ISA MALALANG LUNOK ang ginawa ko. Sa gitna ng pagdadasal ko ay sumagi sa isip ko na sana, ipinutok na lang ako ng tatay ko sa kubeta para hindi ko na ‘to nararanasan ngayon!
Parang tae lang?
Shuta!
Pero para bang dininig ng Panginoon ang dasal ko. Ilang segundo na ang lumipas pero walang palad ang lumalapat sa pisngi ko. Hindi naman ako manhid para hindi iyon maramdaman.
“Just go.” Malalim ngunit puno ng poot ang boses ni Stevan.
Nang magmulat uli ako ng mga mata ay nakaupo na siya sa kama. Nakatingin siya sa bintana. His eyes were . . . blank. Ito ang kauna-unahang beses na nakakita ako ng gano’ng klaseng emosyon sa kung sino man. It was really blank and for no reason, I found it painful to stare at.
“I said go, you fucking human version of a toilet!” sigaw niya sa baritono niyang boses. Sa lakas ay nag-echo iyon sa buong kwarto. Napatayo tuloy ako nang mabilis. Nagmadali akong lumabas sa kwarto na para bang isang dagang hinuhuli ng mabangis na pusa.
Papunta na ako sa comfort room nang dumako ang tingin ko sa sahig. Napangiwi ako nang makitang tuloy-tuloy na pala ang pagtulo ng dugo ko roon. Naramdaman ko tuloy bigla ang kirot. Ang hapdi nito ay nakakairita.
Dali-dali kong hinugasan ang sugat ko nang marating ko ang lababo. Humalo ang dugo ko sa tubig. But when I directed my eyes on the mirror in front of me, I froze. There were tears in my eyes.
Umiiyak na pala ako?
It appeared to be unending. I started to blink as questions after questions began to avalanche down my thoughts.
Umiyak ba talaga ako nang dahil sa isang sugat lang? This was fucking new to me. At ang nakakapagtaka rito, bakit hindi ako nagagalit? Bakit parang okay lang sa akin? Kasi kung sa Pinas lang talaga ‘to, maging kriminal na kung magiging kriminal pero papatay talaga ako.
Pero bakit pagdating kay Stevan, biglang humaba iyong pasensiya ko?
Dahil ba . . . napalunok ako. I tried to blink my tears away. Dahil ba alam kong malapit na siyang mamatay?
“O BAKA NAMAN dahil nai-in love ka nang haliparot ka?” I smirked at Lola.
“In love? Ogag. One week pa lang ako, in love agad? Oo, lola mo ako pero hindi mo sa akin namana iyang pagiging marupok mo.”
“Alam mo, Lola? Pasmado ‘yang bibig mo—aray!” Napangiwi ako nang batukan niya ako. Jusko, nakakarami na ‘tong matandang ‘to sa ‘kin! Kaunti na lang talaga! Kaunti na lang! Makikita niya ang—
Hinampas na naman niya ako. “Iirap-irap ka diyan? Gusto mo bang bunutin ko ‘yang eyeballs mo?”
Pilit ang plastik kong ngiti. “Forgiveness na nga! ‘To naman, parang tanga—”
“Para ‘kong tanga?”
Akmang hahampasin na niya sana ako uli nang makalayo agad ako sa kanya. If there is that one thing na namana ko sa kanya ay iyon na ‘yon—ang pagiging ninja kung umiwas sa mga hampas niya.
“Alam mo, Lola, ang feeling ng pagiging masungit mo.” Umirap ako. “Paalala ko lang na matagal nang natapos ang menopausal stage mo, ha?”
“Aba’t sumasagot ka pa!” Binato niya ako ng tinapay. Time na ba para batuhin ko naman siya ng bato?
“Para kang si Stevan, mahaba nga ang sawa pero ang iksi-iksi naman ng pasensiya!” patutyada ko.
Doon ay natigilan siya. Matapos ay bigla siyang humalakhak. “Gaga ka!” Patuloy siya sa pagtawa. “Minsan ko na rin iyang nasabi noon, hayop ka talagang bata ka!”
EWAN KO BA riyan sa Stevan na ‘yan! Kung gaano kahaba iyong sawa niya, ganoon din naman kaiksi iyong pasensiya niya. Sana pala jutay na lang siya para nang sa gayon, hindi ko siya problema ngayon! Anak ng malditang tipaklong siya!
Nakabusangot ako nang magpunta ako sa kusina. Dala-dala ang medical kit mula sa banyo, naupo ako sa lamesa at sinimulang gamutin ang sarili.
Lumunok ako nang malala nang kunin ko na ang bulak. Una kong nilagyan ito ng alcohol kasi natatakot akong baka matetano ako. Kapag talaga ako naunang mamatay riyan kay Stevan, mumultuhin ko siya hanggang sa mapaaga ang buhay niya—boset!
Magkasalubong ang kilay ko nang akmang idadampi ko na ang bulak sa sugat ko. Nakapikit, lakas loob kong inilapit iyon sa akin. Hanggang sa sandamakmak na mura ang sinambit ko nang maramdaman ko na ang nakakairitang hapdi nito. Nagtatalon ako sa upuan habang nagmumura nang malakas!
“Letse talaga!” Umalingawngaw ang boses ko sa buong kusina.
Nang matapos ako sa alcohol ay iyon namang Betadine ang kinuha ko. Nilagay ko iyon sa bulak. Idinampi ko na iyon sa sugat ko. Nang makaramdam na naman ako ng hapdi ay tumalon-talon ako na para bang flappy bird mula sa upuan.
Ayoko na talaga!
Mama!
Ayoko na!
“Shet! Letse! Letse!” Bumuga ako ng hangin. “Letse—”
Biglang pumasok si Stevan sa kusina.
“Flan! Leche flan!” sambit ko habang namimilipit sa hapdi. “Ang sarap ng leche flan!”
Pero tila ba akong isang hangin kay Stevan. Dere-deretso lang siyang nagtungo sa kusina. Pinigilan ko naman ang sarili kong tingnan siya nang masama. The last thing that I wanted to do was to banter with him. Isa siyang mapanganib na nilalang.
Nanahimik na lang ako at kinimkim ang nakakairitang hapdi. Lunok dito at lunok doon ang ginawa ko, parang iyong ginagawa ko lagi kapag kaming dalawa lang ni Fino sa kwarto—ay putcha! Ang bastos ng utak mo, Stevan—este ako! Utak ko! Meron ako n’on?
Hindi pa ako nangangalahati sa sugat ko ay sumuko na agad ako. Bahala na siyang dumugo riyan. Malayo naman sa bituka ‘yan. ‘Di bale nang mamatay sa tetano, ‘wag lang mairita sa hapdi. Ang talino ko talaga.
Inayos ko nang muli ang medical kit. Nilagay ko na roon ang bulak, alcohol, at Betadine. Pero bigla akong natigilan nang maglapag si Stevan ng bote ng Nesquik Chocolate Milk sa lamesa, sa mismong harap ko.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakita kong sumulyap siya sa sugat ko. Hanggang sa dumako iyon sa mukha ko na mabilis niya rin namang inilayo. Matapos niyon ay parang walang nangyari, dere-deretso siyang naglakad papalabas ng kusina, papataas sa kanyang kwarto.
And he left me here, dumbfounded but bedazzled at the same damn time.
What are the odds?
“ACK!!!” SIGAW KO kaya’t sa gulat ni Lola, napatalon siya habang nakaupo sa kama.
Automatic na humampas sa batok ko iyong kamay niya. “Letse ka! Bakit basta-basta ka na lang sumisigaw diyan? Nasapian ka ba ng sampung demonyo?!”
“Eh kasi naman!” Pinagdikit ko ang dalawang hintuturo ko. Para akong baliw na kumekembot habang nakaupo. “Kinikilig ako! Ano ba? Ayoko na kashe! Itigil na natin ‘to! Oh, tama na. ‘Wag mo na akong habulin pa—”
Binatukan na naman ako ni Lola. “Kanta ‘yan, gaga ka.”
“Pero graveh naman iyang si Stevan, Lola. May tinatago rin palang lambot sa katawan, shet!” Akmang hahampasin ko si Lola nang tingnan niya ako nang masama. Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang bawiin ang kamay ko.
“Ganiyan talaga si Stev.” Lola darted her eyes to nowhere. I smiled when she suddenly smiled. “Hangga’t kaya niyang itago, itatago niya ‘yan. Hangga’t okay pa talaga siya, kikimkimin niya ‘yan.”
“Katulad na lang noong gabing iyon.” Idinako niya ang tingin sa akin.
SUMAPIT ANG GABI, hindi pa rin humihinto ang malakas na ulan. Madilim na kaya’t kitang-kita ko mula sa glass wall kung papaano gumuhit ang maliwanag na kidlat sa itim na langit. Sa bawat dagundong ng kulog ay talagang napapaigtad ako nang wala sa oras.
Tumingin na lang ako sa relo ko. Pasado alas nuebe na ng gabi pero wala pa rin si Tita Mara. Hindi pa kami kumakain ni Stevan. Gustuhin ko mang magluto, ayoko namang tanungin ang lalaking iyon kung ano ang gusto niyang kainin. Baka kasi sigawan lang niya ako pero more importantly, hindi rin naman kasi ako marunong magluto. So, ang tanga lang?
I heaved a sigh as I directed my eyes again to the pouring rain. Pero agad ko ring kinuha ang cellphone ko nang mag-ring ito. It was Tita Mara. My smile went wide.
“Hello, hija?” Ang malambing na boses ni Tita.
“Po, Tita? Pauwi na po kayo?”
“Naku, hija. Mukhang mag-o-overnight ako rito sa hospital ngayon. Hindi ko kasi maiwan-iwan iyong isa kong pasiyente.” Huminga nang malalim si Tita Mara. Dama ko ang pagkadismaya sa kanyang boses.
“Okay lang po, Tita. Ako na pong bahala rito.” My voice was confident, my face was telling otherwise. Paano na kami ni Stevan? Walangya! Paano ko siya mapapakain pero bago ‘yon, ano muna ang kakainin namin?!
But Tita, being the most angelic person that I’ve ever known, spoke while bringing the solution to my problem. “Your mom told me that you can’t cook, hija. Magpa-padeliver na lang ako ng food diyan.”
Hulog talaga ng langit!
“Thank you po, Tita. Hehe.” Napakamot ako sa ulo ko.
Matapos ibaba ni Tita ang tawag ay nag-abang na agad ako sa gate. Hindi ko na ininda pa ang lamig. Kahit na may payong ako ay nabasa pa rin ako ng ulan. Pero wala talaga akong pakialam. Ang gusto ko lang ng mga sandaling iyon ay ang kumain.
Hindi rin naman nagtagal ay dumating na iyong delivery man. Naka-motor siya. Parang Grab at FoodPanda lang sa Pinas. Bayad na iyon ni Tita kaya’t matapos kong matanggap iyon ay dali-dali na akong pumasok sa bahay.
Inilapag ko ang dalawang plastic bag sa kusina. Matapos ay nagpasya na akong umakyat sa kwarto ni Stevan. Sa isip ko, kung susungitan na naman ako ng isang ‘to, kakainin ko talaga iyong pagkain niya. Depunggal siya!
“Stevan?” I knocked on the door.
Kroo kroo inamers is in the house, oo!
Kumatok uli ako pero wala pa ring sumagot. Doon ay wala akong nagawa kung hindi ang pasukin na siya sa loob. I was close to closing my eyes when I opened the door. I was actually expecting for his yell, but not until my expectations failed me.
Madilim ang buong kwarto. Mabuti na lang at nasa gilid lang ang switch ng ilaw. Agad ko iyong in-on. Nang lumiwanag na ang buong kwarto ay ang mga nabasag na bagay ang unang bumungad sa akin. Hanggang sa dumako ang mga mata ko sa kama ni Stevan.
He was there.
But there was something wrong.
“Stevan?” I called for him as I walked near his bed. “Hey, wake up—”
I blinked.
His usual pale face turned red. May mga red spot din sa kanyang mukha. I swallowed hard when I mindlessly put the back of my palm on his forehead.
Inaapoy siya ng lagnat.
Natataranta, nagsimula akong tapikin siya pero hindi siya umiimik. Ni galaw sa mukha ay wala akong nakita. Para ba siyang walang malay!
Napalunok ako. Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinawagan si Tita Mara. Pero hindi siya sumasagot, pashnea!
Ano na?!
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Pero laking gulat ko na lang nang bigla, may humablot sa kamay. It was . . . Stevan.
Hinila niya ako sa kama. Hanggang sa yakapin niya ako nang mahigpit. And then there was his painful sobs.
I was stunned.
BINABASA MO ANG
Most Notorious Jerk
RomanceKnown for being Brooklyn's most notorious jerk, Stevan Davis decides to give up on life after battling cancer for many years. When Loverielle Costello enters the picture and tries to help him complete his bucket list, will Stevan still choose to sur...
Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte