Entry 5

402 9 2
                                    

Totoong masarap ang BAWAL.

Lalu na’t doon nacha-challenge yung sarili mo na makaligtas sa mga consequences na nakaabang sayo kapag nilabag mo sila.

BAWAL pumasok ng late.

BAWAL lumabas sa oras ng klase kahit walang klase.

BAWAL kumain kapag hindi pa recess.

BAWAL umihi kapag di pa vacant hours.

BAWAL magtext kahit importante pa yan.

BAWAL magreklamo kapag double board to board na yung lectures niyo sa isang subject.

BAWAL tumambay sa school pagsapit ng alas-kwatro.

BAWAL tumanggi sa mga utos ng mga teachers kahit na patong-patong na pinapagawa sayo.

At higit sa lahat…

BAWAL itama ang pagkakamali ng kung sino man.

Amazing ‘di ba? Yung iba, tuwang-tuwa nilang ginagawa ang mga ito without letting them know na “Oyyy, mali yan. Article XVIII Section 67890…”

Yung tipong tuwang-tuwa kang nagsusulat ka sa pader ng C.R niyo dahil wala namang nakakakita sayo. Alam mong BAWAL pero ginagawa mo. Yun ay dahil sa…wala naming nakakakita kaya wala kang dapat katakutan.

Sabi nga nila, di masamang MAGNAKAW. Ang masama ay ung kapag NAHULI ka.

Pero di rin naman daw masamang mahuli ka, ang masama ay ang kapag hindi ka nakatakas sa parusa nila.

Kapag nakalusot ka sa mga yan, aba! Tuwang-tuwa ang monggol. Gagawin at gagawin niya pa rin yan since wala naming nangyayaring masama sa kanya.

Kapag nakalusot ka sa maliit na parusa, tiyak na magagawa mo ring makalusot sa mas malaking parusa.

Kumbaga, parang sa magsyota. Kapag naloko mo ang syota mo sa maliit na paraan na hindi mo sinasadya, malamang makagawa ka rin ng malaking kasalanan sa kanya ng di mo rin sinasadya.

Pero ako? Nya, malabo.

Malabong makalusot ako sa malaking parusa sa malaking kasalanang di ko sinasadyang gawin. Totoo, inaamin ko, nagkamali ako. Pero sana maisip din ng iba na hindi lang ako ang nagkasala.

Nakakarelate ka ba? Geez, sabi ko sayo wag mo na to basahin eh. Baka maguluhan ka lang.

Pero kidding aside, this story is also somewhat based on the Author’s real experience. Ang gulo kasi ng buhay ng author na to eh kaya pati sa story niya nagugulo rin.

Whatever happens readers, please open your mind. Do the right thing and never inspire the author’s story. Yun lamang.

Don't Read This!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon