Chapter 3

11 3 0
                                    

The next day

Saktong 7:00 nako ng umaga nagising gawa ng nalimutan kong i on ang alarm ko kagabi bago ako makatulog. Pagkakita ko palang sa oras ay agad na akong bumangon at dali dali ng kumilos dahil late nako sa una kong klase ngayong araw.

Agad nakong nag bihis at isinuot ang uniform kong pamasok at dali daling lumabas ng unit.

Patungo na sana ako sa elevator ng makita kong may nakaharang sa may pintuan at may nakalagay na (Under maintenance, please use the stairs) na naka paskil sa pinto nito.

"Kung minamalas kanga naman ohh.." ani ko sa aking sarili.

Agad naman akong tumungo sa hagdan at dali daling bumaba papuntang ground floor. Nang makababa nako ay agad naman akong binati ni manong guard.

"Goodmorning sir!"

"Goodmorning din po!" sagot ko pabalik.

Hindi kona narinig ang susunod pa nya sanang sasabihin dahil sa pag mamadali kong tumakbo palabas ng condo. Napatingin ako sa aking orasan at nakita kong 7:15 na kaya agad kopang binilisan ang pag takbo.

Nang makarating nako sa school ay labis ang pag mamadali ko papunta sa aming room sa 4th floor sa bldng 3.

Nang makarating nako sa tapat ng room namin ay agad kong binuksan ang pinto nito ng hindi manlang kumakatok bago pumasok. ikinagulat naman ito ng aking guro na si sir Angeles at ng iba kong kaklase.

"Next time knock on the door first before you enter understand?.."

"Yes sir... sorry about that."

"Ok. you may take your seat."

"Thank you sir..."

Agad naman akong pumunta sa aking silya matapos akong masermonan ng aking guro. Napatingin ako kay Keyla at mukang busy sya sa pag babasa kaya kinuha kona lang din ang libro ko at nakinig sa itinuturo ni sir Angeles sa unahan.

Maya maya lang ay may biglang kumalabit sa aking likuran, nung aking lingunin ay nakita ko si Dave na may inaabot na tubig sa akin.

"Ohh.. mag tubig ka muna Ken, mukang pagod na pagod ka eh." pag aalok ni Dave.

"Salamat Dave."

Matapos niyang iabot sakin ang tubig ay itinuon na ulit namin ang sarili sa aming guro na nag tuturo sa unahan, at dahil baka mapagalitan pa kami pag nakita kaming nag uusap ni Dave.

Tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang klase at break time na namin. Nilapitan ko si Dave para kausapin.

"Dave! salamat sa binigay mong tubig." naiwan ko kasi yung akin gawa ng pag mamadali ko sa pag alis kanina.

"Wala yun Ken... bat kanga pala na late ano nangyari sayo?"

"Nalimutan ko kasing i on yung alarm ko bago ako makatulog kagabi."

"Ahh... kaya naman pala. mukang hindi kapa kumakain tara sabay na tayo pumunta sa canteen."

"Sige..."

Pag punta namin sa canteen ay kaagad kaming pumila ni Dave at napansin ko naman si Keyla na nasa unahan banda ng pila. Simpleng sandwich at inumin lang ang nakita kong binili nya.

"Uy Ken! nakatingin ka nanaman sa babaeng yun ah. type mo sya noh?"

"Sira! nakatingin lang ako sa unahang banda ng pila."

"Sus! pasimple kapa eh."

"Ewan ko sayo, pumila kana lang ng maayos at baka masingitan pa tayo." pag saway ko sakanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Fall Inlove With A Weird GirlWhere stories live. Discover now