BAkit may araw na masaya At may araw na Malungkot ka..
Masaya dahil kasama at mahal mo siya..
Masakit dahil iniwan ka niya ng walang dahilan...
At sa huli Masaya dahil bumalik siya...
Sakit dahil naaalala mo pa ang sakit na idinulot niya sayo..
Ako nga po pala si Kaiszler Sain Villaruel, 17 years old, may isa akong kapatid na si Kailer Kian Villaruel, 5 years old, walang mga magulang..
Sabay silang namatay sa isang car accident.. sa araw ng birthday ng kapatid ko..
Kaya ako nalang ang bumubuhay saming dalawa ng kapatid ko..
Mahal na mahal ko kapatid ko..
Di ko kayang mawala siya sa buhay ko.. kaya imbis na ipagpatuloy ko ang pag-aaral ko..
Di ko na ginawa dahil wala na ring magtutustos samin.. at kailangan ko ring alagaan kapatid ko..
"Manang pa bantay po muna si KK ha?? Papasok po muna ako sa trabaho ko.." ako
Opo nagtatrabaho po ako.. sa isang kilalang resturant dito sa Baguio ilang isang waitress.
Ginagawa ko to para sa kapatid ko.
Ang raming nagsasabing salot ang kapatid ko kaya nawala ang mga magulang namin.
Naalala ko nun...
*******flashback*******
April first
Yeah.. bday na ng baby ko hahaha.
Opo baby po tawag ko kay KK kasi yun ang gusto ko eh..
Eto na nga naghahanda na kami ang tita ko. Wala pa kasi sila mama. Namimili pa ng regalo nila kay KK kaya kami nalang ang ang ayos ng handa. Buti nalang nailuto na ang lahat ni mama ang handa ni KK kaya aayusin na lang namin.
Ok eto na nag-umpisa na ang party.
"Baby KK happy birthday!!" Bati ko kay KK
"Engkyu ahhteh. Lubh lubh yuh (muaaaaahh)" yun kiniss niya ako sa pisngi hahaha sweet ng bulol kong kapatid hahahh.
"Ok blow the candle KK. Then make a wish" sabi ni tita ester kapitbahay namin.
"Wit ko dito na mama papa.." sabi ni KK
"Oo naman baby KK uuwi sila papa at mama ha! Ihip mo na yung kandila baby kk.." ako
Pagkaihip ng kandila ni KK.. biglang namang may dumating na mga pulis..
"Excuse me po.. dito po ba nakatira ang mag-asawang Villaruel??" Tanong ng isang pulis
"O-opo bakit po?? Ano po ba ang kailangan niyo sa mga magulang ko?? Wala pa po kasi sila eh" sunusunod na tanong ko.. medyo kabado na ko.
"Wala po kaming kailangan sa kanila.. ang totoo po kaya kami nandito kasi ang mag-asawang Villaruel nasangkot po sa isang car accident. Kaya kailangan niyo pong sumama eto po pala nakuha namin kanina." Yung isa pang pulis
Inabot sakin yung tatlong kahon
Tumulo agad yung luha ko ng makita kong yun yung regalo nila kay KK. Isang damit short at sapatos.Binoksan ko naman yung isang kahon. Yun naman yung mga pinulot naming mga shell sa tabing dagat. Nung naisipan naming maligo ng dagat.
Yung isa naman di ko binuksan kasi parang bumigat ang pakiramdam ko dun. Kaya ang ginawa ko tumakbo ako sa loob ng bahay namin. Pumasok agad ako sa loob ng kwarto ko. At tinago yun.