Noong Nawala Ko Ang Aking Mobile Phone

27 0 0
                                    

“Mobile phone”, isang kagamitang hindi-hindi na mawawala sa buhay ng tao. Ito mas kilala sa tawag na “Cellphone” noong mga taong 2000 at “Android Phone” o “Tablet” naman (na iba, ngunit pwedeng isama sa klasipikasyon ng pagiging mobile phone) ngayong panahong kasalukuyan.  Ang Mobile phone ay masasabing ang pinaka-“mainstream” na kagamitan ng mga taga-Earth na bunga ng kanilang umuunlad na teknolohiya. Ang layunin nito ay ang makatulong sa kumunikasyon ng mga tao sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga mensahe, o boses ng tao upang maging “data” at “electronic waves” at maipasa ito sa isang satellite sa labas ng mundo. Ang satellite naman ang bahalang magpasa ng mensahe sa mobile phone na hawak ng taong nasa kabilang dulo ng linya. Kaya masasabing malaki ang tulong nito sa buhay ng mga tao ay dahil sa segundo lamang ang kailangan upang magawa lahat ng prosesong ito kahit napakalayo pa ang distansya sa pagitan ng dalawang tao. Kaya saglit lamang ay naipasa mo na o naihayag ang mga bagay na gusto mong sabihin sa ibang tao, at ganun din sila sayo. Sa madaling salita, dahil sa mobile phone, nakakapag-usap ang mga tao ng normal kahit malayo pa sila sa isa’t isa.

Noon ang gamit lang talaga ng mobile phone ay bilang halili sa telepono kapag ikaw ay nasa labas ng iyong bahay o may lakad. Para magkakatawag ka parin kahit naglalakad ka. Pero dahil halos kasabay nitong naimbento at umunlad ang mga computer, di kalaunan ay naisipang pagsamahin ang dalawang klase ng gadget na tinatawag na natin ngayong “Android Phone.” Dahil dito nakaroon na ng mga dagdag na gamit ang mobile phone na saktong sakto lamang dalhin gamit ng ating mga kamay.  Isa na rin itong camera, computer, audio/video player, game console atbp. Sa ibang bansa nga ang tawag na dito ay PDA, hindi Public display of Affection (na dito lamang sa Pinas uso), kundi “Personal Device Assistant.”

At dahil ako, si Rencia, ay isang taga-Earth na nilalang na nabubuhay sa panahong “mainstream” pa ang gamit ng mobile phone, at bilang kabataan, di ko masasabing wala rin akong mobile phone. Sa katunayan may iba pang gamit ng mobile phone para sa akin. Isa na rin itong alarm clock, libro, MP3 player at game console para sakin (na para sa akin ay mas malamang pa ang halaga kaysa pinakagamit ng mobile phone).

“Peking Sheet! Anong oras na?!”

At dahil kagabi lamang ay hindi ko nahanap ang aking mobile phone sa aking kwarto, nagagahol na ako ngayon sa oras upang pumasok sa ekwelahan.

“Kung alam ko lang sana na ganto mangyayari edi dapat nagset na ako ng alarm in advance. Deym!”

Dahil nasa kolehiyo na ako, iba iba na ang oras ng sched namin. May mga araw na maaga ang pasok at minsan naman ay tanghali na. Pero kahit na pwede ko naman i-set ang mga specific na oras para sa mga specific na araw ay di ko ginagawa dahil nakasanayan ko na magse-set lamang ng oras ng alarm bago matulog. At siguro drained na battery nun kaya kahit may alarm ay di tutunog yun.

Malamang nasa ilalim ng kama yung phone ko o di kaya ay natabunan ng mga damit. Naisip ko na wala na  akong magagawa pa tungkol doon dahil gahol na ako sa oras. Kaya minabuti ko nalang bilisan ang aking mga kilos at handa papa-alis. Naligo at nagbihis ako ng mabilis at pagkakuha ko ng natirang pizza sa fridge ay dali dali akong lumabas ng bahay. Ngunit natigilan ako nung may nakita ako isang bagay sa mail box ng aming gate na sa panahong ngayon ay di ko inaasahang may laman.

“Sulat? Sa panahon ngayon?”

Di ako makapaniwala. Sa panahong ngayon, napakabihira na ng mga pinapadalang sulat. Ginagamit na lamang ang mga liham para sa opisyal o mahahalagang dahilan kung saan may sinusunod na tradisyon, o kaya para seguridad ng informasyon na nilalaman nito.

Ngunit ni isang bakas ng pagiging pormal na liham ay hindi makikita sa sulat na hawak ko ngayon. Sa katunayan, parang personal na sulat ang dating nito. Kulay pink na may bulaklak na selyo bilang disenyo. Isa pa walang pangalang nakalagay sa labas ng sobre, pano kaya nakarating ito dito?

My Life with a Freaking Chaotic AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon