Sabi ng madami, romantic daw kapag ang love story ay nagsimula kapag umuulan. Hindi ko alam kung ano ang romantic dun kasi bukod sa palaka at kabuti lang ang naglalabasan kapag malakas ang ulan, walang romantic sa palakpakan ng kulog at ilaw ng kidlat. Takot lang ang nararamdaman ko sa tuwing umuulan.
Pero ano nga bang meron sa ulan at ang iba ay masayang nagtatapisaw at tumatakbo sa ulanan? Hindi ba sila takot magka-leptospirosis sa tubig-ulan?
Pero tulad ng ulan na tahimik lang sa langit, unti-unting nagbago ang tingin ko sa ulan ng hindi inaasahan.
--------
Mag-uuwian na. Makulimlim ang langit na may konting kulog at kidlat. Parang uulan na naman. Sabi ko sa sarili ko, saka nagbuntong hininga at saka sumandal sa head board ng upuan ko.
Ayoko sa ulan. Hindi lang sa ayaw ko, kung hindi takot ako sa ulan. Minsan umaabsent pa talaga ako kapag alam kong uulan. Hindi ko ba alam pero bigla-bigla na lang ako namumutla kapag umuulan.
Tumunog na ang bell. Tapos na ang klase. Kasabay nito ang malakas na buhos ng ulan namay kasama kidlat at kulog. Madilim ang paligid kaya kailangang magbukas ng ilaw sa loob ng classroom. Walang ibang liwanag kung hindi ang guhit sa langit ng kidlat at kulog. Kanya-kanyang labasan na ang mga kaklase ko. Naiwan naman ako kasi isa ako sa mga cleaners. Siguro titila rin naman to after naming maglinis.
Tapos na kaming maglinis pero umuulan pa rin ng malakas. Kinakabahan na ko kung pano ako uuwi neto - kung susugurin ko ba ang ulan o magpapatila muna ako. Bukod pa ang kabang pilit kong tinatago sa loob ko.
Tahimik lang ako sa sulok, at nakahalukipkip. Malamig ang simoy ng hangin, na may kalakasan. Ang iba ay sinusugod ang ulan, and iba naman ay kanya-kanyang payungan. Hindi ko maintindihan kung pano nagiging kalmado ang mga tao sa ilalim ng ulan. Bawat magpatak ng ulan sa bubong ay syang lakas ng kabog ng dibdin ko.
"Oh payong mo," sabi ng tinig sa gilid ko. Hindi ako umimik pero tiningnan ko mula sa kinatatayuan ko kung sino ang nagsasalita. Classmate ko pala to, pero hindi ko matandaan ang pangalan.
"Sige naaaaa," pilit nya sakin, saka nya kinuha ang kamay ko at saka ikinapit sa payong na binibigay nya, "May raincoat naman ako kaya okay lang ako."
Sabi nya sakin at saka sya parang batang nagtampisaw sa ulan. Pano nya nagiging masaya sa ilalim ng ulan, samantala akong di ko alam kung nangangatog ako sa lamig o sa kaba.
5:30 na ng hapon at hindi pa tumitila ang ulan. Wala na kong magagawa kung hindi ang suungin ito. Binuksan ko amg payong nang makita ko ang pangalan na nakasulat sa gilid nito.
"Elise Castro."
Yun pala ang pangalan nya. Hindi kasi ako social butterfly katulad ng ibang senior highschool na bata. Sapat na alam ko ang class at section ko masaya na ko nun.
Nakakailang hakbang pa lang ako, para na kong lalagnatin sa kabang nararamdaman ko. Kipkip ang braso ko, ayaw ko mabasa kahit na konti sa katawan ko. Buti na nga lang at malapit ang bahay ko sa school kaya hindi ko matagal iindahin ang ulan.
Ilang liko lang at nakauwi na ko. Iniwan ko sa may harapan ng pintuan namin ang payong para matuyo at agad na pumasok sa bahay. Agad naman akong sinalubong ni Mama para kamustahin.
Wala pa ring pagbabago, takot pa rin ako sa ulan.
"Ang ulan ay hindi bumubuhos ng hindi nagpapakita ng senyales."
--------------
Maagang sumikat ang araw. Wala ng senyales ng ulan. Bumangon ako sa kama at saka nag-asikaso pagpasok. Si Elise agad ang hinanap ko pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom. Kaso wala pa sya, maaga pa naman bago magsimula ang class. Ilang minuto lang pumasok na si Elise kasama ang mga kaibigan nya.
YOU ARE READING
Something about the Rain (ONESHOT)
Teen FictionAng ulan ay mararamdaman, pero hindi mapipigilan. For updates, follow @imyeshalegaspi on Twitter