalayan 'ko na lang na tumatakbo na papalabas ng bar. Sana pala hinayaan ko na lang na saksakin ako ng mga lalaking humahabol sa'kin kanina.

Sana pinatay na lang nila ako tutal parang pinapatay na rin naman ako ngayon eh. Patay na patay na ang puso ko.

Wala na 'kong pake kung anong itsura 'ko habang naglalakad sa malakas na ulan. Gusto 'ko na lang mawala sa mundong 'to para hindi ko na muli 'tong maramdaman. Napahawak ako sa puso 'ko. Tuloy tuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at tuloy tuloy pa rin ang mga luhang bumabagsak sa mga mata 'ko.

Dinala ako ng mga paa 'ko sa gitna ng highway. Marami akong naririnig na sumisigaw na dahil may paparating na truck na sasalubungin ako.

Ngumiti ako at pinikit ang mga mata 'ko. Masaya ako dahil sa wakas matatapos na rin ang lahat ng paghihirap 'ko ngayon!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

8 Reasons WhyWhere stories live. Discover now