Chapter 1

27 4 1
                                    

"OH, Ano Eydie tapos ka na ba sa first customer mo?" iyon ang salubong na tanong ng kaibigan ni Eydie na si Mariz sa kanya.

Siya at ang kanyang tanging kaibigan ay namamasukang 'massage therapist' sa isang SPA for almost 3 years sa katabing siyudad ng bayan nila, ang Lucena na siyang kabisera ng probinsiyang Quezon, na isa na ngayong developed province.

Mariz was a bread winner, kaya halos magkanda kuba na ito sa pagtrabaho kagaya niya. Mariz Ann Ranara is 25 at may binubuhay na limang nakakabatang kapatid at inang may sakit. Sa Spa na kanyang pinagtatrabahuan niya ito nakilala nang sabay silang nag-apply at nag seminar tatlong taon na ang nakaraan.

"Yes, natapos ko na. Kaya nga lang pangangalay naman ang inabot ng mga kamay ko dahil sa matambok na katawan ni Mr. Suarez" tukoy niya sa una niyang customer sa araw na iyon at marahang natawa.

"Susko, hayaan mo na. Buena naman kung magbigay ng tip. Mabuti nga't marami tayong customer nitong nagdaang araw, at baka kako ay mabigyan pa tayo ng bonus ni Mama Fay" tukoy ng kaibigan niya sa matabang babae na may ari ng Spa.

Sabado ng araw na iyon at maraming nagpapa massage, kaya halos magsiksikan na ang mga suki nila, at mga empleyado sa iba't-ibang establishimento papunta sa Spa nila.

Eydie released a sigh before talking.

"Kun' sabagay may point ka. Sana nga magbigay siya ng bonus para man lang may pandagdag ako sa pambili ko ng gamot para kay Papa" she said and flashed a forced smile on her face.

Eydie badly want to earn a money at the moment. Nasa stage 4 na ang cancer ng kanyang ama kaya siya nagsisikap sa pagtatrabaho. Halos pagudin at halos hindi na siya nakakain sa dalawang trabahong kanyang pinapasukan. Kung nakakakain man ay pananghalian lamang at ang inu-ulam pa niya ay Oishi. Bumibili siya ng isang pack nang maliliit na oishi para magbaon ng tig dadalawa. Ayaw niyang bumili o gumastos pa ng pera pambili lamang ng ulam niya dahil nasasayangan siya. Ganyan siya kahigpit sa kinikita niyang pera. She would only spend her money if it's a matter of life and death.

Sa umaga, siya ay massage therapist, sa hapon hanggang gabi naman ay waitress siya sa isang restaurant sa bayan para lang kumita pangtustos sa pangaraw-araw nilang gastusin at pambili ng gamot para sa kanyang ama.

Her mother, Diesel, couldn't care less. Magmula nang ginawa nito ang 'di mapatawarang kaharagan nito sa kanya'y tumigil na ito sa pagiging sekretarya ng kanilang baranggay at minsan lamang ito kung pumirme sa bahay nila dahil parati itong nag lalakwatsa, naglalasing o di kaya'y abala sa panlalaki.

Eydie and her father were aware on how imbecile Diesel is and the shits she's been up to. Subalit, nawalan na siya ng amor na makipag-usap dito. It's been exactly almost five years.

Ang kanyang ama na lamang ang kanyang iniintindi. As much as possible she wanted to do anything and her best just to add and spend a little more time with her father. Ito na lamang ang kakampi niya. Gagawin at gagawin niya ang lahat para rito.  She would risk everything even though she'll be empty just to make her father feel the satisfied of her love.

"Oi Eydie nakikinig ka ba? " Mariz snapped a finger in her front.

Kumurap siya at tinitigan ang kaibigan. "Ah, huh. S-sorry. Ano nga ulit ang sinasabi mo?"

"Nandito sina Gov, kararating lamang. Kasama niya si Dex John Triviño, 'yong kaibigan niyang abogado na nuknukan ng kagwapohan" saad nito saka sabik na lumabas at dumiretso sa waiting area, at tinungo ang abogadong tinutukoy nito.

Halos isang minuto ang nakalipas saka lang natauhan si Eydie nang dumaan at nilagpasan siya ni Mariz kasama ang abogadong tinutukoy nito.

"Ikaw na'ng bahala kay Gov" anito saka siya kinindatan that left her confused.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 9 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Governor's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon