1st day of school

14 2 0
                                    


"Anak bilisan mo ng kumilos baka malate ka sa school. Nakakahiya naman kung sa unang araw ng klase ay mahuhuli ka" sabi ni Mama.

"Opo eto na" mabilis kong pinasadahan ng suklay ang mahaba kong buhok. Nagkaputol-putol na nga yata to dahil sa pagmamadali ko, ang tigas kasi e! Ayoko pa naman ng nagcoconditioner gastos lang yun.

Pagkatapos kong magsuklay ay hinablot ko na ang bag ko sa sofa. Agad akong nagpaalam kay mama na aalis na. Sumakay ako ng tricycle papuntang skwelahan.

2nd yr highschool na ako ngayong taon. Hindi ako matalino at hindi rin naman ako bobo sakto lang.

"Bayad po" sabi ko sabay abot ng pamasahe kay manong ng makarating sa skwelahan.

Pagpasok ko sa gate ay may nakita akong ka-schoolmate ko na pumupunta sa court at pumipila. Nako may flag ceremony nga pala!.

Tumakbo na ako sa classroom ko. Alam ko na naman kasi kung saan dahil nakalagay na iyon sa report card ko nung kunin ko ito noong bakasyon.

*booogsh*

shemay! Nabunggo pa nga (>___<).

"Sorry po mam. Nagmamadali lang sorry po ulit" paulit-ulit kong pag hingi ng dispensa sa gurong nabangga ko.

"Ok lang iyon anak. Sa susunod mag-ingat ka na" sabi ng guro. Buti nalang mabait.

"O-Opo mam. Pasensya na po ulit" sabi ko sabay alis.

Nang makarating ako sa silid namin ay agad kong inilapag ang bag ko sa pinakadulong upuan ng classroom. Ayoko kasi sa unahan, ayokong nasa harapan ng teacher pagnagka-klase baka mabasa ako ng laway.

Lumabas ako ng classroom at pipila na sana ng marealize kong hindi ko alam kung saan ba talaga ako dapat na pumila. Hindi ko kasi alam kung sino-sino ang mga kaklase ko. Ano ba yan!.

Mula sa kinatatayuan ko ay may nakita akong lupon ng mga estudyanteng nakapila. Dun nalang ako makikisali sa flag ceremony. Bahala na! Hindi naman nila ako makikilala.

*start of morning prayer*

Lets bow our head and pray.

In the name of the father, and of the son, into the holy spirit Amen.

Lord god, marami pong salamat sa napakagandang araw na ipinagkaloob nyo po sa amin. Salamat po sa lakas ng katawan at talas ng isipan. Salamat rin po sa lahat ng blessing na ipinagkakaloob nyo po sa amin. Sa walang hanggang pagpapatawad sa aming kasalanan marami pong salamat. Amen.

Nagsign of the cross muli kami tanda ng pagtatapos ng prayer. Sumunod ay kinanta namin ang National Anthem na lupang hinirang, at panatang makabayan.

Unti-unti na ring umiinit ang paligid dahil mag-aalas otso na ng umaga. Nagagalit na si haring araw at pinagpapawisan narin kami. Ang aga-aga nangangamoy luga dito sa pila.

Tapos na kaming mag-seremonyas at nagbabalak ng bumalik ng school ng biglang ipahold kaming lahat ng principal. Ito ang nakakainis pag first day of school, ang daming chuvachenes!.

"All of you please stay at the court. The principal wants to say something" sabi ng isang guro sa stage. Nakangiti syang nakatingin sa principal habang papalapit ito sa kanya para abutin ang micropono.

"So good morning students!" Energetic na sabi ng principal.

"Good morning principal" walang kagana-gana at tila hindi nag-almusal na bati ng mga estudyante.

"Ay gutom? Ulit! Yung mas energetic!"

"Good morning principal!" pasigaw na sagot ng mga estudyante. Energy pala ha! Yan oh energy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Asar TaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon