Kabanata 21

5.6K 224 94
                                    

Parang walang nangyari noong bumalik kami sa hardin. But I know they're just hiding their laugh because Sealtiel was with me.

Tiniis ko na lang ang lahat at pinilit makisaya sa kanila. His family, friends of his family, board members, some of their shareholders are all gathered here. Dumating sila noong wala kami ni Sealtiel. Tatawagin si Sealtiel ng Mama niya para kausapin saglit ang mga bisita, pero hindi rin siya nagtatagal at bumabalik din agad sa tabi ko.

Noong magsimula, may kaunting speech ang Mama at Papa niya before they deserve us the foods. Hindi ko alam na ganito pala mag-celebrate ang mayayaman. Kahit simple lang. But I don't think it's just a simple celebration. Bigatin din kasi ang mga bisita. Hindi lang puro pamilya nila.

But I guess it's simple. Dahil hindi naman formal ang mga kasuotan nila.

"Eat more," sabi ni Sealtiel noong mapansin ang konti kong kinain.

"Ayoko na," sabi ko.

Wala rin naman akong gana kumain. Malakas pa rin ang kaba sa dibdib ko.

"Ang konti ng kinain mo."

"Marami na iyon. Kaya nabusog na ako," giit ko.

"Huwag mo pilitin kumain ng marami ang isang babae, Seal! Lalo na at wala naman balak tumaba. Look at Yhuenne's body. She wants to maintain her sexiness, you know!" ngumisi si Alyana.

Tinitigan ako ni Sealtiel. Iniwas ko ang mukha ko sa tingin niya dahil sa pag-iinit ng pisngi ko. Alyana was wrong. I just couldn't eat more. Nahihiya ako.

"She's still her. No matter what her size will be."

Alyana giggled beside me. Ngumuso lang ako. Napansin ko ang titig ni Adalicia sa akin mula sa kanilang lamesa. She's not glaring or what. She's just staring at me seriously.

Nagpaalam si Alyana na pupunta sa banyo kaya sumama ako sa kanya. Kaso may biglang kumausap sa kanya kaya nauna ako. Sinamahan na lang ako ng isang kasambahay nila Sealtiel patungo roon.

"Thank you," sabi ko noong makarating kami.

She just nodded and smiled slightly. Pumasok na ako sa loob. Paglabas ko ay naghihintay sa akin si Adalicia at nasa likuran niya ang isang pinsan ni Sealtiel. My heart pounded nervously inside my chest.

"Yhuenne, I'll tell you this, stay away from Sealtiel."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko inasahan na ganito ang ibubungad niya sa akin!

"Break up with him. Hindi mo kilala ang ugali ni Tita Dorothea. Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin sa iyo."

Hindi ako kumibo. Alam ko naman na siya ang gusto ng pamilya ni Sealtiel para sa kanya.

"And you probably know that she won't accept you as his son's girlfriend," patuloy niya.

Bahagya akong yumuko. Alam ko rin. Hindi naman ako manhid. Alam ko kung gusto ako ng tao o hindi. Kahit pa nagpapanggap.

"Tingin mo ba nababagay ka para sa kanya? If you think you are, think again! You and him? It's unbalance, Yhuenne."

Oo. Sila ang nababagay sa isa't-isa. Alam ko rin iyan kahit hindi niya sabihin sa akin.

"To be honest, I really don't know what happened to him. Bakit ka niya pinatulan. Hindi kapani-paniwala eh. It's like he's under a spell. I don't believe in magic because that's absurd, but I want to believe now."

"Ginayuma," humagikhik iyong pinsan ni Sealtiel sa likod niya.

They are wrong. It's his choice. Pero alam ko, ang mga kagaya nila, mahihirapan talaga silang paniwalaan. Dahil ako ay hindi pa rin makapaniwala na magugustuhan niya.

Ever After (Levrés Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon