"Jade...kompleto na ba ang mga gamit mo? Baka may naiwanan ka pa?"
"Ma, please wag na tayong umalis ma mimiss ko mga kaibigan ko...huhuhu"
"Hai naku Jade ang drama mo...ayusin mo na yang mga gamit mo"
Haist bakit kailangan pang lumipat?
Ok naman dito ahh...pang limang beses na lipat na namin to, si mama kasi naiirita na sa mga kapitbahay namin...chismis dito...chismis doon... porket sino sinong lalaki kasama ni mama...heller natural naman yun...kasi mabeauty ang mama ko kahit may anak na siya na maganda tulad ko......lumakas yata ang hangin...tinatangay ako...wapakelssa mga chismis na yon pero kailangan daw talagang lumipat kase may bagong trabaho si mommy dun sa beauty shop na best friend niyang jokla...hahah libre na ko dun...pero sayang mamimiss ko tong lugar na to
"Ma!!!!!!!"
"Ano???bat ka sumisigaw?"
"Wala...tinawag lang kita"
"Ai lokong bata to, umayos ka, aalis na tayo maya-maya"
"Ma magpapaalam muna ako sa kaibigan ko ahh"
"Oh sige basta wag kang magtatagal darating na yung sasakyan maya-maya"
"Okie"
TOK*TOK*TOK* tao po!!!
"Ui Jade san ka pupunta...di ako pwede maglakwatsa ngayon..."-nina
"Di naman yun ang pinunta ko dito eh...aalis na ko"
"Haaah! Magaabroad ka na?"
"Sira...lilipat na kami ng bahay"
"Weh di nga...anong trip na naman yan?"
"Trip to another place...magpapaalam lang ako sayo"
"Weh ui malulungkot ako kasi wala na akong lokaret na kaibigan"
"Ehem...mas malulungkot ako kasi wala na akong baliw na kaibigan"
"Ikaw ahh...basta kung ano mang kalokohan ang gagawin mo itxt mo ko o mas maganda tawagan mo ko... sabay tayong magplano"
"Oo bah...ikaw pa sige baka nandun na yung sasakyan"
"Jade...wag kang makakalimot sumulat at ang bilin ko sayo ha wag mong kakalimutan"
"Hahahaha...ang drama...di bagay"
"Hehehe...vavooo"
"Vavooo"
Gusto kong umiyak, yun na ang huling tawanan namin ni nina...huling paguusap namin pero sana hindi yun ang huling pagkikita naming dalawa
"Oh Jade tulungan mo nga akong ilulan sa sasakyan tong mga gamit"
"Opo"
Paalis na kami sa lugar na natutunan ko ng mahalin at sa mga taong nakilala ko...at nakasama...paalam... weh di ba nga kapag nagpapaalam may bagong bukas na darating...bat ba ako nagdadrama...normal lang naman...na malungkot kapag umalis...nakatingin ako sa labas na nadadaanan namin ang buong barangay, ang mga bahay sa tabi tabi na parati kong nadadaanan pag pumapasok sa school ang upuan sa kanto na tambayan namin ni nina kapag kumakain ng bananaque... napapaluha ako
"Nandito na tayo Jade gising na"
"Nandito na ba tayo?"
"Ayy wala pa nasa daan pa tayo"
"Tsk ang sakit ng ulo ko"
"Wag kang maarte...yan kase maraming iniisip di ka naman businessman"