What if your wish was granted? But you did it out of boredom and in a wrong place. What will happen?"Guys, I am really bored here. Can we go somewhere?" Tanong ni Salvi na kanina pa hindi mapakali sa kinauupuan nito. Sanay kasi itong pumunta sa mga party tuwing bakasyon pero hindi nito iyon magawa ngayon dahil napagkasunduan ng buong barkada na sa probinsya nina Hally sila magbakasyon.
Napatingin naman sa direksyon nito ang mga kaibigan nitong sina Dase, Fiona at Hally na ngayon ay napatigil sa paglalatag ng banig para sa kanilang pagtulog.
"Are you out of your mind Salvi? It's already 10 PM, bawal na tayo lumabas. Remember what lola Conchita told us? STAY and don't do anything that may lead us in danger. Tsk!" Nakairap naman na suway ni Fiona sa kaibigan nitong si Salvi na agad humiga sa inilatag nitong banig at nagtulukbong ng kumot.
Nagtataka namang tumingin sina Salvi, Dase at Hally kay Fiona. Kanina pa kasi nila napapansin ang weird na ikinikilos ng kaibigan. Halatang may problema ito.
"May problema ka ba Fiona?" Curious na tanong ni Dase sa kaibigan. Agad namang bumangon si Fiona at bumuntong-hininga. Tumingin ito sa mga kaibigan.
"Naiinis lang naman ako sa inyo guys kasi ang sabi n'yo kanina sasamahan n'yo ako do'n sa wishing well na sinasabi n'yo para magwish. Dami-dami ko pa naman sana gusto iwish" nakalabing wika ni Fiona at halata sa mata nito na maluluha na ito.
Napabuntong-hininga naman ang magkakaibigan. May pagkaisip-bata kasi itong si Fiona, masyadong tampuhin at may pagkaspoiled brat dahil nag-iisa lamang anak ng mga magulang nito kaya naman dapat masunod lagi ang gusto dahil kung hindi susunduin ang mga gusto nito ay hindi ito magpapatulog.
"We still can go there, diba mga best?" tanong ni Dase habang nakangiti. Gusto lang nito pagbigyan ang itinuturing nitong pinakabestfriend na si Fiona.
"D-Dase, alam mo naman na delikado papunta do'n diba?" Paalala ni Hally sa mga kaibigan na halata sa boses ang kaba. Alam kasi ni Hally at Dase na delikado ang papuntang wishing well dahil nasa gitna iyon ng gubat at gabi na rin ngayon.
"Tsk! Huwag ka ngang OA Hally. Mag-iingat naman tayo eh saka I'm really bored here" asik naman ni Salvi kay Hally.
"Let's go girls!" dagdag pa ni Salvi na agad tumayo sa kinauupuan nito at hinigit ang kamay nina Fiona at Dase patayo para lumabas ng silid na 'yun.
Wala naman nagawa si Hally sa katigasan ng mga ulo ng kaibigan nito kundi ang bumuntong-hininga at labag sa kalooban na sumunod nalang sa mga ito since wala na rin naman choice dahil alam n'ya na hindi na n'ya mapipigilan pa ang mga ito.
Habang naglalakad sa kakahuyan sa gitna ng gubat papunta sa wishing well ay hindi maiwasan ni Hally ang sarili na sermonan ang mga kaibigan sa katigasan ng ulo ng mga ito. Halos magkasabit-sabit kasi ang mga braso nila sa mga nakausling sanga ng kahoy na kanilang nadaraanan at hindi rin maipaliwanag ni Hally ang kaba na kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Nagtitindigan din ang mga balahibo n'ya sa braso sa hindi n'ya mapaipaliwanag na dahilan.
BINABASA MO ANG
At Exactly 11:11✔
Short Story#Short story What if your wish was granted? But you did it out of boredom and in a wrong place. What will happen?