Chapter3: My Hero

27 0 0
                                    

Liza's POV

Shet! First time kong magPOV dito. Kaloka! Hahahahah. Tao na ko!

Nasa school ako ngayon. Mamaya na kase yung Singing Contest e. Excited na kinakabahan ako for Sab! Hahahah.
Nandito ako ngayon sa Canteen. Hindi ko kasama si Sab dahil nagprapractice yung mga Contestants para mamaya.

" Hey." Ace

" Wag mo nga kong inienglish! Alam mo naman mahina ako dun eh!" Ako.

" O-okay?" Ace

"Sabi nang!" Ako

"Bahala ka nga!" Ace

Ay? Nagwalk-out? Bahala nga sya. Ah. Si Ace yun! Palaging nangugulo sakin-ay-samin pala ni Sab. Matangkad, Varsity, Matalino, Habulin ng chicks! Oo ng sisiw! Gwa-cute sya. Oo tama.

3:30 pm na pala! Magsisimula na yung Contest. Pumunta muna ako ng Classroom para kunin yung Banner na ginawa ko.

Fasforward

Si Sab na yung kakanta. Kyaaah! Pero parang kinakabahan sya? Oh no! Hindi pwede to! Kaya sumigaw ako.

"SABRINA! GALINGAN MO!"

At biglang nagtawanan yung crowd. Whatevs! Maganda pa rin ako. Nagplay na yung kanta na kakantahin ni Sab. Nyemas! Bat yun? Mahina pa naman yung loob nun. Nung malapit na magsimula, tumakbo na agad ako sa may DJ at kumuha ng isang wireless na mic at ako kumanta nung unang stanza. Halatang nagulat ang mga tao. Kanina, nung nagplay yung music, nakita kong paiyak na si Sab. Ayoko syang mapahiya. Lahat ng tao napa "ohh" nung kumanta ko. Kumakanta talaga ko. Pinapapanget ko lang pagkasama ko si Sab. Kahit magbestfriend kami, hindi ko sinasabi sakanya. Hindi ko alam kung bakit. Nahihiya siguro ako.

Nginitian ko na lang sya at umiyak siya ng umiyak. Ako na lang ang tumapos ng kanta. Hindi naman makakakanta tong si Sab e. Iyak ng iyak. Gaga naman kase sya, bat yun pa pinili nya? Hayyy.

Pagkatapos kong kumanta, nagpalakpakan lahat ng tao at yung iba, tumayo. Wow as in wow. Hindi ko alam na ganun yung magiging reaction nila. Ang saya.

Pumunta na kami ng backstage at lahat ng contestants nakatingin samin. Inisnob na lang namin yun,

"Bestfriend! You're my hero! Hindi mo sakin sinabi na maganda rin pala yung boses mo! Nakakatampo ka!" Sab

"Ang gaga mo forever! Bat yun pa kase pinili mo? Shunga ka." Ako

"Imbes na icomfort mo ko ginaga mo pa ko tas shinunga pa!" Sab

"Ganun talaga! Napakanta tuloy ako ng wala sa oras! Hayyy." Ako

"Thankyou bestfriend! Palagi mo na lang akong nililigtas!" Niyakap ako ni Sab

"E paa saan pa ang pagiging magbestfriend naten? Hahahah!" Ako

"Magpalit ka ng damit mo! May extra na dress akong dala at may konting makeup ako dyan. Ikaw ang aakyat sa stage mamaya at sasabihin ko kay ate Mich na palitan yung pangalan ko dun at ipalit yung sayo. Kaylangan pagbalik ko, nakaayos ka na!" Sab

Hindi na ko nakapagsalita dahil pagkatapos nyang magsalita, tinalikuran na nya ako. Wow na wow talaga!

"Bes! Ang ganda mo!" Sab

"Since birth." Ako

"Haynako! Umandar nanaman yang aircon sa katawan mo ha!" Sab

Hinintay namin na matapos ang iba pang contestants. Kinakabahan ako sa magiging resulta. Naluluka na ko. Joke! Sa ganda kong to?

Pinaakyat na kami ng stage. Halatang nagulat yung mga tao kase ako yung umakyat hindi si Sab.

"3rd runner up. Ms. Tricia Villarca"

"2nd runner up. Ms. Alex Correa."

"1st runner up. Ms. Rose Gapuz."

"Champion, Liza Dela Merced! Congratulations!" Emcee

Loadinggg.....

Loadinggg.....

Ako? Yung champion? Whaaaaat!? Inabot nila saking yung pagkalaki-laking trophy. Lahat ng tao nagwawala nung nalaman nilang ako yung champion. Like OMG! Umakyat sa stage si Sab at niyakap ako.

"You deserve it girl!" Sab

"Thankyou Sab!" Ako

Pagkatapos nun pagkababa namin, maraming bumati sakin. Hindi ko akalaing mananalo ako. Ang saya sa pakiramdam.

-----
A/N: Another UD for you guys! Enjoy reading :) Don't forget to Follow me on Twitter: @Simplenggoddess and Instagram: @Hasminley Thankyouuu!

Heartbreaks 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon