Brian's Pov
SIGURADO ka ba sa sinabi mo? Bakit 'di mo man lang nailigtas? "sigaw ko sa isa kong tauhan.
"Pasensya na sir nalingat lang ako dahil ihing ihi na ako kaya hindi ko agad nakita na babarilin siya. "Nakayukong sagot naman nito sa akin kaya naikuyom ko ang mga kamao ko.
"Wala na tayong mawawala nangyari na ang dapat mangyari, wag ka lang titigil sa paghanap ng ebidensya kung sino ang gumawa nito sa kapatid ni Miss Tañola. Maliwanag? "sambit ko dito at tumango naman ito. Pinaalis ko na ito roon at pinabalik sa pinangyarihan ng krimen.
Nagmadali akong makaalis sa bahay ng tumawag ang isa kong tauhan na inutusan kong bantayan ang kapatid ni Helena. Para hindi ito makalakap ng perang pambayad nito sa akin. Para walang rason para hindi matapos agad ang kontrata na nakapagkasunduan namin ng kapatid nito. Pinababantayan ko ito ng malaman ko na nanganganib ang buhay nito ng paimbistigahan ko ito sa backround nito noong pinapahanap ko ito para singilin. Ilang ulit na pala itong nakakatanggap ng death treat sa mga pinagkakautangan nito. Na settle naman agad dahil naibigay naman ni Agaston ang kalahati pero matagal na ring hindi pa nababayaran ang kulang nito kaya ilang beses din itong nakatanggap ng banta. Hindi alam ni Helena na bukod pa sa binabayaran nito na may iba pa pala itong mga utang. Kaya ang masamang balita na ibinalita sa akin ng tauhan ko ay hindi ko alam kung matatanggap ito ni Helena. Hindi man magandang isipin ito pero mabuti na rin na nangyari ito dahil wala na atang pag-asang mag bago ang kapatid ni Helena. Ang inaalala ko ay ito mahirap mawalan ng mahal sa buhay alam ko iyon dahil naranasan ko na iyon. Kasalukuyan naka-confine ang kapatid nito sa hospital na nacomatose dahil pinagbabaril ito at natamaan daw sa dibdib ng ilang beses at binanggaan pa ito sanhi ng pagkabagok ng ulo nito sa ngayon ay pinapahanap na ng mga pulisya ang bumaril kay Agaston. Sa ngayon ay pauwi na ako sa mansion upang ibalita ito kay Helena. Ngunit ng makarating ako roon ay wala ito nagmamadali raw itong umalis habang umiiyak.
Helena's Pov
HINDI na muling bumalik pa si Brian kaya nauna na akong kumain mabuti na lang at hindi na ako inusisa pa ni Aling Milba, matapos itong bumalik ng sagutin nito ang telepono. Kaya nag paalam na ako rito na aakyat na muna sa taas ng matapos kung hugasan ang kinainan ko hindi sana ako nito pahuhugasin pero ayoko na namang mag astang bakasyonista sa bahay na ito. Ang papel ko ay bayaran ang pagkakautang ng kapatid ko sa amo nila at hindi kasama roon na magbuhay prinsesa ako rito. Aakyat na sana ako sa taas kong saan nandoon ang kwarto ko ng madaan ko ang kitchen maid quarters na katabi lang ng main kitchen kung saan ako kumain. Narinig ko ang balita sa nakabukas na TV ang isang masamang balita. Tumulo ang luha ko ng makita ko ang taong nasa balita na pinagbabaril at binanga raw ng hindi nakilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo. Tatlong oras na iyong nakakalipas kaya actual na lang sa CCTV video ang pinakita dahil minadali raw nilang dalhin ang biktima sa hospital sa taguig sobrang malubha ang tinamo nitong sugat.
Ilang saglit din siyang natulala kung hindi pa siya tinapik ng isang maid sa kanyang balikat sa kinatatayuan niya ay hindi pa sana ako makikilos. Hindi ko na sinagot ang tanong ng maid na kung 'okay lang ba raw ako? ' Nag madali na lang akong pumanaog sa taas at kinuha ang cellphone at wallet ko para puntahan ang kapatid kong nasa hospital ngayon. Walang lingon-lingon akong agad lumabas ng masion at hindi na nagpaalam pa kahit pa tinatawag ako ng mga katulong na naroon.
Makalipas ang isang oras ay nakarating ako sa hospital kong saan naka confine ang kanyang kuya Agaston. Nag tubig naman agad ang kanyang mga mata nang makita niyang nakaratay ang kanyang kuya na may kung ano-anong aparato ang nakakabit dito kaya humagulgol siya ng iyak habang yakap-yakap niya ang kanyang kapatid.
Maya-maya lang ay may pumasok sa ward na iyon na isang doktor kaya agad niya itong nilapitan at tinanong.
BINABASA MO ANG
LUST (WARM IN BED SERIES 1) Ongoing
Short StoryWalang makakapagligtas kay Helena Tañola mula kay Brian Spencer na isang billionaryo. Dahil siya ang naging pambayad utang sa pagkatalo sa sugal ng kanyang kuya Agaston. Bilang kabayaraan siya ang hinihiling nitong pambayad sa na utang nito ng maki...