Our Lustful Night- EPILOGUE

422 2 0
                                        

'Epilogue'


Oh my gosh! Oh my gosh!

"Hubby!" sigaw ko.

I have news for him at alam kong ikagagaan ng kalooban niya ito.

Jasmine.

"What? What happened?" humahangos itong pumasok sa kuwarto namin at nakakunot-noo.

Sinenyasan ko siyang lumapit sa kama at umupo. Good, masunurin kong asawa. Haha.

"What is it? Are you pregnant?" malawak na ngiting anito.

Inirapan ko siya. Siraulo.

Hindi ko pinansin ang tanong niya at inabot ang envelope na galing pang HQ ng US branch ng Villaromano Corp.

Salubong ang kilay niyang tinanggap iyon.

"What's this?" tanong niya.

"A brown envelope with white bond paper inside?" asar ko.

Sumimangot siya dahil do'n na ikinatawa ko.

Ang cute! Haha.

At para alisin ang inis niya, paharap akong umupo sa kandungan n'ya at ako na mismo ang naglabas ng papel na nasa envelop.

Jasmine's application.

Hindi ko akalain na mag-aapply si Jasmine sa Villaromano Corp. sa US.

Jasmine has a lot of explaining to do... Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko, three weeks ago... Sa beneficiaries niya kasi sa application niya... Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko...

Markus Vandred Centino, Male, 9 years old.

Iyon ang nakalagay sa mga Xerox copy nang mga ipinasa niyang requirements. Lahat may pangalan ng batang lalaki bilang beneficiary niya.

Hindi ko pa iyon nasasabi kay Third... Kahit kay Mommy Jamie... I want to talk to Jasmine, first. Baka may dahilan siya.

Binalik ko ang atensyon sa asawa ko... Kita ko ang paglaki ng mata niya sa nakita.

"Galing 'yan sa HQ ng US branch ng Villaromano Corp. She's applying for a Managing Director position, my husband." ngiti kong paliwanag.

Binitiwan niya ang papel at bagsak ang balikat na niyakap ang bewang ko at sinubsob ang mukha sa leeg ko.

"Tinanggap ba siya agad?" tanong niya. Tumango ako. "What if, she really don't want to come back here? That's why she applied?" tanong niyang muli.

Uh-oh. Hindi pa naman kasi ako tapos magkuwento eh... Haha.

"How do you say so?" tanong ko.

He sighed, "She applied at your company in US branch. Ayaw na niyang bumalik dito." aniya.

Napailing ako, "Tanggap na si Jasmine as Managing Director pero hindi naman agad siya ilalagay sa branch ng US, okay?" pagsabi ko no'n ay agad siyang lumayo at hinarap ako na bakas ang gulat sa mukha.

Hindi puwedeng do'n siya agad. Kailangan niyang magpaliwanag.

"What do you mean?" naguguluhan niyang tanong.

Umayos ako ng upo sa kandungan niya, "The company needs to train her, first. Kailangan makita ng board na karapat-dapat siya sa posisyon na iyon." ani ko at hinawakan siya sa pisngi. Hinaplos ko iyon, "Dito siya it-train sa Philippine branch ng Villaromano Corp., bago siya muling ipapadala ro'n. Puwede rin na isa na lang sa mga branch dito sa Pilipinas kung gugustuhin niya." ngiti ko.

Napaawang ang bibig niyang nakatitig sa akin. Haynako.

"B-Babalik siya rito? P-pumayag siya?" kabado niyang tanong. Nakuuuu!

OUR LUSTFUL NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon