Epilogue

13 2 0
                                    


"Jeric.." kanina ko pa sya sinusundan pero hindi nya ko nililingon, kung nararamdam nya lang ang nararamdaman ko ngayon hindi siguro sya magiging ganito sakin.

"Jeric please.. harapin mo naman ako" sabi ko habang pinipigilang umiyak. Bakit sobrang rude nya sakin? May ginawa ba kong mali?.

Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan nya pero parang hindi nya ko naririnig. Ganon nya ba kamahal ang babaeng yon para sundin nya ng ganito? Bakit? Ano bang meron sya na wala ako?.

"Jeric mahal na mahal kita.. kaya kong ibigay ang lahat sayo. Please ako nalang, wag na sya" hindi ko na napigilan ang tuluyang pagbagsak ng luha ko. Sobrang sakit na kasi. Para akong pinapatay ng paulit-ulit. Hindi nya parin ako nilingon kaya naman tumakbo na ako at niyakap sya mula sa likuran.

"Jeric please.. dont do this to me" sabi ko habang humahagulgol sa likuran nya. Wala akong pakialam kung mukha akong desperada o kaladkarin. Mahal ko si Jeric at ayoko syang mawala.

For almost 3 years minahal ko sya mula sa malayo. 3 years akong nagtiis at pinigilan ang nararamdaman ko. God knows how I tried to be distant from him pero walang nangyari. Masyado ko syang mahal para layuan. Hindi ko alam kung bakit ganito ako ka obsess sa kanya. May something sa loob ko na nagsasabing gusto ko syang alagaan at protektahan buong buhay ko. Na dapat ay lagi syang malapit sa tabi ko.

Nakaub-ob parin ang mukha ko sa likod nya ng maramdaman ko ang pagbuntong hininga nya, umuko sya at umiling-iling.

"I'm so sorry Maxene pero si Xhan talaga ang gusto ko" sabi nya at pinipilit na tinatanggal ang kamay ko. Hinigpitan ko lalo ang kapit.

"Pero bakit? .. hindi ba sabi mo ako ang mahal mo? Na ako lang? Jeric alam mong sobra kitang mahal! Kaya kong ipagpalit ang lahat para makasama ka"

"Don't do these to yourself Max. You deserve someone better, someone better than me"

"No! No one's better than you Jeric wala akong pakialam sa sinasabi mong 'someone better' cause I found the best out of you"

"Pero wala ng best. I'm truly deeply madly in-love with Xhan and you know that. Saksi ka kung gano ko sya kamahal noon bago ka pa man dumating. Alam mong special sya sa akin" and with the thought that he said ako na mismo ang kumalas sa pagkakahawak sa kanya.

Napa-upo ako sa sobrang panghihina. Halos isang linggo akong hindi nakatulog kakaisip kung nasan sya at kung paano sya babalik sa akin tapos ganito? Sana pinatay nya nalang ako.

"Max .." eto na naman yung boses nyang kinababaliwan ko. Ang boses na nakapagpapatayo ng balahibo ko. Ang boses ng taong mahal ko na sobrang sinasaktan ako emotionally ngayon.

Umupo sya sa harap ko at pinunasan ang luha sa mga mata ko. Nakakainis! Feeling ko ang weak ko. Im helpless.

"J-Jeric .. ako nalang please" muling pagmamakaawa ko.

"Maganda ka Max. Wag mong pag-aksayahan ang katulad ko. Kalimutan mo nalang ako. Mahanap ka na ng bago"

Sobrang sakit. Parang unti-unting pinupunit ang puso ko hanggang sa magkapira-piraso ito. Hindi ako makahinga. Bakit ba ang dali para sa kanyang sabihin ang lahat ng ito? Ganon ba ako kawalang halaga sa kanya?.

Ipinatong nya ang itim nyang jacket sa balikat ko. Tumayo sya at nagbabadya ng umalis.

Niyakap ko ang binti ko at napapapikit. Bigla kong naisip ang mundo ko na walang Jeric. Hindi ko kakayanin ang lungkot. Parang unti-unting kinukurot ang puso ko. Hindi ko talaga kaya. Lalaban ako Jeric.

I manage to stand against the ground.

"Hindi kita isusuko Jeric. Akin ka at babawiin kita sa kanya!" sabi ko at tumakbo paalis.

Asar TaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon