Stephanie pov
Nagaayos ako ng kwarto ko para bumaba.Pumunta muna ako sa banyo para ayusin muna yung sarili.
Nakaligo na rin ako at nakasuot ako ng oversized t-shirt na black at black din na short.I really love black.
Bubuksan ko na sana yung pinto pero naka-lock.Sinubukan ka lang ng sinubukan pero walang nangyayari.Nagsasayang lang ako ng lakas.
"MOMMYYY!!DADDYYY!PLEASE OPEN THE DOORR" sigaw ko pero para silang walang narinig or maybe pumasok na sila sa kompanya.
"YAYAAAAAA I KNOW YOU CAN HEAR ME SO PLEASE!!OPEN THE DOORR"sigaw ko nanaman pero walang sumagot.
"Yayaaa"medyo paos ko nang sigaw.And thankfully may narinig na akong paakyat.
"Ya"nanghihina kong saad.Hindi pa ako kumakain ng pangumagahan 10:46 am na.
"Stephanie?"ani ni yaya sa labas.
"Ya paki open nga po yung pinto.Gutom na gutom na ako."
"I'm sorry steph pero di ko yun pwedeng gawin.Na kay mommy mo yung susi kaya di ko 'to mabubuksan"mukang di naman nagsisinungaling si yaya Kaya di na ko sumagot.Narinig ko naman yung pagalis nya.
Hinanap ko nalang yung cellphone ko para kahit papano makalimutan ko yung gutom ko.
Hinanap ko sa study table,sa kama,sa mga unan pero wala. Hinaluhog ko na yung buong kwarto pero wala talaga.Hinanap ko na rin sa banyo pero wala talaga.Mukang kinuha yun nila mommy kaya humiga nalang ako sa kama at nakipagtitigan sa kisame.
Ano ba kasing mali sa relasyon namin. Mabait naman sya at ng pamilya nya. Bakit pa kasi napaka importante ng kompanya nila.Makapag alaga sila sa mga kompanya kala mo naman anak.Hindi naman lumabas sa sinapupunan ni mommy.
Mas mahal pa nila yan kesa sa totoo nilang anak.Mas pinipili pa nila ang kaligayahan nila kesa sa nararamdaman ng anak nila.Mas mahal ang nila ang pera kesa anak.Mas gusto nilang yumaman kesa makasama ang anak.Buti pa nga yung ibang mayayaman walang pake sa pera basta makasama lang nila ang anak nila pero yung mga magulang namin imppsible ng piliin kami kesa sa pera.
Hindi ko namanlayan na tumutulo na pala luha ko.Di ko alam kung anong iniiyakan ko, kung gutom ba o yung pinagiisip ko.Siguro both?
Punyeta naman oh.Buti sana kung nakakain tong pisting luha na to di naman.
Pilit kong pinapakalma tong sarili ko pero di talaga tumigil.Masakit na rin tong tyan ko pero wala namang may pake kahit mag kasakit pako.
Pinilit kong itulog nalang pero di nakikisama tong katawan ko. Parang mas gusto nya mag wala kesa magpahinga.
Dinilat ko rin ng matagal tong mata ko para sana maantok pero wala paring epekto.
Umikot ikot ako sa kama.Di ako mapakali gutom na gutom na talaga ako.Tinignan ko yung wall clock 1:08 pm na pala.Bilis naman ng oras.
Ikot lang ako ng ikot hanggang sa..."BOGSHHH" nahulog ako sa kama.
"Aww ansakit na nga ng tyan ko, sasakit pa pati katawan ko." Inis na saad ko habang hawak ang balakang at nahiga ulit sa kama.Di ko na binalak na magpagulong gulong ulit baka kasi madoble mahirap na baka mas lalo akong di makagalaw galaw.
Habang nakahiga ako may naisip akong paraan.Tumayo na ako sa pagkakahiga at paika ikang naglakad.Dumiretso ako sa bintana.Binubuksan ko pero naka lock ren.
Mukang Alam na nila mommy mga paraan ko.
Dismayado akong bumalik sa kama at nahiga.Tumingin tingin ako sa kwarto umaasang may tubig pero kahit yon wala.
Kaya natulog nalang ako.At sa wakas nakisama naman ang katawan ko.
Nagising ako dahil sa sakit ng tiyan ko.Tinignan ko yung wall clock 6 pm na pala.
Tumayo na ako para sana buksan yung pintuan pero naalala ko, grounded pala ako.
Umupo ako sa kama at nakatulala.Nagiisip kung paano maka takas.
Pumunta nalang ako sa banyo para magbabad sa bathtub.
Ilang oras din akong nakababad hanggang sa mapagdesisyonan kong umahaon na.8:35 na pala.
Natulog Nalang ulit ako.Buti pa tong mata ko busog na kakatulog eh 'tong tiyan ko?
Nakarinig ako ng pagbukas na pinto at naaninag kong papasok si mommy.
Lumapit sya sa'kin at hinalikan sa noo. "I'm sorry anak pero kailangan kong sundin ang ama mo"Ani ni mommy at lumabas na.Hindi naman na niya ni lock.
"Papatayin ko kayong lahat"sigaw ng lalake.May hawak itong baril at nakatutok sa isang lalake na nakataas na ang dalawang kamay.
"P-pagusapan naman natin to"sabat ng isang babae.
"Anong pag usapan!? Pagkatapos mo akong lokohin sa tingin mo madadaan pa yon sa santong usapan?!"sigaw nanaman ng lalakeng ma hawak ng baril.
"Wag mo silang sasaktan!"sigaw naman ng isang lalake.
"Hindi ko sasaktan ang asawa mo ikaw lang at ng anak mo!"sigaw ng lalakeng may hawak ng baril at kinalabit.
"Daddyyyyy"sigaw ng isang bata habang tumatakbo sa amang nakahandusay na sa sahig.
Hindi naman nag dalawang isip ang lalake at binaril ito sa ulo.
"Anakk"sigaw ng babae at akmang lalapit sa anak pero pinigilan ng lalake.
Nagising ako mula sa panaginip ko.Anong ibig sabihin non? Hindi ko sila maaninag dahil malabo.
Nagayos nalang ako at lumabas. Nakabukas naman na yung kwarto ko kaya dumiretso na ako sa dining. Wala na daw sila mommy.
Kumain na lang ako.Marami akong kinain. Sinulit ko na favorite ko ulam eh, Tosino.
YOU ARE READING
Destiny will find a way
RomanceThis is a story about Stephanie Mendoza and Khalix Funtelo.Mag karelasyon na sila mahigit tatlong taon.Makikita mo talaga na mahal nila ang isa't isa.Ngunit paano kung tutol ang pamilya nilang dalawa?At paghiwalayin sila?Gagawa nga ba ang tadhana up...