The beginning of the end

15 3 5
                                    

Ms.Nobody's Pov:

"11:11"
"Sana katulad nya din ako"
"Sana kamahal mahal din ako katulad ng ibang tao"
"Sana hindi ako ganito kawalang kwenta"
"Ma, sana isang araw kaya ko ring maging anak na katulad ng gusto mo", sunod-sunod na chat ko sa gc ng malaman ko kahapon na kapag  11:11 pala pwede kang mag wish.

"Napaka attention seeker mo talaga selp", pagsapo ko sa aking noo habang sinasaway ang aking sarili (sa isip ko).

Wala pang ilang segundo ay kaagad ko ding niremove ang message ko.

Hindi din naman napansin ng mga co-members ko sa gc ang ginawa ko dahil may kanya kanya din silang inireserbang hiling sa pagsapit ng 11:11

Nanatili ang masayang awra sa gc.

Buti na lang kahit attention seeker ako. I'm not that important para pagtuunan nila ng pansin

Sinusubukan kong sabayan ang kagaguhan nila sa gc habang pilit akong ngumingiti
(as if naman na nakikita nila ako HAHAHA).

Kasabay ng unti-unting paglabo ng mga letrang pinipindot ko at unti-unting pagpatak ng kanina pa nang gigilid na mga luha sa dalawang mata ko.

Oo nakakahiya,ang kalat ko kanina.
Pero yun naman talaga yung araw-araw na hinihiling ko kahit hindi kopa alam yang tungkol sa 11:11 na yan.

Gabi-gabi akong umiiyak, Wanting to end my meaningless life.

----------------------------

Sa kalagitnaan ng aking pagdradrama na gabi gabi ko namang ginagawa.

Biglang nag ring ang cellphone ko na inilapag ko kanina sa aking tabi.

Maagap ko naman itong kinuha at kaagad na pinatay ang call bago pa ito marinig ni mama. Sesermonan nya nanaman ako, kesyo lagi na lang akong nagpupuyat. Hindi ako marunong makinig. Ibang-iba daw ako sa mga pinsan ko.

Lalo na kapag narinig nya yung call.
Sasabihin nya nanaman lumalandi na kaagad ako, na sa kabila ng katahimikan ay nakatago ang aking kulo.

----------------------------

"Fffffrrh~ ffffrrh~ ffffrrh~", sunod-sunod na vibrate ng cellphone ko.

"Uyyy"
"Okay ka lang ba?"
"Alam mo, naiintindihan kita"
"Soon, magiging okay ka din"
"Andito lang ako pwede kang mag share sakin", tuloy-tuloy na message ang natanggap ko mula kay Patrick Oxford.

Sya pala yung tumawag sakin. Hindi kami close pero, I know na isa sya sa mga members sa gc.

Bahagya kong iniuntog ang aking ulo sa pader sa likuran ko ng malaman kong may nakapansin pala sa katangahang ginawa ko.

"Ok lang ako", reply ko sa kanya.

"Hindi ka okay and I know that", pagpapatuloy nya na para bang alalang alala sakin.

"Don't mind me", reply ko ulit sa kanya.

--------------------

By the way, I'm Scarlet Pain a normal girl na sawang-sawa na sa buhay ko in real world kaya gumawa ako ng dummy account to experience something new. To meet different kind of pep's without giving them any idea about sa totoong ako.

I just want escape. Hanggang sa may magsali sakin sa isang SBH (Sister Brother Hood) (daw) and I found out that they or we (maybe, I'm one of them na) are called *role players.

And that Patrick Oxford. I don't even know him.
Actually, I found him as the most mysterious guy sa gc (base on his way of chatting).

Too deep na para bang walang pake elam sa mundo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Internet Love?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon