Chapter 1

16 0 0
                                    

Mayaaaaaa! ano ba? hindi ka ba gigising? alas syete na hindi ka ba papasok? gusto mo bang ma late?

"hmmmmm mommy naman eh! ang ingay mo naman malapit ko na sanang isubo yung chicken joy sa panaginip ko.. as in ang lapit na! As in ganito na..tapos biglang! Hay naku! Kailangan ilibre mo ko sa jollibee mamaya mommy!!!

totoo ang sarap ng panaginip ko as in masarap talaga, kumakain daw ako sa jollibee ng spicy chicken joy nila, kakagatin ko na sana ang chicken joy ng bigla akong ginising ni mader..haaay ano ba yan!

"Anong chicken joy, 7:30 na tapos pagkain pa ang iniisip mo, buti sana kung ililipad ka niyan papuntang school.."

"School?!
huwaaaaaaat? 7:30?" tumakbo na ako papuntang c.r at dali-daling naligo, mabilis pa sa speed of light ang mga kilos ko! hehe tinawanan ko na lang sarili ko, hindi na ako kumain, nag baon na lang ako ng candy!

"Maya! kumain ko muna bago ka umalis! sigaw ni mama habang tumatakbo ako palabas ng bahay.."

"Bye mommy! I love you! boses mo pa lang busog na ako! haha"

"Ewan ko sayo bata ka! ingat ka..bumili ka ng meryendaaaaaa!"

"Yes boss!".. sigaw ko habang papalayo ng bahay..

haaay ano ba yan!
kung kailan kailangan ko ng taxi, kahit jeep man lang, o kaya jetplane wala namang dumadaan!

8:01 na.. siguradong, standing ovation aabotin ko sa classroom nito..

wala na akong time! tatakbo na lang ako baka sakaling makakita ako ng taxi..parang excercise na rin..go lang ng go.. mag shoshort cut na lang ako..doon ako dadaan sa may bridge..

Hinihingal na ako, kanina pa ako tumatakbo wala namang sasakyang dumadaan.. kung umabsent na lang kaya ako..hindi pwede..lagot ako kay Ms. Minchin (mommy)

Takbo..takbo..takbo.. ano ba yan daig ko pa yata ang sumasali sa marathon..gutom aabotin ko nito..baka mamatay ako sa daan! Haaay huwag naman! Gusto ko pang maging artista! Oo gusto ko maging artista, pakialam nila! Haha

Habang tumatakbo ako may napansin akong isang lalaki nakapatong sa gilid ng bridge..

Isang hakbang niya lang at siguradong mahuhulog siya..

magpapakamatay kaya ang taong to?

Bigla niyang idinipa ang dalawang kamay, parang lilipad, yung parang si Jack pero walang Rose.. basag kaya tong taong to..

napahinto ako sa pagtakbo, nangangatog ang tuhod ko, parang ako ang nasa kinatatayuan niya.

Kung lapitan ko kaya siya, baka naman lalong tumalon..
haay ano ba yan! late na ako tapos eeksena pa ang taong to..sakit sa ulo..

"Ayoko naaa!!!"

biglang sigaw nong lalaki.. tatalon na yata!

"hoy baliw! bumaba ka diyan!"
hindi ko na yata napigilan sarili ko, "magpapakamatay ka? sasayangin mo buhay mo? tapos? ililibing ka? Magluluksa ng ilan araw? o kapag hindi nakita ang bangkay mo at kinain ng buwaya, magpapaanod na lang ng bulaklak diyan sa ilog? pagkatapos ano? Ilang buwan lang at  makakalimutan ka na ng lahat! gusto mo ba yun?"

biglang lumingon sa akin ang lalaki! gosh he's drop dead gorgeous! may katangkaran, malalim ang mata, matangos ang ilong at tisoy! talagang napansin ko agad lahat ha yon, grabe naman tong mata ko daig pang may night vision..

tiningnan lang niya ako sandali at tumingin ulit sa rumaragasang tubig sa ilalim ng bridge.

Naku naman! wala na akong maabutang pasok nito, pero di ko naman yata kayang iwan siya dito..

"hoy tao ka! hindi ka ba talaga bababa?" lumapit na ako sa may likuran niya, gusto ko na siyang hilahin pababa..

"ano bang pakialam mo? And who the hell are you? bakit ka ba feeling close, eh ano ba sayo kung mamatay ako, hindi naman yun kawalan sayo!" sabi ni mr.stranger, bakas sa boses niya ang galit..

"wow! may pinaghuhugutan kOya??? hindi nga kita kilala pero pag hinayaan kitang mahulog diyan, habang buhay akong hahabulin ng konsenxa ko noh..!" pasigaw kong sagot sa kanya.

"tsk! Just leave me alone!" mahinang sabi niya..

ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at umakyat ako sa gilid ng bridge at tumabi ako sa kinatatayuan niya, pagtingin ko sa baba, hihimatayin na yata ako, nakakalula, sa takot ko napahawak ako sa braso niya..

A Beautiful StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon