PAGKATAPOS nang pag-uusap namin ni Lola Mich. Inihatid nya ako sa magiging kwarto ko.Ang laki ng bahay nila. Mansion daw tawag. Sa Third floor ako dinala ni lola Mich.
Inayos ko muna ang higaan ko bago ako matulog.
Kinausap ko muna si lolo.
"Lo, ang laki laki ng bahay nila Lola Mich. Sana si lola Mich nalang Inasawa nyo para mayaman din tayo, joke lang baka multuhin ako ni lola hahaha, lo miss na miss kona kayo kahit dalawang buwan na ang naka lipas bago kayo mamatay, puntahan kona lang kayo lo, charot. Matutulog na ako lolo, good night. Love you" mahabang sabi na puro charot charot lang haha. Hinalikan ko ang photo frame ni lolo at niyakap iyon bago ako natulog.
UMAGANG-umaga may nang bubulabog, psh.
"Bakit po?" Papungas pungas kong sabi.
"Kakain na" cold na sabi ng lalaki?
Minulat ko ang mata ko! Omy ghod! Si Ken!
"Ah eh, susunod na" mabilis na ani ko.
Lumakad na sya paalis, sinarado ko naman ako pinto at nag imis.
"Rita, maupo kana, mag aalmusal na tayo" ani ni lola Mich.
Bwesit na bahay to, nilito pa'ko kung saan pababa. Dulong-dulo kasi ako nilagay ni lola Mich, kainis!
"Opo" masiglang sabi ko.
Umupo ako sa tapat ni Ken.
Nag-simula na kaming kumain, tahimik.
Nabasag ang katahimikan nang mag salita si lola Mich.
"Kailan nyo gusto mag-pakasal?"
Eh?
Tinignan ko si Ken, naka tingin din sya sakin! Umiwas nalang ako ng tingin."Grandma, hindi papo namin napag-uusapan ni Rita" sabi ni Ken.
"Ahm sige, pag-usapan nyong mabuti ang kasal ninyo. Dapat special!" Sabik na sabi ng matanda.
Sya pa excited ha!
Matapos naming kumain, umalis na sila. Si Ken magtra-trabaho daw, si Lola Mich may aasikasuhin at sila Gabriel at Gabriella papasok ng school.
Nandito ako sa garden nila. Ayaw kona bumalik sa kwarto ko. Malilito na naman ako papasok, bakit ba ang laki ng bahal nila e iilan lang naman sila dito?! Samin nga kubo, kubo lang kasi da-dalawa kami ni lolo.
Ang laki laking bahay, boring.
Nag-lakad lakad nalang ako, nag bago isip ko. Lilibutin ko nalang tong buong bahay.
Inuna ko muna ang kusina, kukuha muna ako ng pagkain. Syempre baka magutom ako sa daan.
Sinimulan ko nang maglibot-libot.
KAHILO ah! Ilang oras din akong naka pag-libot, mabuti nga napa-balik pa'ko dito sa sala.
Magga-gabi narin. Umupo muna ako sa sofa.
Isa-isa naring nag dadatingan ang mga Chan.
"Good evening lola Mich!" Bati ko kay lola nang maka-pasok.
"Good evening din apo, kumain kana ba?" Ani nito, "di kita masasamahang kumain, inaantok na ako" dagdag nito.
"Okay lang po" sabi ko.
"Mauuna na ako" at nag lakad na sya paalis.
Inaya ko ang kambal tsaka si Ken na kumain, pero umayaw din sila.
Hobby siguro nila hindi kumain sa gabi haha.
Pumunta nalang ako sa kusina para kumain.
Inilapag naman agad ni chef Grace ang ulam at kanin. Sabi ni lola Mich tawagin ko daw syang chef Grace kasi sya daw ang nagluluto ng mga pagkain dito sa mansion.
Adobo tsaka Sinigang
Manghuhula bato si chef? Palaging alam kung ano ang paborito kung alam!
"Salamat chef" sabi ko nang matapos na nyang ilapag lahat.
"Kumain ka nang marami Rita" sabi nya.
"Opo!" Magalang na sabi ko. Umalis naman sya agad.
Nag-simula na akong kumain nang may nag salita, napatigil tuloy ako sa pag-subo.
"Ilan binayad sayo ni Grandma?" Matiim na banggit nya.
"Huh?"
Pinagsasabi nito?
"Tsk! Nevermind" sabi nito at walang sabi sabing umalis.
Weird.
Pinagpatuloy kona ang pag subo.
PAGKATAPOS kung kumain, nilagay kona sa sink ang pinag-kainan ko at pumunta na sa kwarto ko. Di naman siguro ako malilito ngayon.
Papasok na sana ako sa aking kwarto ng may marinig ako.
Narinig ko boses ni Ken, pero natigilan ako dahil sa narinig ko.
Bat ang sakit?
"Babe, i understand na hindi ka makaka-uwi ngayon... okay lang... Sige bye... Good night, i love you babe" sabi nito. Dinig na dinig ko.
Ewan ko kung bakit nasasaktan ako ngayon.
Bakit pa sya pumayag?? may girlfriend naman pala sya, bakit di nalang sila ang ikakasal?
Madaming gumugulo sa isip ko.
Umalis nalang ako at dumiretso sa kwarto ko at natulog agad.
***
Pasensya na kung natagalan mag-ud HAHA busy lang kay module hihi. Love lots, <3
YOU ARE READING
Your Promise
FanfictionPaano kung isang araw, sasabihin nalang sa iyo na ikakasal kana?