Chapter 01

7 1 1
                                    

Biya's POV

At sa wakas, matatapos na rin ang huling subject namin para sa araw na 'to. Nakauwi na kaya 'yon? Hays pa'no ba naman kasi napakatagal magklase ng gurong 'to.

"Biya, ano na? Tara na, napakatagal mo." sigaw ni Quiren, kaibigan ko. Kung makasigaw naman 'to parang nasa palengke kami. Tumayo ako at kinuha ang bag, inaya na rin namin ang isa pa naming kaibigan na si Syrene.

Kung minamalas ka nga naman, wala ng tao dito sa school, so it means nakaalis na siya. Tsk, sana kasi hindi nalang ako naging SSIS, Special Students In School daw, pinahirapan lang kami at staka lalo lang kaming na depress e.

"Oyy, hinahanap na naman." ani ni Syrene.

"Manahimik ka, mainit ulo ko."

"Sus, 'di mo lang nakita si Jiro nag ka ganiyan ka na." ani ni Quiren.

"Tsk, e kayo? Palibhasa nakasabay niyo kanina sila Xemon e." Pagtukoy ko sa mga crush nila. Tsk sana sumabay nalang ako kanina sa kanila para nakasabay ko rin si Jiro.

Umuwi na rin kami matapos ng aming pag uusap. Nag bihis ako at nag ayos na din dahil may practice pa kami ng sayaw para sa gaganapin sa School. Chinat ko na rin si Quiren na daanan nalang ako para sabay na kami papunta kila Syrene.

Nakarating na rin kami sa plaza kung saan kami mag papractice, tsk nakakainis, napakatagal lagi ng mga kaklase namin. Umalis muna ako sa plaza para bumili sana ng makakain sa labas. Palabas na ako ng tindahan ng makabangga ko si Kenzie kasama ang tropa niya, tsk pwede namang si Jiro nalang makabangga ko.

"Ay sorry, Biya. Ang pandak mo kasi 'di kita makita. Pwede mag patangkad ka naman?" ani nito at tumawa naman yung mga tropa niya. Tsk kung 'di lang 'tong mga 'to mas matanda sakin sinapak ko na.

"Ay weh? Atleast hindi ako katulad sayo na kalansay, kulang nalang hangin para lipadin ka." ani ko at umalis narinig ko pa ang mga tropa niya na tawa ng tawa habang si Kenzie naman ay inis na inis.

Dumeretso na rin ako sa plaza hawak hawak ang bili kong burger at softdrinks.

"Biya, pakibilisan naman, kain ka ng kain d'yan e." ani ni Bene, isa siya sa mga kaklase ko na makakasama sa sayaw, matalino, gwapo, maputi, saktong tangkad, kaso parang bading. Napakasayang.

"Hoy kanina pa kami rito't nag hihintay sa inyo, kayo nga yung napakabagal kaya nagutom ako e, ede sisihin niyo sarili niyo, sapakin ko kayo e." ani ko at inubos ang pag kain, nag tira naman ako ng softdrinks para may inumin ako pag katapos ng practice.

Inayos na ni Bene ang Formation namin at kumuha nalang kami sa Youtube ng mga steps para sa aming sasayawin. Matapos ang halos isang oras na practice umuwi na rin kami.

Pumasok ako ng kwarto at kinuha ang aklat na hindi ko pa natatapos sulatin. Mabuti naman at sipigan ako ngayon mag sulat ng kwento, kung hindi, hinding-hindi ko 'to matatapos. Pangarap ko ang maka pag publish ng aklat. Dati pa man din hilig ko na ang mag sulat ng kwento at mga tula.

*on book...

Nakita ko siyang papalayo, habang hawak hawak ang ulo ni Mandice. Bakit? Bakit niya 'to nagawa. Hindi ko lubusang maisip na nagawa niyang paslangin ang babaeng pinakamamahal niya.

"Mahal na mahal kita Mandice, pero hindi ko kayang makita na masaya ka sa piling ng iba." ani nito.

Hanggang sa makalayo ito at hindi ko na makita. Nababaliw na siya. Siya na mismo ang nag sabi na iwasan na siya ni Mandice, ngayon ayaw nyang makitang masaya ito? Sobrang baliw na siya.

Tumakbo ako palabas ng paaralang ito at hinanap ang iba pa naming kaibigan. Agad ko naman silang nakita sa isang restaurant na malapit dito. Kailangan kong itikom ang bibig ko. Kailangan kong magpanggap na walang alam sa nangyari, na wala akong nakita, na wala ako sa lugar na 'yon ng mangyari ang krimen.

She's the Book (Author's Life #01)Where stories live. Discover now