NAGSASAYA lahat ng tao sa kompanya, unti unti na kasi itong nakakabawi sa pagkakalubog sa utang sa loob lang ng tatlong araw and that's all because of Augustus pero di pa din ibig sabihin nun ay makakatayo na ng mag-isa ang kompanya kaya kailangan pa rin namin ang tulong niya. Kahit hindi pa man kami naikakasal at kahit wala naman siyang makukuha sakin ay malaki na ang naitulong niya sa kompanya namin at napakaswerte namin dahil dun.
Kasalukuyan akong nagbabasa ng mga dokumento ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ko at pumasok si Augustus.
“ Anong ginagawa mo dito? May kailangan ka?”
“ Get up, may pupuntahan tayo. ”
“ Huh? Saan? ”
Hindi na siya sumagot at lumabas na ulit ng opisina kaya wala akong choice kundi sundan siya. Habang naglalakad at sumusunod sa kanya ay kitang pinagtitinginan kami ng mga empleyado or should I say pinagtitinginan siya ng mga babaeng empleyado. Panong hindi siya titignan eh nag-uumapaw ata ang kagwapuhan niya eh at aminado ako dun. Totoong gwapo si Augustus, mabait pa.
“ San ba tayo pupunta? ”
Binuksan niya ang pinto sa passenger's seat kaya sumakay na lang ako at hindi na nagtanong pa dahil halata namang hindi niya ko sasagutin.
Makaraan ang ilang minutong pagdadrive ay huminto na kami.
“ We're here. ” nauna itong lumabas sa akin at pinagbukasan uli siya ng pinto.
At natigilan ako nga mapagtanto ko kung nasaan kami.
“ A-anong ginagawa natin dito? ” kahit obvious naman kung anong gagawin namin ay nagtanong pa rin ako.
“ You have to wear a gown for our wedding that's why we're here. We should start preparing now for the wedding right? ”
“ But isn't it too expensive here? Hindi naman natin kailangan ng magarbong gown at wedding kahit yung simple lang okay na yun di ba? ”
“ I don't like just those simple things Betina, I want expensive and luxurious things para san pa at marami akong pera. ”
Biglang kumabog ang puso ko ng mabilis. For the first time ngayon niya lang binanggit ang pangalan ko. Pero medyo nadismaya ako dahil sa sinabi niya. Siguro nga napakarami niyang pera kaya basta basta niya na lang ginagastos ng ganun.
“ Try this. ” sabay pakita niya sakin ng napili niyang damit.
“ Okay. ” sagot ko na lang.
Tinulungan naman ako ng attendant na magbihis at diretsong inayusan na rin ako ng kaunti.
“ You look beautiful ma'am bagay na bagay sayo.” pagkukomento nito.
Nginitian ko na kang siya at nag pasalamat. Nang makatayo ako sa platform ay ilang sandali pa ay hinawi niya na ang kurtina dahilan para makita ko si Augustus na nakapandekwatrong upo sa tapat na sofa.
“ How do I look? ”
“ You look beautiful, try to wear another one. ”
Isinara nila ulit ang kurtina kaya nagkaroon na ako ng pagkakataon na bumusangot.
“ Beautiful daw eh bat kailangan ko pa magtry ng iba? ” pabulong na sabi ko.
“ Ganun talaga ma'am marami na kaming nakitang mga husband-to-be na kagaya ni sir, they wanted their wives to be more beautiful when they wear their wedding gowns kaya intindihin niyo na lang unang sukat niyo pa lang naman eh. ”
“ Eh ang saakin lang naman kasi pwede namang simpleng wedding lang tapos ang gusto niya ang gara-gara. ”
“ Kung ganun ma'am ay mahal na mahal po talaga kayo niyan ni sir. Bihira lang po ang lalakeng gagastos ng malaki para sa mahal nila. ”
YOU ARE READING
The Marriage
RandomBetina just wants to help her family thats why she agreed to marry a man she barely knew. She hopes that the marriage would work so that she won't regret the decision she made.