02 | STRANDED pt.2

30 2 0
                                    


CHAPTER 2 | S T R A N D E D pt.2



Twice's side



Sa kwartong tinutuluyan ng Twice members ay di hamak na mas maayos sila kaysa sa Seventeen. May kanya-kanyang ginagawa sa buhay at may mga sariling mundo ang mga babae. Magkakasama sa isang kwarto sina Nayeon, Chaeyoung at Sana. Sa pangalawang kwarto naman ay sina Mina, Tzuyu, at Momo. At sa pangatlo ay sina Jihyo, Jeongyeon at Dahyun.


Naglaro sila ng jak-en-poy para walang angal at naging masaya naman sila sa kinalabasan.


Kakatapos lang ng kanilang concert noong isang gabi and dapat na mabalik na sila sa Korea kahapon kaso na-delay ng maraming oras hanggang sa nag declare na ica-cancel na muna ang lahat ng flight dahil may malakas na bagyong paparating. Na-inform na lang sila kaninang madaling araw ng JYPE na bibigyan nalang daw nila ang Twice at ang mga staff ng ilang araw na pahinga at pagkalipas ng bagyo ay saka na sila mabalik at magpatuloy sa kanilang schedule.



TDRoom 202-A



Ito ang kwartong tinutuluyan ng ating pinakamamahal na Jihyo, Jeongyeon at Dahyun. Maganda ang mga hotel rooms na nakuha nila, malawak, kamangha mangha, at masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin kapag nakabukas ang sliding door papunta sa veranda sa umaga at ang tamang lakas ng aircon kapag gabi. Mula sa pinakaloob-looban ng saradong kwarto ay rinig ang malakas na kulog sa likod ng makakapal na kurtina.


Mga ganitong panahon masarap humilata at matulog magdamag, habang pinapatugtog ang isang playlist na puro malulungkot na kanta at bigla bigla nalang magre-reminisce sa mga masasayang ala-ala. Pa sad girl ba?


Natugtog ngayon sa kanilang speaker na nakalagay sa gilid ng kama ni Jeongyeon ang kantang 'Crush' ni David Archuleta.


Tig-iisa sila ng kama at pawang mga nakahiga doon. Si Jihyo ay naghahanap ng magandang anggulo sa camera para makapag-post ng selca sa bubble.


Si Jeongyeon naman ay nakadapa at nakaharap sa kaniyang laptop at nanunuod ng samu't saring videos sa youtube.


Just like Jeongyeon, ay nanunuod din si Dahyun ng videos habang nakasandal sa headboard at kumakain, ang kaniyang cellphone naman ay nakasuot sa kaniyang medyas at nakataas ang kaliwang paa sa kanang hita, #LIFEHACKS.


Aliw na aliw si Jeongyeon sa kaniyang pinapanood na Going Seventeen nang may biglang bumato sa kaniya ng isang malaking unan.


"Aack! Shuta ka Park Jihyo! Inaano kita ha?" Bulyaw ni Jeongyeon sa bumato. Sakto kasing nakakatawa yung part na pinapanood niya, eh napatigil ang kaniyang tawa dahil sa pagbato.


"Eh pano kasi, masyado kang maingay kanina ka pa natawa!" Inis namang sagot ni Jihyo. Ang pagtawa pa naman daw ni Jeongyeon ay yung parang takas mental, baka mareklamo pa sila ng nasa kabilang room.


"Magtaklob ka ng tenga!"


"Heh!"


"Pareho kayong maingay shuta!"


Napatahimik nalang ang dalawa sa biglang pagsigaw ni Dahyun. Di nalang pinansin ni Jihyo iyon at dumapa kasama si Jeongyeon sa kaniyang kama.


"Yen ne nemen? Heheheh" Pabebeng tanong ni Jihyo sa kaniya. Palibhasa, they knew na gustong gusto ni Jeongyeon ang Seventeen kaya natutukso nila siya. "Bagong episode?"


"Oo" Tipid niyang sagot. Malakas uli siyang tumawa ng makitang pinagdidiskitahan ng SVT ang kawawang Soonyoung.


"Psst. May gusto ka sakanila?"


ℂℝ𝕌𝕊ℍ ➳ 𝐂𝐇𝐒 × 𝐘𝐉𝐘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon