Cheat♥mate :)

74.3K 1.8K 847
                                    

CHEAT♥MATE

“Uy ! Vi-an, nagreview ka na para sa quiz mamaya?” saktong dating ni Mitch sa classroom at tinatanong kung nakapag-review na ba ako sa quiz sa physics, 

AKO PA?? malamang OO, hindi kea ako nagpapahuli sa mga exams eh.

“Oo, naman yes !” naka-smile kong sabi sa kanya.

Nagpasukan na lahat ng mga classmates naming kasi mags-start na yung class, may inaatay din akong pumasok kaya naman ang mata ko nakapako sa pinto ng room.

‘Ayan na sya, eeiiy! Shocks may gulay naman oo!’ sabi ko sa isip ko nung nakita ko na si DJ na pumasok sa room. =^_^=

Since first year high, crush ko na sya, hanggang ngayon na graduating na kami sa highschool. Mas lalo pa ngang lumala yung pagka-crush ko sa kanya nung nagging magclassmate kami eh.

Dati every year hinahangad at dinadalangin ko talaga na maging classmates ko sya, kaso mahina pa ako kay Bro nun kaya nga ngayong fourth year lang kami nagka-klase eh., pero ever since naging classmates kami? Never kaming naging close, siguro small talk lang pag may activity, pero yung sabihin mong close na close wala eh…. Natotorete kasi ang utak ko, pag kaharap ko na sya, eeerrr! I hate to say it pero mukhang tanga lang talaga ako pagkaharap ko sya pramis! Yung tipong nauutal na parang may sakit magsalita? Nakakahiya lang tuloy eh…  -_-!  

Pumasok sya sa room kaya nagtinginan naman yung iba kong classmates na babae, alam na! crush din nila eh…. Eh sino bang hindi? Sa mga chinito nyang mata? Matangos na ilong? At baby face na pagmumukha? Ay anak nang! Oo na ! super crush ko na talaga sya, kulang na lang eh magpatayo ako ng fans club na, kaso wag na, magkakaroon ako ng madaming kahate eh…

Ngumiti sya sakin bago umupo sa tabi ko. 

TAKE NOTE : sa AKIN talaga ah. >llll<

Ayan na naman ang mga kabuto butohan ko , para na naman inasinan ang mga bituka ko sa tiyan eh…

Kinalma ko lang ang aking sarili, wag magpahalata.!

“Class, get one whole sheet of pad paper, we have a quiz, right?” pagpasok ni ma’am.

“MAAA’AAAMMM!!”

Lahat namanang classmates ko grabe makareact, parang hindi nila alam na may quiz? Eh sinabi kaya yan ni ma’am..

“Anong ‘ma’am-ma’am’?! sinabi ko sa inyo na may quiz ngayon.”

Wala naman nagawa yung iba kong classmates, buti na lang talaga nag-aral ako kagabi.

Dinistribute na yung questioners, nung nakita ko tuwang tuwa pa ako dahil karamihan sa tanong alam ko ang sagot. Yis! Haha

Focus pa ako sa pagsagot ng tanong eh.

“Psst”

Ewan ko ba kung imagination ko lang na may narinig akong parang nag ‘psst’ sa tabi ko eh. Hindi ko muna pinansin kasi nga kala ko imagination ko lang.

“Psst”

Lumingon ako sa tabi ko. Na stroke na ata ang leeg ko nung nakita ko na nakatingin din sa kin si DJ ! Oh my Sheeeems!

“Vi-an, ano kasi, ah pwedeng ano, pakopya? Hindi naman lahat konti lang?” pabulong nya pang sabi.

Anak ng tinapa! Kahit lahat pa ng answer ko sige ! kopyahin mo na !!

Pero syempre hindi ko sinabi yun…konting pakipot muna.

“Ha-ha? Kopya? Eh ano eh,…”

Shemay naman ! anong gagawin ko? Pakokopyahin ko ba o pakokopyahin ko? Pano kung mahuli kami? Parehas kaming dead., eh kapag hindi ko sya pinakopya baka bumagsak naman sya…. Isip, isip…puso …puso !!

Cheat♥mate :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon