Chapter 2: Plans
⚫⚫⚫
CRISSY'S P.O.V.
"Babe. Sabay na tayo mag-lunch?" Napatingin naman ako sa gilid ko.
"Hindi na babe. Una ka na may pupuntahan pa kasi ako eh."
Pero bago pa kayo magtaka hindi kami ni Ken. Dahil bawal yun dito. We're just acting like one. Dahil bawal ang commitments dito. Kakagaling lang namin sa huling class namin—yes parehas na kami ng classes for this Grading—. Balak ko narin magpunta sa headquarters ng Heartbreakers, para sa meeting namin.
"Aw. Can't I come with you?" Tanong niya. Tss, kulet neto.
"No babe. Its only for Heartbreakers." Sabi ko. Tinanggal niya na ang kaniyang pagkaka-akbay sa akin.
"See you later."
"Okay see you." Finally! Nakalayo rin sa kaniya. Tss, para kaya yung linta, daig pa mga babae eh. Haist!
Pumunta na ako sa Dormitory. Naglakad ako sa hallway hanggang makarating ako sa dulo. Ang headquarters kasi namin nakapwesto sa gitna sa dulo ng hallway ng dormitory.
*tok tok tok tok*
Kelangan kase apat para malaman na ikaw ay myembro ng Heartbreakers. Nagbukas ito at bumungad sa akin ang malamig na hangin, malakas na musika at amoy ng mga alak. Kung yung headquarters ng iba na simple lang na may mahabang lamesa at malaking flat screen tv lang ang laman. Kami para narin 'tong mini bar. Kung titignan mo kasi galing sa labas simpleng silid lang 'to pero sobrang lawak naman sa loob. Ginawa ito ng campus para sa mga Heartbreakers.
Pumasok na ako sa loob. Binati naman ako ng ilang members. Binati ko rin sila. Naglakad ako papunta sa mga kaibigan ko.
"Hey Crissy! Tagal mo ah." Sigaw ni Miley. Umirap lang ako at napangiti.
"Eh paano naman kasi parang linta yung bago niyang boylet haha." Sinapak ko nga si Cyrus.
"Ew. Hindi ko yun boylet noh." Sabi ko. Umupo na ako sa gitna ni Cyrus at Miley. Nasa pabilog kami na table kasya siguro 20 dito sa upuan na'to.
"Hindi pa ba nag-start?" Tanong ko.
"Hindi pa. Hinihintay ka pa kasi namin saka wala pa si ate Steff." Sabi ni Jazz.
"Aww, how sweet. Hinintay niyo pa ako." Napalingon kaming lahat sa babaeng papalapit na sa lamesa namin.
"Malamang ikaw kaya nagpatawag sa amin dito Steff." Sabi ni kuya Nico—bestfriend ni ate Steff. Yes, si ate Steff nga yung kakadating lang.
"Ay, sorry naman daw. Tss haha. So, is everyone here?" Tanong niya. Umupo siya sa pagitan ni Jazz at kuya Nico.
"Yep." Sabi ni ate Rose. Ang secretary ng Heartbreakers. May mga officers kasi dito. President si ate Steff, vice naman si kuya Nico, secretary si ate Rose then the rest mga chairpersons na kami. Mga college lang ang nasa higher rank kasi sanay na talaga sila.
"So, pinatawag ko kayo ngayon. Dahil pag-uusapan natin ang tungkol sa mga transferees. I heard that there's 10 tranferees?"
"Right."
"And lahat ay mga 4th year students. Naganap na ang partnering ng senior year students kanina. May mga kakilala na ba kayong transferees?" Nagkatinginan kami nila Miley. Lumingon ako kay ate Steff.
"I have met two." Sagot ko.
"Me three." Sabi naman ni Miley.
"I met one." Sagot naman ni Jazz.
BINABASA MO ANG
HEARTBREAK UNIVERSITY
Teen Fiction"HEARTBREAK UNIVERSITY" Kung saan BawaL "Mainlove" Bawal "Magseryoso" Bawal "Mga stick to one" Bawal "Mga easy to get" Bawal "Magpakatotoo" sa mahal mo...