The Storm after the Rainbow.

28 1 0
                                    

“ahh. Eh... L-Lorraine… Ah oo. B-bakit ka pala napatawag?!”

Yun yun ehh. Yung feeling na agad mong inaccept yung tawag ni crush nang hindi man lang nag-iisip. Kaya ayun wala tuloy ngayon akong maiisip sabihin at dahil sa sobrang kaba tapos samahan pa nung sakit ng ulo kanina dahil kay Elaine nagkabuhol buhol lahat ng salitang lumabas sa bibig ko.

Siguro tumatawa nanaman si Ate habang nakatingin sa kaawa-awa kong itsura habang kausap si Lorraine.

“He-he… Tignan mo nga naman si Utol… Namumula sa nerbyos~”

“Hala, oo nga no.”

(TENGENE TIGILAN MO AKO ATE!!!!!) at teka nakakapagtagalog ka pala, Elaine? Anyway please wag mo syang sakyan sa trip nya! Galit kong tinitigan si Ate Lala na tawa ng tawa habang pinipigilan kong lumabas ang boses ko. Hindi ko inaasahang lalakasan pa talaga nya ang boses nya habang si Elaine naman naki-sakay din.

--“Rencia, may kasama ka ba dyan?”

“A-ah… wala! Wala! imagination mo lang yun. Yung TV lang yun, yung TV. HAHAHAH—”

 “Oy Rencia, kahit ganun Ate mo parin ak—!”

Mukhang napuna ni Lorraine yung mga tawa kanina. Nong babanat sana ng isa pang beses si Ate, mabilis kong tinakpan ang bibig nya ng isa ko pang kamay.

(Ililibre nalang kita ng Magnum mamaya. Please ngayon lang.) inipahiwatig ko iyon sa kanya. mabuti nalang may pagka-isip bata parin si Ate Lala at nagpapa-uto parin sya kapag sinabi mong ililibri mo sya ng paborito nyang pagkain.

At si Elaine naman, nung tinignan ko, nakangiti lang at tahimik na nakatingin sa akin mula sa tabi. Kahit na medyo nahihiya ako sa titig nya, mukhang marunong magbasa ng mood si Elaine na ipinagpasalamat ko naman kahit papaano.

--“Buti naman... wala kang kasama ngayon. Actually may itatanong kasi ako at nakakahiya yun kung may ibang makakarinig, kaya it’s only between and me ah...”

Ah... wait, bagay na nakakahiyang sabihin kapag may ibang tao, at something na kami lang dalawa ang dapat nakaka-alam… wag mong sabihin--! Ah, kalma Rencia! K A L M A!!!!! Wag kang masyadong magmadali at baka ma-maling akala ka dyan. BAD END ang aabutin natin.

 Kaya kahit na sabik na sabik na ako kung tama nga ang hinala ko, maayos ko parin tinanong si Lorraine kung ano ang gusto nyang sabihin.

“ah eh.. ano ba yung itatanong mo?”

--“Actually… Rencia, pwede ba tayong mag-date?”

Date.

Tama ba ang nadinig ko?

Date, sinabi nya bang date?

Ah... ehh… sisiguraduhin ko lang ahh baka namali lang ako ng dinig.

“D-date?”

--“please Rencia wag mo nang ipaulit sakin, nakakahiya.”

DATE NGA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko pero siguradong halata sa mukha ko ang sobrang tuwa sa narinig ko.

Himala ba to? Himala nga!! P8ta wala na kong paki-alam kung sabihan man ako ni Ate na malamya at mababaw dahil dito, pero para sa isang torpe, HIMALA ito!

At sa lahat ng reverse roles na na-experience ko, dito ako lubusang natutuwa!

Peksman! Ang feeling na yayain ka sa isang date ng babaeng crush mo ay para ka naring nanalo sa lotto. At parang gusto mo pang ipamukha sa lahat, “HA! Crush ako ng Crush ko!!BWUAHAHAHAHAHA!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Life with a Freaking Chaotic AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon