Ang buod ng That Thing Called “Tadhana” ay nagsisimula sa isang airport kung saan may isang babae (Angelica Panganiban) na nasasaktan dahil iniwan siya ng kanyang kasintahan dahil masyadong mabigat ang bagahe niya. Dumating naman ang isang lalake (JM de Guzman) at tinulungan ang babae sa pamamagitan ng pagkuha ng ilan sa mga gamit niya pabalik sa Pilipinas. Ang lalake ay nagpasya na huwag munang iwan ang babae para alagaan siya sa kanyang basag na puso na hanggang napadpad sila sa Baguio at Sagada.
Ang pagdederiksyon ni Antoinette Jadaone ay naiiba dahil umiiwas ito sa madrama at maingay napag-aaway na naging kasanayan na sa mga madrama na pelikula. Hindi rin ito sumusunod sa mga ibang pelikulang Pilipino.
Mabisa naman ang paggamit ng props at hindi ito pinapasobra upang mananatili itong simple at maganda. Ang pagkuha nito sa paliparan sa Roma ay mabisa din upang mabigyan ang mga manonood ng bagong paligid na tingnan maliban sa Pilipinas.
Napapanatili naman ng pelikula ang kagandahan ng lugar na pinagkunan dahil sa camera na ginamit upang makuha ang orihinal na pangyayari. Makikita rin ang kahusayan ng sinematograpiya sa pagkuha ng mga angulo ng pelikula.
Dahil sa galing ni Angelica Panganiban sa acting at tambalan nila ni JM Deguzman, napapakilig nila ang nanonood nito samantalang napapakita rin nila kung paano magmove-on sa isang masakit na pangyayari. Kahit unang tambalan pa lamang nila ang pelikula, marami na silang natanggap ng parangal dahil sa kanilang kagaling sa pag-acting.
Ang kaugnayan nito sa kasulakuyan at ang mapupulot na aral dito ay ang pagiging matatag kahit gaano na kasakit ang nangyari at ang pagdamay sa taong nasasaktan upang magiging mabuti ang kanilang mararamdaman.
Wala naman masyadong tunog ang pinarinig sa pelikula kaya hindi ako makakabigay ng komento ng konkreto.
Ang kantang Where do broken hearts go? ni Whitney Houston ay bumagay talaga sa pelikula kaya naman maraming nakaka-relate dito kahit na matanda o bata.
Ang pagkakasunod-sunod sa pangyayari ay mabuti namang naisagawa kaya naman ipinakita dito kung anong ginawa nila upang magkasunod-sunod ang gagawin upang makamove-on.
Maganda naman ang skrinplay kagaya nalang ng linya na "Gaano katagal bago mo siya nakalimutan?" "Matagal." "Gaano nga katagal? One year? Two? 3? 4? 5?" "Importante pa ba 'yun? Ang mahalaga, nakalimutan." – Anthony.