Chapter1

14 2 2
                                    

Aria POV

“Aria! Wake up!! Malelate ka na sa duty mo!”, boses ni mama habang kinakatok ang pinto ng kwarto ko. Dahan dahan kong minulat ang mga  mata ko.. Grabe duty na naman… pipikit pa sana ko ng…

“Aria!! Isa!! Bumangon kana!!!”, sigaw na naman ni mama..

“Opo!! Eto na babangon na”, ganting sigaw ko.

Oo nga pala ako pala si Aria Mendez 18 y/o single.at only child. Hehehe.

3rd year student and I’mtaking up Bachelor of Science in Nursing.

Wow!! Opo.. Nursing student po ang lola niyo..

Hindi ko din alam bakit ito ang napili kong course. Siguro dahil nasa genes? Hehe most of my family kasi nasa medical field kaya gusto ni mama at papa na sumunod ako sa yapak nila..

Hay naku tama na nga.. let’s continue.

Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako para maglunch.. yeah lunch dahil 2pm-11pm ang duty ko.. kaya kahit tanghali ng gumising ok lang..

“oh, your finally woke up”, sabi ni mama.

“halika na at ng makakain kana”, agad naman akong sumunod. Pinaghain pa niya ko ng pagkain. Lagi talaga kong bini baby ni mama. Huwag ka nga lang tatamad tamad sa pagpasok.. he he

“Ma? Wala kong pasok?”, tanong ko habang kumakain. Kasi madalas nasa day shift siya eh.

“Meron, kasi nalipat ako sa grave yard kaya mayang eleven pm pa ang pasok ko”, sabi ni mama at sinabayan na akong mag lunch.

“Ihahatid na pala kita para bawas sa pamasahe mo”, maya maya sabi nito.

“Ma!!”, syempre nag react ako dun.

“anak, joke lang. Gusto lang kitang ihatid para naman safe ka makarating sa Ospital”, nakangiting pagpapaliwanag ni mama.

“hindi niyo po babawasan yung allowance ko?”, tanong ko naman. “hmm..”,

“Ma!!!”, nanlalaki ang mga mata kong sabi.. na ikinatawa lang ni mama.

“Relax baby, hindi ko babawasan. Promise”, itinaas pa niya ang kanang kamay niya habang tumatawa..

“sige na bilisan mo na diyan”, pagtatapos nito para bigyan naming ng pansin ang aming pagkain. 

Ivan POV

Nagising ako sa isang napakaputing paligid. “where am i?”,inilibot ko ang paningin niya pero wala talaga akong makita kundi puro puti..

“hello?! Anybody here?!”, naglakad lakad ako. Maya maya biglang nagbago ang paligid ko. Napakaraming tao sa paligid, pero lahat nakaputi? Lumingon ako sa paligid at nakita ko ang mgamagulang ko na umiiyak.

“Mom! Dad!”, tumakbo ako palapit sa mga sa kanila.

“Mom! Dad! what happened? Why are you both crying?!”, tanong ko sa kanila ngunit parang di nila ako naririnig.

“Ivan!! Please wake up!! anak!!!”, panaghoy ni Mommy.

“Mom! Nandito ako!!”, sigaw ko pero di naman lumilingon si Mom.

“Dad! I’m He—“, sinubukan kong hawakan si Dad ngunit tumatagos lang ang mga kamay ko.

“Dad!”, sinubukan ko ulit ngunit ganun pa din.

OH! MY! GHOST?!(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon