Sometimes we found hope in unexpected places from unexpected people...
____This story is purely fictional.
Any resemblance to actual person, place or event are just coincidental..
Kathang isip lamang po ito ng may akda.
Nevertheless enjoy...
-alyndrixthemhaine
____"sorry pero ayaw ko na sayo. Di na kita mahal"
Wika ng lalake sa harapan ko. Tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigil.
Bakit?
Tanong ko sa sarili ko.
Pinagmasdan ko syang mag lakad palayo sa akin.
Ang taong minahal ko ng limang taon ay ngayong naglalakad palayo sa akin.
Ang sakit.
Sobrang sakit, minahal ko sya!
But he still chooses to leave me.. Ano bang mali sa akin!
Napuno ng luha ang paningin ko kasabay ng mga bulungan ng tao sa paligid ko.
Tumakbo ako sa isang lugar na alam kong walang huhusga sa akin.
Bawat yabang ng paa ko ay pag balik ng mga alaala naming mag kasama.
Nung mga panahong mahal nya pa ako.
Umakyat ako ng umakyat.
Pabilis ng pabilis ang hinga ko kasabay ng hikbi ng pag iyak ko.
Wala ba kong kwenta? Hindi ko ba sya napasaya?
Nakikita ko na ang pupuntahan ko.
Parang ayoko na mabuhay.
Kung wala sya mabuti ng mawala na lang ako.
Binuksan ko ang pinto ng rooftop.
Napa hinto ako ng sumalubong sa akin ang malamig na hangin.
Napaluhod ako at dun umiyak ng todo.
Kinuha ko sa bag ko ang gunting na ginamit namin kanina sa klase.
Nanginginig ang kamay ko habang tinatapat ito sa pulso ko.
Para matapos na ang sakit.
"miss okay ka lang?"
Boses galing sa likuran ko.
Tinago ko ang gunting sa bulsa ko at nilingon sya.
"sa tingin mo!" masungit na sagot ko.
Tumambad sa akin ang pag kalapad nyang ngiti. Maaliwalas na mukha at panyong naka lahad sa kamay nya.
Alam nyo yung depressed ka tapos gusto mo ng wakasan ang miserable mong buhay tapos may nilalang na ngingitian ka?
Inabot ko ang panyo nya at ipinahid sa mata ko.
Tinulungan nya ko tumayo at nag lakad kami sa parte na may mga upuan.
"salamat. Teka ano nga palang ginagawa mo dito?" wika ko pag abot sa kanya ng panyo.
"pareho mo.. Naglalabas ng sama ng loob."
"bakit anong problema mo?"
"namimiss ko kasi sila mama at papa."
"bakit? Ehdi umuwi ka... Na saan ba sila?"
"nandoon.."
Tinignan ko sya habang sya ay naka tinangala sa kalangitan.
"nagtext kanina ang kapatid ko na holdap daw ang sinasakyan nilang jeep.. Nabaril ang mama at papa."
Patuloy na wika nya.
Ang bigat ng problema nya.
Pero nakuha nya paring ngumiti."eh teka bakit nandito ka pa? Puntahan mo sila ano ka ba!"
"gustuhin ko man hindi pwede.. Nasa probinsya sila. Wala akong pamasahe pauwi sa amin."
Bakit ang kalma nya pa rin?
"okay ka lang ba?"
Parang gusto ko sya tapikin o yakapin o kahit hawakan man lang ang hirap ng sitwasyon nya pero bakit parang ang liwalas pa din ng aura nya.
"sa totoo nyan kanina naisipan ko tumalon dito para sumunod na lang sa kanila. Masakit eh. Nawala na lang sila bigla. Kinuha nalang agad. Baka sakaling pag tumalon ako maabot ko sila."
Balak nya din palang mag pakamatay...
"bakit hindi mo ginawa?"
"naisip ko kasi nung humangin kanina pag tumalon ba ako may magbabago ba? Maibabalik ba sila? At kung maibalik man sila ako naman ang mawawala paniguradong malulungkot lang din sila. Pag tumalon ba ako maabot ko ba sila? O mahuhulog lang ako at tuluyan na kaming hindi na magkikita pa?"
Napayuko ako sa sinabi nya..
Nakakahiya ako, ang babaw ng problema ko kumpara sa kanya pero lakas loob kong gusto kitlin ang buhay ko dahil lang sa isang taong hindi ako pinahalagahan..Hinawakan ko ang gunting sa bulsa ko.
"saka habang nakatayo ako sa dulo ng rooftop kanina nakita ko ang maraming bagay... Nakita kong maganda ang mundo para iwan..."
Napatingin ako sa kanya.
"paano mo nasasabi yan tapos ng nangyari sayo?"
"totoo namang marami tayong problema at hinanakit na pinagdadaanan pero mas marami pa din ang magagandang bagay na nakapalibot sa atin. Minsan lang mas pinipili nating tignan ang mga panget at binabalewala ang mga magagandang bagay na yun.. Tulad na lang nyan."
Tumuro sya sa kalangitan.
Palubog ang araw.
Makikita ang pag agaw ng kulay apoy at asul sa mga ulap.
Bakit nga ba hindi natin nakikita ang mga simpleng bagay tulad nito.
Napatingin ako sa katabi ko.
Isang taong may mabigat na pinagdadaanan pa pala ang makakapag pakita sa akin ng kagandahan ng buhay...
Lumingon sya at ngumiti..
Inabot nya ang mukha ko at pinahiran ang natitirang luha mula sa mata ko..
"sayo na lang to. Gamitin mo pag umiyak ka ulit. hindi naman masamang umiyak pag masakit eh.. Pero dapat matuto ngumiti pag ka tapos.."
Natitigan ko ang mukha nya ng maayos.
Halatang umiyak din pala sya.Tumayo sya at naglakad na paalis.
Kumaway sya bago tuluyaang makalabas ng pinto..Kinawayan ko din sya at nginitian.
Akala ko ako na ang may pinaka mabigat na problema kanina.
Akala ko katapusan na ng mundo ko dahil nasaktan ko.
Ang gaga ko.
Naisipan ko mag pakamay ng dahil sa walang kwentang bagay.Tinignan ko ang panyo sa kamay ko..
I have a reason to live after all.
___END
A/N: maganda ba? Mapangit? O masabaw? Hahaha sabihin nyo! ^____^ charot!
Thanks sa nagbasa i hope you found hope....
--alyndrixthemhaine
BINABASA MO ANG
Panyo (One Shot)
Short StoryHeart broken ka.... iyak ka ng iyak and you decided to end your life kaso may nakita kang tao naka ngiti sayo... badtrip no?