Sa isang gubat napadpad ang babaing naka-itim,lakad-takbo ito ng walang tigil, umaasang makakarating agad sa napag-usapang lugar ng mga kasama niya sa tamang oras.
Halos wala itong kapaguran sa halos tatlong-oras na paglalakbay. Huminto siya sa tabi ng isang mayabong na puno. Umakyat siya at tahimik na nakinig,inilibot ang kanyang paningin at tumingala sa kalangitan. Sa oras na 'yon malapitan ng magbukang-liwayway.Ang direksyon kung saan siya patungo,pagkatapos huminga na malalim ay bumaba na siya.
Napatigil siya ng may marinig na ugong,napangiti siya ibig sabihin lang nun ay ay malapit na siya.Malayo pa lang ay nakikita na niya ang mga kasama niya.Para tuloy syang naka-inom ng sobrang tapang na energy drink.Excited siyang napatakbo.
"Mission Accomplished?" tanong ni Sharp,na nakangiti ng maka-abot na siya sa sasakyan at nakasunod na ito sa kanya.
"Mission Accomplished!"pasigaw na sabi niya para marinig nito."Sa wakas!"pahabol pa niya na nakataas pa ang mga kamay.
"Ako na lang ang gagawa ng reports habang nagpapahinga ka pa tapos i-check mo na lang kung may kulang pang ibang detalye."sabi naman ni Onyx---teammate niya at kaibigan---naka-upo sa kanan niya,nakangiti rin ito.Tumango siya bilang pagsang-ayon at sumandal sa kinauupuan niya.Inilibot niya ang paningin ,naka-upo sa unahang bahagi sa kaliwa si Shall---ang nagpapalipad ng sinasakyan nila habang sa kabilang bahagi ay si Mackenzie---isa sa kanilang mga boss--tahimik ito habang nakatanaw sa labas ng sinasakyan nila,napangiti siya at napailing.
Tapos na naman ang isa sa mga misyon niya, nakangiting naisip niya.Makakapagpahinga na rin siya ng matagal.