Chapter Six

11 1 0
                                    

"Bakit mo ba ako dinala dito?" tanong ko kay Angelus pagkatapos kong mapagtanto ang mga nangyari.

Hindi niya iyon agad sinagot. Ilang minuto din niya akong tiningnan sa mata na para bang may gusto siyang sabihin pero parang nag-aalangan sabihin.

"I don't want to frighten you.." aniya na nagkakamot ng pisngi.

"Bakit hindi mo masagot? Hindi ako mafa-frighten kung ano mang dahilan iyon. So why did you brought me here?"

Hindi ko siya maintindihan. Mahirap bang sagutin ang tanong ko? Dinala niya ba ako dito ng wala talaga siyang dahilan?

Inabot niya ang kamay ko at hinawakan iyon. This is getting weird.

"I brought you here because it's now the time for you to get to know me. I am your destiny, twin flame. I am your soulmate or whatever that is. You are gonna be my partner for life, Elia." he's staring to my eyes with tenderness while saying those words.

Bumilis ang pintig ng puso ko.

He's my.. what?

Soulmate? Destiny? What the heck? Ofcourse I would love to meet my soulmate. But how could he proclaim to be my soulmate when this was the first time I met him? Wait.. how did he knew that he's my soulmate?

Parang sumabog ata ang utak ko sa lalaking ito.

Prank ba ito?

Alam ko namang nasa punto na ako na desperado makilala ang soulmate ko. Oo, gustong-gusto ko na magkaroon ng lovelife na long lasting at seryoso. Pero itong lalaki na ito na nasa harap ko ngayon na masyadong guwapo para maging self-proclaim na soulmate ko ay nahihibang na yata.

"May ubo ba utak mo? Paano mo naman nasabi yan? Teka.. pina-prank mo ba ako? Siguro may youtube channel ka na comedy ang content kaya ginagawa mo sa akin ito at may camera somewhere dito para kunan ng footage ang nangyayari ngayon?!" naiinis na sabi ko. Oo advance ako mag-isip. Hindi ako basta-basta maloloko. Luminga-linga ako sa paligid kung may mga hidden camera. Wala naman.

Nanatili lang na walang reaksyon si Angelus sa mga sinabi ko. Parang sa aming dalawa ay siya pa ang naiinis.

Mukhang disappointed siya sa naging reaksiyon ko. Tila ayaw niya ng magsalita pa.

Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at tumalikod sa kaniya. Nagmumukha siya lalong guwapo sa paningin ko kapag ganoon na walang kaekspe-ekspresyon ang mukha niya. Hinahawi pa ang buhok niyang mahaba ng malakas na hangin.

He looks so perfect to be my soulmate. Siya para sa akin? Hindi naman siya nababagay sa akin kasi hindi ko naman kayang pantayan ang visual looks niya.

"First of all, hindi naman tayo bagay. Tingnan mo naman itsura ko sa itsura mo. Second, mamili ka ng ibang babaeng ipaprank mo ng ganito. Iyong game na game sa ganito. Kasi sa akin, hindi okay 'to. Broken na nga ako 'tapos lolokohin mo pa ako. Third, thank you for saving me last night. Thank you for bringing me here. I appreciate your kindness but proclaiming yourself as my soulmate or partner in life is too much. Fourth, this is not funny so stop messing with my heart and mind. Fifth, I want to go home. May pasok pa ako ng Monday ng umaga. Hinahanap na ako ng pinsan ko." punong-puno ng hinanakit na sabi ko. Ayokong pinaglalaruan ako ng ganitong klase ng kalokohan.

"No, Elia. You can't go home. You will stay here and I will make you fall in love with me whether you like it or not." determinadong wika ni Angelus.

Paglingon ko ay naglalakad na siya papasok ng bahay.

Naiwan ako na gulong-gulo ang isipan. Bigla kong naalala ang sinabi niya kagabi.

Your life is about to change starting this very moment.

There Was You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon