SIMULA

32 0 0
                                    

This book is a work of fiction. All names,characters,business,places,events or incidents are product or author's imagination or used in fictitious manner, any resemblance to actual persons living or dead,locales or events is entirely coincidential.

Ang aklat na ito ay isang gawa ng kathang-isip. Ang lahat ng mga pangalan, tauhan, negosyo, lugar, pangyayari o insidente ay imahinasyon ng produkto o may akda o ginamit sa kathang-isip na paraan, anumang pagkakahawig sa aktwal na mga taong nabubuhay o namatay, mga lokal o kaganapan ay ganap na nagkataon.

-
Simula

Hawak-hawak ko ang kamay ni magda papunta sa kanyang tinitirhan.

"Ano ba gusto mo kainin?ipagluluto kita." Nginitian ko siya pagtapos niya sabihin iyon.

"Kahit ano,paborito ko naman lahat basta ikaw ang nagluluto." Natawa siya kaya naman nahawa na rin ako sa tawa niya.

"Bolero ka talaga hahaha.." Ngumiti siya ng matamis sakin.

"Totoo 'yon. Ang galing mo kayang magluto."

Habang naglalakad kung saan malapit na ang bahay ni magda ay natanaw ko ang maraming tao sa tapat nito. Maraming reporters at camera na andun. Kita ko rin ang mga pulis at may ambulansiya pa.

"Ano nangyayare ron?"nilingon ko si magda pero wala na siya sa tabi ko. Nakita ko siyang tumatakbong lumapit sa nagguguluhang mga tao. Hinabol ko siya pero mabilis siya at pinasok ang nagsisiksikang tao.

"Ms?ano pong nangyayare rito?" Tanong ko sa nakasalubong kong nurse habang hinahanap ng mata ko si magda.

"Ay ser may pinatay po." Sabe niya kaya nabigla ako.

"Ganun ba?sige,salamat po sa pagsagot." Nagpatuloy akong hanapin si magda sa maraming tao. Nang mahanap ko siya ay natanawan ko si Krisa at Jolene.

"Krisa?Jolene?anong ginagawa niyo rito?anong nangyayare?" Sabe ko pagkalapit sa kanila. Tinanaw ko lang si magda na nakatingin sa may gitna habang nakapaligid ang mga tao. Hindi ko masyadong makita ito dahil nasa bandang likod kami at natatakpan ng mga tao.

"Chris? Hindi mo alam?kanina ka pa namin tinatawagan." Naluluhang sabe ni jolene. Taka ko siyang tiningnan.

"Chris,Si Dan-"



"Chris!"

Aish!

"MA?!!!" Sigaw ko.

"Ano ba?!May trabaho ka pa diba? Bumangon ka na riyan dahil mahaba pa ang byahe mo. Kanina pa kita pinatawag kay aling anita kaso tulog na tulog ka." sermon ni mama kaya bumangon na ako at naligo.

"Alam mo chris,matuto ka nang bumangon araw-araw. Masyado kang tamad. Tumatanda ka na ha." Sermon ni mama habang bumababa ng hagdag. Nakita ko siyang nagaayos ng almusal.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan sa pisngi.

"Ma,Don't mind me. Masstress ka lang,puro ka sermon sakin." nakangito kong sabe at umupo sa harap ng hapag kainan.

"Tsk!Basta ang sinasabe ko sayo,Umayos ka na!" Nginitian ko lang siya.

"Bye ma!" Paalam ko at pinaandar ang sasakyan.



"Naku ser,pasensya na kayo,walang marunong mag-ayos ng makina rito e." Laglag ang balikat kong tinanguan ang lalakking napagtanungan ko dahil nasiraan ako ng kotse.

Medyo malayo pa ang idadrive ko dahil sa laguna pa ang byahe ko.

"Ay teka lang ser,tanungin ko si Mang Kano kung may kakilala siya." tumango ako at nagpasalamat sa kanya. Habang nagaantay ay nagmasid lang ako sa paligid.

Puro usok

Mainit

Madumi

Mabaho

Squatter area ang nasa gilid ng daan. Makikita ko ang maraming tao at mga batang naglalaro. Kita ko rin ang dumi at basura sa paligid. Hindi rin maganda ang amoy dahil napapaligiran ng mga basura.


"Ser!" nilingon ko ito,nakita kong may kasama itong lalaking kasing edad ko lang.


"Ser!ito po si atoy marunong daw siya mag-ayos." Tinuro niya ang kasama niya kaya nilingon ko ito. Nagpakilala ako sa kanya.


"Atoy,ser." Nginitian ko siya,lumapit naman siya sa sasakyan ko at binuksan ang harapan. May hinalungkat siya roon at may inadjust na kung ano.


Maya-maya ay nilapitan ako nito at sinabe na okay na. Binuksan ko ang kotse ko at pinaandar.


"Salamat atoy,"naglabas ako ng isang libong pera pagtapos kong bumaba ulit ng sasakyan.


"Naku ser wag na ho maliit na bagay." Sabat ngiti nito. Umiling ako at inilapit ang pera sa kanya.


"No,thank you. Kung di dahil sayo ay baka mamaya pa ako makarating sa pupuntahan ko. Bigay ko sayo to para pangmeryenda niyo." Sabay abot ng pera sa kanya. Tinanggap niya ito at nahihiyang nagpasalamat. Tinanguan ko silang dalawa at nagpaalaam na.


Pagkapasok ko sa sasakyan ay niilingon ko uli sila at nakita ko pa may kinausap siyang pamilyar na babae. Kilalang-kilala ko ito. Ang hugis ng muka,ang magagabdang mata,matangos na ilong at ang kanyang mapulang labi.


Lumabas ako ulit ng sasakyan at lumapit sa kanila. Pareho pa silang nagulat na tatlo pero nakatuon lang ang paningin ko sa magandang babaeng ito.


"Magda."


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MagdalenaWhere stories live. Discover now