Hugot #4

1.1K 16 0
                                    

"Umamin na nga  ako sa kanya, pero bakit parang lumayo siya sa akin?"

Alam kong isang mahirap na bagay ang pag amin sa isang tao, lalo na kung matagal mo na siyang gusto. Umamin ka nga hindi ka naman niya pinansin. Sa pananaw ko ay siguro dahil ayaw ka niyang paasahin, kaya mas mabuti nang lumayo siya sayo kesa sa kapag lumapit siya ay mas  lumala pa ang pagkagusto mo sa kanya. 

Oo  masakit, pero ano sa tingin mo anong mas masakit, ang iwanan ka niya ng 50% pa lang ang nararamdaman mo sa kanya or kung mas lumapit siya sayo at iwanan ka na  kung 99.9% na? Hindi rin naman natin sure kung iiwan ka niya. Meron din kasing possible na mangyari.

1. He can love you back. (Depende na yan.)

2. Mafrefriendzone ka niya. 

3. Kagaya rin ng sinabi ko kanina ay, 50% pa lang ay iiwan ka na niya.

Nangyari na din yan sa akin. Pagkatapos kong umamin ay ako na ang unang lumayo para maka move on ganun. Nagwork naman pero hindi rin nagtagal naging magkaibigan na kami ulit. Masaya naman ako 'nun na kahit umamin at iniwan ko siya for 3 months ay hindi siya naawkwardan nung nagkita ulit kami.

 Narealize ko rin na mas maganda na pa lang magisip kesa ang puso ang inuuna.

Facebook  HugotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon