"T H E F I R S T B A T T L E"
HINDI mawala sa isip ni Rei ang narinig niya kay Grey kahapon.
Pero bakit kasama ni Kael si Xash? Hindi ba't nanganganib din ang buhay niya? Bakit kasama niya si Xash?
Biglang naalala ni Rei ang iba pang sinabi ni Grey sa kaniya.
May sakit sa utak si Xash? Pero paano nangyare yun? Napa katalino niya pero bakit pati utak niya ay naapaektuhan?
Napatingin si Rei sa pinto. Wala si Grey dahil inutusan niya itong bumili ng kakainin niya.
Bumangon si Rei at pumunta sa banyo. Pagkatapos ni Rei bumanyo ay bigla siyang nakarinig na bumukas na pinto. Agad siya lumabas dahil alam niyang si Grey na iyon.
Paglabas niya ay nanlaki ang mga mata niya na makita itong may hawak na baril habang naka tutok sa kaniya.
Kinabahan si Rei. Binalot ng takot at pag alala.
"X-xash ..."
"Its all your fault kung bakit hindi ako kayang mahalin ni Kael pabalik!" Galit na sigaw nito
"X-xash ibaba m-mo ang baril m-mo please ..."
Nanginginig na sabi ni Rei habang paatras.
"Balita ko buntis ka daw?" Saka ngumisi ito at nanlaki pa ang mga mata ni Rei dahil biglang tinutok ni Xash ang baril sa tiyan niya "Sino ang ama?"
"X-xash ibaba m-mo ang baril mo ..."
"Sino ang ama?!"
"Xash ..."
"Si Kael ba?! Si Kael ba ang ama ng batang yan?! Ha?!"
Umiling si Rei dahil sa takot. Natatakot siya na may mangyare sa baby nila ni Grey.
"Xash i-ibaba mo ang baril mo ..."
"Sinungaling!! Si Kael ang ama ng batang yan!! Si Kael!"
"X-xash please h-huwag..."
"Naiinip na akong patayin ka!! Akala mo hindi kita kayang patayin?! Kayang kaya kitang patayin!! Hanggang sa mapunta ka sa impyerno!"
"Xash ... Please ..."
Biglang tumawa si Xash. Yung tawa niya na nakakatakot. Ang tawa na kakaibang narinig ni Rei sa kaniya.
"Sino kaya ang maunang mamatay sainyo? Ikaw? O yan anak ninyo ni Kael?"
"X-xash ..."
Biglang sinapak ni Xash si Rei na ikinahiga ni Rei. Nanghihina si Rei habang hawak-hawak niya ang tiyan niya.
"X-xash please ... h-huwag mong idamay ang anak ko ..."
"Hindi ako tanga! Boba! So now! Magpaalam kana sa mundong ito dahil katapusan muna!"
Napapikit si Rei dahil sa pagkasa ni Xash ng baril.
Please save my baby ... Please ...
"Good bye , Ms. Rei Ytalia."
Sobrang nanginginig si Rei dahil sa takot at pag alala. Ngunit bigla siyang nawalan ng malay at bigla niya narinig ang boses ni Cyriz.
"NAHANAP nyo sila Cyriz at Xash?"
Tanong ni Semi kela Lucas habang si Rei ay mahimbing na natutulog. Nasa tabi niya si Grey na natatakot sa nangyare sa mag ina niya.
"Hindi ko macontact si Cyriz," si Hearty na kinakabahan na "Damn ... Where are you na ..."
BINABASA MO ANG
Barb Series 3: Hold Onto Love
RomanceCONTENT WARNING: SPG | R-18 | SLIGHT Started: May 7 , 2021 --- Finished : May 22 , 2021 Ghinost si Rei. Hindi lang ghinost kundi niloko. Hindi alam ni Rei na kahit patalikod si Rei ay may tumatraydor sa kaniya. Hindi makapaniwala si Rei na kayang...
