Malikot na gumala ang paningin ni Abigail sa loob ng Starlight Café, particular na hinanao ng kanyang nga mata ang abogadong kaibigan na katagpo. Ilang sandali pa ay may isang morena na babae na kumaway sa kanya. Awtomatikong kumaway rin siya pabalik sa kaibigan, naka-office attire pa ito. Ang kaibigan niya na si Ruthchilyn ay anak ng dating abogado ng kanyang Ina. Parang pinaghalong dragon at lion ang ama ni Ruthchilyn pagdating sa negosyo, sobrang seryoso nito habang nakikipag-usap sa ina kung paano nila pababagsakin ang kanilang karibal sa negosyo noon.
Nakipagbeso siya rito. "Maayong Buntag, Atty. Quimbo. Mingaw ko kaayo nimo ug pwerting gwapaha nimo ron!" she flashed a genuine smile. (Magandang Araw, Atty. Quimbo. Sobrang namiss Kita at sobrang ganda mo na ngayon.)
"Maayong buntag sad kanimo, Abby. Gimingaw sad ko nimo, hala ayaw pangbola dira uy!" bahagya itong tumawa. (Magandang Araw rin sayo, Kathy. Namiss rin kita, hala wag ka ngang mambola diyan!)
Umupo ito sa harap niya. "Anong gusto mong kainin, Ruth?"
"One slice of Cheesecake and Pineapple juice."
Hindi parin talaga nagbabago ang kanyang kaibigan, mahilig parin ito sa cheesecake. Nag-order siya ng isang slice ng cheesecake, isang slice ng carrot cake at pineapple juice.
"I heard what happened to Tita Kendra, kamusta na siya?" tanong ni Ruthchilyn ng makaalis ang food server.
"Mabuti na ang kanyang lagay. Sabi ng doctor ay kailangan niya lang mag-ingat ng mabuti para hindi na siya atakihin sa puso. Totoo talaga ang sabi nila na mahirap mamatay ang masamang damo." sinundan niya ito ng tawa.
"Mabuti naman at umuwi ka dito sa Pilipinas, kamusta naman ang trabaho mo sa London?"
"Mahirap ang pagiging modelo doon sa London. Hindi pa talaga ako handang umuwi dito sa Pilipinas, pero nakiusap si Mama sa akin. Ako daw muna ang makikipag-usap sa taong nakapagbayad ng pagkakautang niya sa bangko."
Tumango ito. "I'm sorry Kathy if I didn't told you. Sabi kasi ni Papa sa akin na ayaw daw ipaalam ni Tita Kendra ang problema tungkol sa lupain niyo."
"Napakalaki talaga ng pride ni Mama. Hindi niya kayang tanggapin na naghihirap na ang kanyang iniwang lupain dito at minana niya pa sa kanyang mga ancestors. I know how she loved our mansion and lot's, kung hindi lang ako nagkaproblema ay hindi sana namin iyon iniwan at nanirahan sa ibang bansa. Gusto kong mapasaamin ulit iyon. How much did it cost? Ano ang mga kondisyones niya?"
Sa Calatrava Negros Occidental ang probinsyang kinalakihan ni Abigail. Doon sila nanirahan noon bago pa sila nag-migrate sa London.
Inihain ng food server ang kanilang mga pagkain at inumin. Uminom muna ng pineapple juice si Ruthchilyn bago nagsalita. "I think, you need to talk to him personally."
Tumitig siya sa kaibigan na tila ba may mga mahahalagang kahulugan ang sinasabi nito.
"What it is?"
"Wala bang nasabi si Tita?"
Umiling siya. "She didn't tell me anything."
"Si Harold Lubredo ang nagbayad ng utang niyo ayon kay Papa. Noong isang taon ko lang nalaman na pati ang Hacienda Martinez ay nasakanya."
Parang nabuhusan ng isang malamig na tubig si Abigail sa narinig. Sa napakaraming tao, bakit si Harold pa? Paanong napunta sa mga Lubredo ang lupain ng mga Martinez? Mortal na magkaaway ang pamilyang Lubredo at Martinez.
"The fuck! Paano nangyari iyon!?"
Umiling ito. "I think only tita can answer your question. Noong isang taon ko lang nalaman ang mga iyan, dahil sabi ni Papa ay ako daw ang susunod na magiging abogado ng inyong pamilya. Gusto kong sabihin sayo, pero ayaw ni Papa. Sa totoo lang nagdadalawang isip akong tanggapin ang sinabi ni Papa na ako ang magiging abogado ninyo dahil magreretire na siya, pero dahil kaibigan Naman kita at malaki rin ang utang na loob namin sa inyo ay tinanggap ko."
BINABASA MO ANG
The Scars In Our Heart
RomanceA ROMANCE NOVEL. Date Started; July 19,2021 Status; ON-GOING