"Oras ng Pag-ibig"

5 1 0
                                    

Alas sais ng umaga, gising na ang diwa
Puso nati'y pawang nagsasayawan
Bungad sa araw ay matatamis na salita
Baon maghapon hanggang sa magdamag

Alas nuebe, heto't nag-uusap pa rin
Kahit habambuhay, hindi uumayin
Kung ikaw ba nama'y bakit tatanggi
Sana lamang ay narito ka sa aking piling

Alas dose'y sumapit, nagpaalam saglit
Ngunit ilang sandali'y muling bumalik
Ano ba naman itong pag-ibig
Ganito ba ang tamang astahin?

Alas tres na, oras ng miryenda
Subalit bakit nakatutok sa camera
Kinikilig, mukha'y sinisipat-sipat pa
Sinisigurong maganda sa harap ng sinta

Alas sais nang muli ngunit madilim na
Tila tayo'y walang kasawaan
Minsa'y sumagi sa aking isipan
Pagmamahal ba ang ating nadarama?

----                                                                            ----
"Anak, hindi ka namin pinagbabawalang mangatipan pero, kung gan'yan lang ang epekto sa'yo ng lalaking iyan, mas mabuti pang kayo'y maghiwalay na."
----                                                                            ----

Alas otso ng gabi, hindi kita masagap
Nakailang tawag ngunit wala talaga
Sapo ang noo't umiiyak
Paulit-ulit sa utak, "Mahal, asan ka na?"

Sumapit ang umaga, mugto ang mata
Sakit at pait ang tanging nadarama
"Ano't hindi siya nagparamdam magdamag?"
"Hindi na ba niya ako mahal, ako ba'y iiwan na?"

Mukhang tama nga ang aking hinala
Narito ako ngayon, umiiyak, nakatulala
Bakit naman hindi ka nag-ingat aking mahal?
Sana'y hindi mo na lang naisip na ako'y puntahan

Nalaman ko sa iyong kapatid
Ako pala'y balak mong sorpresahin
Ngunit tadhana ata'y may galit
Nawalan ka ng preno't nahulog sa bangin

Pagmamahalan man nati'y hindi perpekto
Alam kong may mali tayong pareho
Masyado tayong umikot sa sariling mundo
Mundo kung saa'y tayo lang ang bumubuo

Siguro ito'y aral sa akin
Hindi ko man siguradong ako'y iibig na muli
Ngunit kung ito ma'y mangyayari
Alam ko na ang tama sa mali

Jax, mahal na mahal kita
Pinagtagpo tayo ngunit 'di tinadhana
Ngayon ay pinapalaya na kita
Hanggang sa muli nating pagkikita

  La Poésie  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon