It was already 7pm. Cheer patiently waited in her boyfriend's room. Hawak ang puting cake na binake nya buong umaga.
Her boyfriend, Sean, had band practice at late nang makakauwi kaya nag decide siya na i-surprise nalang ito sa bahay ng lalaki. Nagpaalam siya sa mga magulang nito at coincidentally, aalis raw ang mga ito at madaling araw pa uuwi.
It's their first anniversary. Cheer felt excited. Gusto na niyang makita ang reaksyon ng nobyo sa surprise niya. She knows how Sean loves surprises.
She looked around his room. Checking if everything is in it's place.
Nagkalat ang mga scented candles sa buong kwarto. Sa itaas ng kama ay isang banner na siya mismo ang gumawa, kulay itim ito at may mensaheng, "Happy anniversary. I love you to the moon and back".
Satisfied siya sa naging kinalabasan ng preparation niya. After all, matagal nya nang pinaghahandaan ito at pinag iipunan.
7:30 na ng marinig niyang magbukas ang front door ng bahay. She heard a shuffle outside na parang nagmamadali ng pag akyat kaya dali dali niyang kinuha ang lighter upang sindihan ang kandila.
"Shit shit. Bakit ayaw mong sumindi!! Argh"
Mahinang litanya niya dahil naririnig niyang paakyat na ang mga yabag.
"Argh, bahala na nga."
Naramdaman niyang nasa labas na ng pintuan ang mga yabag kaya naman hinayaan nalang niyang walang sindi ang kandila sa ibabaw ng cake.
Naghanda siya ng isang malawak na ngiti at tumingin sa pintuan.
"HAPPY ANN-"
Kasabay nang pabagsak ng cake ay ang pagbagsak ng mga luha niya.
Dumating na si Sean. Pero may kasama siya.
Iniluwa ng bumukas na pintuan ang dalawang taong naghahalikan at nagmamadaling makapasok ng kwarto.
Kitang kita niya kung paano nanlaki ang mata ni Sean nang makita siya at ang buong kwarto nitong puno ng dekorasyon.
"W-wait babe. I can explain"
Cheer scoffed at the first sentence that came out of his mouth.
"Explain? Okay. Go ahead. Explain. Pero alam mo ba kung anong dapat mong ipaliwanag? Kasi marami rami. Siguraduhin mong lahat ng tanong ko, maipapaliwanag mo."
Pinipilit niyang maging matigas kahit iba ang ipinapakita ng mga mata niyang puno ng luha.
"I..think I should go, Sean." singit nang babaeng kasama ni Sean at nag akmang aalis ng pigilan siya ni Cheer.
"HINDE. Dito ka lang." Marahas niyang pinahid ang luha niya at tiningnan ang dalawang tao sa harap niya.
"Fae, sige na umalis ka na."
Lahat ng sakit na nararamdaman ni Cheer kanina ay nawala na. Isa nalang ang tanging nararamdaman niya. Galit. Galit na galit siya.
Galit siya kay Sean. Galit siya sa babae. At higit sa lahat, galit na galit siya sa sarili niya.
The girl he called "Fae" looked confused. Mukhang nag aalinlangan kung aalis ba ito o hindi. Binigyan niya ito ng matalim na tingin.
"STAY. THE FUCK. HERE." madiin niyang sabi sa babae.
"L-look. I'm sorry. We're just playing around. Hindi ko sinasadya. Just...I have to go."
Maglalakad na sana ito papalabas nang hatakin ng Cheer ang braso nito sa sapilitang pinaupo sa kama sa kwarto ni Sean.
"Hindi ka aalis. Magse-sex pa kayo ng boyfriend ko diba? Mag p-play around pa kayo? Then stay. Fucking stay dahil pag umalis ka dyan sa kinauupuan mo, hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo."
Dire-diretsong litanya niya.
Ramdam ng mga taong kasama niya ang tensyon na nakapalibot sakanila kaya sinunod nalang ng babae ang sinabi niya.
Hinarap niya si Sean na tahimik na nakatayo sa may pintuan ng kwarto nito.
"So? Go ahead. Explain." She said sarcastically.
"Babe, walang kinalaman si Fae dito. Paalisin mo na siya. Let's talk privately. Please."
"No. Hindi siya aalis. Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin. Para matapos na at matuloy nyo na kung anong balak nyong gawin."
"Babe naman."
"Wag mo kong ma babe-babe. Mag eexplain ka ba o gusto mo ako na mag eexplain para sa'yo?"
Hindi umimik si Sean. Hindi ito makatingin nang diretso sa nobya.
It was the first time he saw Cheer this angry. Yes, they fight. They fight A LOT. Pero nadadala niya ito sa sorry at sa panunuyo. It's his first time feeling lost. Hindi niya alam kung anong gagawin niya para mapawala ang galit nito.
"Oh, akala ko mag eexplain ka?" Cheer let out a laugh. Mocking him.
"Sige. Ako nalang magsasalita."
"Did you know na anniversary natin ngayon?"
"N-no.. I forgot."
"HAHAHAHAHAHA OFCOURSE YOU DID!"
She can feel her tears trying to get out again pero pinigilan niya ito.
"You forgot. Katulad ng pagkalimot mo nung birthday ko."
"Bakit mo nga ba nakalimutan? Ah..kasi diba nambababae ka nun?"
Sean's eyes widened. Hindi niya alam na alam pala iyon ni Cheer.
"HAHAHAHAHAHA yep. I knew. Nakita ka ng kaybigan ko. Pero ano nga bang dahilan mo sakin nun? Pagod ka sa band practice. Pinapractice nyo rin ba ang pakikipag one night stand?"
She was laughing nonstop. Kasabay ng luha niya na hindi niya na napigilan sa pagbagsak.
"Cheer.."
"NO. Hindi pa ako tapos."
She was now crying violently. Hindi niya na kaya. Parang sasabog ang puso niya sa sobrang sakit. Hindi na rin niya mapigilan ang paghikbi niya pero tinuloy niya ang pagsasalita.
"Tangina, ang bobo ko rin kasi. Bakit ba nagpapadala ako sa mga pangako mong hindi naman totoo? 'Cheer, hindi na ko uulit.' 'Babe, nothing happened. Siya yung humalik sakin pero bumitaw ako agad.' 'Babawi ako sayo. Promise.' 'Mahal na mahal kita Cheer, wag mo kong iiwan.' Hahahahahaha tangina, may totoo ba sa mga sinabi mo sakin?"
"I love you so much, Sean. I love you so much na kahit kitang kita na ng iba na maling mali na to, lumalaban pa din ako. Mahal na mahal kita, alam ko sa sarili kong hinding hindi kita susukuan."
"Cheer. I'm sorry. I love you. I love you so mu-"
"No. You don't. Tama na, Sean. Tama na naman ang pagsisinungaling. Please..tama na."
"Alam natin parehong hindi mo ko mahal. Kasi kung mahal mo ko, walang ganito. Hindi ka hahanap ng atensyon sa iba. Kung mahal mo ko, tutuparin mo yung mga pangako mo. Kung mahal mo ko sana pinaramdam mo."
"N-no. I love you. Mahal kita, Cheer. Maniwala ka sakin. It's just that..I get tired sometimes kaya ako naghahanap ng iba. Yun lang. But I love you. I do love you."
Something clicked inside her when she heard his confession. Her tears are still flowing nonstop, nonetheless she gave him a sad smile.
"Ako din. Pagod na pagod na ko, Sean. Sobrang pagod na ko. Ayoko na, Sean. Ayoko na maloko. Ayoko na masaktan. Hindi ko na kaya."
"N-no. P-please. No. Wag kang mapagod, please. Kaylangan kita. Please. Please babe."
Cheer saw that he was crying. But that didn't change her mind.
"Maghiwalay na tayo, Sean. And I'm not sorry for doing this. Just please..wag ka na munang magpapakita sakin."
She didn't bother wiping her tears. Kinuha niya na ang mga gamit niya at iniwan ang dalawa.

BINABASA MO ANG
Her kind of Red Flag
Teen FictionRed, orange, yellow, blue. You're a green but I don't want you.