Prologue

0 0 0
                                    

"Hoy, girl! Ang gwapo daw ng bagong adviser natin ngayon!" sabi ni Ylona sa akin.

It's the first day of school at grade 10 na kami. O my gosh. Paniguradong mamimiss ko ang highschool life ko. I mean, yes, senior high is still in highschool pero pakiramdam ko kasi ay mas marami nang gagawin pag senior high, 'di katulad sa junior high na meron ring mga mahihirap na pinapagawa pero most of it ay puro kami kasiyahan.

Magkatabi kami ni Ylona sa may bandang gilid, sa tabi ng bintana. It's the first day so malamang wala pa kaming assigned seats. For sure, kung iaasign na kami ay sa unahan na naman ako malalagay kung alphabetical ang susundin dahil sa apelyido ko.

"Talaga?" I asked, excitedly.

"Yup! I heard he's name is Luigi daw?"

"Weh?"

"Oo nga!" then we chuckled.

"Oy! Oy! Anong chika natin dyan?" biglang singit ng asungot na si Claude.

"Bakla ka ba? Babae to babae 'to! Doon ka na!" si Yna.

"Ay ang damot naman. Isusumbong ko kayo kay queen of Egypt!"

I chuckled. "Papuntahin mo sila dito."

He just rolled his eyes at us at dumeretso muna kay Julius at Kian bago lumabas ng classroom para puntahan sila Cleopatra.

"Parang tanga talaga." Iling ni Ylona nang makaalis si Claude kasama si Julius at Kian.

We're actually a group of friends. Nga lang, ang iba sa amin ay sa kabilang section nalagay. Claude, Ylona, ako, Kian and Julius, pare-parehas kami  ng section while Cleopatra, Elijahynne and Dominique ay sa kabilang section naman.

This school is a private Catholic School kung kaya't hindi ganoon karami ang mga estudyante dito kumpara sa public school. Tig da-dalawa lang din ang mga section dito per grade level except sa grade nine dahil marami sila kaya kailangan gawing tatlo.

After a while ay bumalik na si Claude kasama na ang iba pa naming kaibigan.

"O, ano nang chika?" Cleo started.

"Wait. Wala pa si Julius?" pigil ni Ella.

Napairap ako, "As usual. Late na naman."

Napailing na lang sila.

"So ayun nga, guys! I told Kelsy about our new adviser. Ang gwapo daw!" Ylona said while pointing at me.

"Weh?" Si Ella.


"Oo nga daw!"


Panay lang ang kwento namin about sa magiging adviser namin nang marinig na namin ang bell. Sign na mag f-flag ceremony na.

Every monday ay ganito, lalabas kami ng room para pumuntang covered court at doon mag f-flag ceremony. Pag ibang araw naman ay sa classroom lang kami at pipili ang teacher ng mag lilead ng prayer at Gospel reading.

That's how it works in Catholic Schools. Hindi pwedeng mawala ang ganoon.

"Bayang Magiliw,

Perlas ng Silanganan.." Sabay-sabay naming kanta while our right hand are placed on our chest.


We also did our 'Panatang Makabayan' and Gospel Reading, lead by one of the officers in our SSG.


"Good morning, Louiseans!" bati ng MC galing sa stage. Si Ate Alexis iyon, our school president na na-elect last year. She's our MC today.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Written in the Stars (Friends Series #1)Where stories live. Discover now