SA KABILANG BUHAY

5 0 0
                                    

"Bakit wala ka pa rin boyfriend, stella?"
sa araw araw na ginawa ng Diyos yan at yan ang laging tinatanong ng mga tao sa paligid ko.

"May hinihintay pa ako." Totoong may iniintay ako pero 'di ko alam kung sino ito. Feeling ko may kulang sa buhay ko pero 'di ko mawari kung ano ito.

"Tara uwi na tayo."

"Mauna na kayo. May kailangan pa akong puntahan." saad ko at tinungo na ang lugar na lagi kong pinupuntahan. Sa park.

Umupo ako sa bench ng makarating ako sa park. mag gagabi na din kaya wala ng masyado mga bata. tahimik lang akong nakamasid sa lugar. Hindi ko napansin na umiiyak na naman pala ako.

gabi gabi akong dinadala ng aking mga paa sa parke na 'to at bigla nalang ako napapaiyak ng walang dahilan. Pinulot ko ang bulaklak na nasa damuhan. napahawak ako sa ulo ko ng bigla nanaman itong sumakit.

"Stella, alam mo ba ang tawag sa bulaklak na ito? " Tanong sa akin ng aking kasintahan na si Will. Nandito kami sa paborito naming puntahan na parke. 

"Hindi. Ano ba ang tawag diyan? "

"Isa itong Chinese trumper vine. Pumitas siya ng isa at binigay sa akin.  "Sinisimbolo ng bulalak na iyan ang pag iintay."Ani ni Will. Titig na titig ang mga kulay tsokolate niyang mata sa akin." Kahit anong mangyari mag-iintay ako sa iyo, aking mahal." Natigil ang pag titigan namin nang biglang may humila sa akin.

"Umuwi na tayo Stella." Maawtoridad na untag sa akin ng lalaking humila sa akin. Aking tinignan kung sino ang lapastangan na ito.

"Ama..."

Isang gobernador ang aking ama sa bayan na ito. Samantalang si Will naman ay isa lamang magsasaka. kaya hindi matanggap ng aking pamilya ang aking lalaking minamahal.

"Papa, Mahal ko si Will." Nagpupumiglas na saad ko sa aking ama. Hindi napigilan ng mga luha ko na mag unahan sa pagtulo ng makita kong may kasama pa ang aking ama na mga armadong tao. "Papa, anong ibig sabihin nito? Bakit may mga armadong tauhan?"

Lumapit ang mga armadong lalaki kay Will at pinag bubugbog ito. Patuloy lang ako sa pag pupumiglas sa hawak ni ama. Wala akong magawa kundi ang umiyak habang nakasilay sa aking minamahal na bugbog sarado.

"Stella, halika na." Hinigit ako ni ama, ngunit nag pumiglas muli ako. Nakawala ako sa hawak ni ama. Nang laki ang aking mata nang makitang nag-labas ng baril ang isang armadong lalaki. Hindi na ako nag dalawang isip pa at tumakbo papunta kay Will.

"Will!"

"Stella!"

napa pikit ako sa tunog ng baril. Tumingin ako sa puwesto ni Will, Sumakit ang puso ko nang nakita itong duguan.

"Stella..." Nanghihinang lumapit ako sa kanya. "Stella, ba't mo ginawa yon... " Ngumiti lamang ako sa kanya. Nang makalapit sa kanya ay pinahiga niya ako sa kanyang hita. Napahawak ako sa dibdib ko, walang tapos ang pag agos ng aking dugo. Napangiti ako nang makitang ligtas ang aking minamahal. Sinangga ko ang bala na dapat ay sa kanya.

"W-will... " Hinaplos ko ang kanyang mukha. "Mas pipiliin ko ang mamatay na lamang kaysa mawala ka sa akin, will. I-ikaw lang a-ang mamahalin ko... Hanggang s-sa susunod na buhay ko... Mahal na mahal kita, W-will..."

Napa luhod ako sa mga ala-ala na nakita ko.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at umiyak na    lang dahil sa ala-ala na iyon. Kaya pala feeling ko may kulang sakin. Kaya pala may iniintay ako. Kaya pala...

"Will..." Hanggang ngayon hinihintay parin kita.

Shorts Stories Compilation Where stories live. Discover now