Suring Pelikula (March 1, 2015 - Sunday - 8:30 PM)

958 1 0
  • Dedicated kay Girlie June Absin Jusay-Solamo
                                    

Itinatampok sa pelikulang ito ang dalawang taong sawi sa pag – ibig. Nakatuon ang istorya kay Mace sa katauhan ni Angelica Panganiban at kay Anthony na ginampanan ng batikang aktor na si JM De Guzman na parehong nasa Roma sa magkaibang dahilan. Nagpunta si Mace roon upang sundan ang nobyo niya sa loob ng walong taon upang tuluyang manirahan at mamuhay sa Roma. Sa halip na isang matamis na pagsalubong ang ibigay sa kanya ng nobyo, ginulat siya nito ng isang mapait na katotohanang may iba na siya. Sa kabilang dako, si Anthony ay mag - isang napadpad sa Roma para magbakasyon at makita ang Museo na bata pa lang ay kanya ng hinahangad.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nagkasalubong ang landas ng dalawa sa isang paliparan sa Roma nang papauwi na ang mga ito sa Pilipinas. Nagkaroon ng problema si Mace hinggil sa kanyang bagahe, kaya tinulungan siya ni Anthony. Sabay ang dalawa sa pag – uwi sa bansa. Sila ay nagkwentuhan tungkol sa kani – kanilang buhay pag – ibig at nalamang pareho silang mayroong wasak na puso. Kaya ang dalawa ay nakapagdesisyon na tulungan ang isa’t isa na makamove-on, hanggang sa umabot sila sa iba’t ibang lugar upang mahanap ang sagot sa kanilang tanong.

Mahusay ang pagkakaganap ng bawat artista sa pelikula. Kitang – kita ang kahusayan ni Angelica Panganiban bilang isang babaeng durog ang puso. Magaling siyang magpapalit – palit ng emosyon na akma sa mga eksena. Lutang na lutang din ang galing ni JM De Guzman bilang isang lalakeng nagmahal, iniwan at nakuhang magmahal muli. Kuhang – kuha talaga ng dalawa ang chemistry bilang magkatambal kahit na ito pa ‘yong pelikula na pinagsamahan nila. Nagkaroon din ng partisipasyon dito si Joem Bascon. Bagamat kakaunti lang ang kanyang eksena, nagpakita pa rin siya ng kahusayan sa pagganap bilang nobyo ni Mace. Sa tingin ko, kung hindi sila ang kinuha bilang mga pangunahing tauhan, hindi magiging matagumpay ang naturang pelikula.

Sa direksyon ni  Antoinette Jadaone, naging napakaganda ng kabuuan ng pelikula. Sinuring mabuti ang bawat kilos at pinag-aralan ang bawat anggulo kaya naman naging masinop ang pagkakaugnay ng mga pangyayari.

Maganda ang pagkakasulat ng iskrip. Mahihinuha mo na ang bawat linya ay pinag – isipang mabuti… ‘Yung talagang may hugot kumbaga.

“Para sa mga umibig, nasaktan, ngunit umibig pa rin. You know, tatanga-tanga.”

“Kung mahal mo, habulin mo, ipaglaban mo. Wag mong hintaying may magtulak sa kanya pabalik sa’yo. Hilahin mo. Hanggang kaya mo, wag kang bibitaw.”

“Hindi. Na. Kita. Mahal. Makakaalis. Ka. Na. Seven words. ‘Yung 8 years namin, tinapos n’ya in 7 words.”

“Alam mo ‘yung sinabi ni F. Scott Fitzgerald? There are all kinds of love in this world, but never the same love twice.”

 

“Kasi ‘yung ganyang kalaking pagmamahal, ganyang overwhelming love, imposibleng walang pupuntahan eh. May mababalik sayong pagmamahal. Not necessarily sa taong pinagbigyan mo, pero sigurado ako, mababalik ‘yan sa’yo.”

 

Ilan lamang ito sa mga magagandang dayalogo na nakakaangat sa pelikula. Itong mga hugot lines gaya ng nasa itaas ay nagpapadagdag ng motibasyon sa mga manonood na panoorin ang pelikula. Dapat grabe talaga… ‘Yung tagos sa puso.

Buhay na buhay ang pelikula. Angkop ang kulay sa kapaligirang kinunan ng kamera. Tama lamang ang mga props na ginamit gayun din ang mga kasuotan ng mga artistang nagsiganap. Ang mga lugar na ipinakita ay may kaugnayan sa istorya. Sapat din ang dilim at liwanag ng mga ilaw. Umayon ito sa mga eksenang kailangan ng madilim lalo na sa mga tagpong malulungkot at maliwanag para sa mga tagpong masasaya. Malaki rin ang naiambag ng himig ng musika upang maging madula ang bawat tagpo.

Masasabi kong naging matagumpay ang pagkakabuo ng pelikula sapagkat natutukan ang bawat bahagi mula sa maliliit hanggang sa mabibigat na eksena.

Sa kabuuan, ang pelikulang That Thing Called Tadhana ay isang A+MAZING na pelikula. Kaya, dapat itong ipagmalaki ‘di lang sa Pilipinas kung ‘di sa buong mundo. Ito ay sadyang napapanahon dahil karamihan sa mga tao ngayon ay natatakot na magmahal o mahalin sa kadahilanang sila ay nasaktan o nabigo ng dating minamahal.  Tandaan ang sabi ni F. Scott Fitzgerald, “There are all kinds of love in this world, but never the same love twice.” Makakahanap ka pa, hindi nga lang gaya ng dating pag - ibig. Maghintay ka lang... Kasi EVERYTHING TAKES TIME.

 

Sa dami ng papuri ko sa pelikulang ito, malamang gusto kong panoorin niyo to kung ‘di man sa sinehan… Sa mga bahay niyo na lang. Huwag niyo talaga itong palalampasin dahil ito ay isa sa mga magagandang produkto ng sining nating mga Pilipino.

P.S. :  Annyeonghaseyo ! :*)))  Jeo Nun Jerry Im Ni Da. Ako po si Jerry Louise L. Huerbana. Mi-an-eh-ham-ni-da . Patawad po kung mayroong mga mali (TYPO ERROR, MALING PAGGAMIT NG BANTAS, O KUNG ANO MAN) Mi-an-eh :3  Thank you for understanding ! Kamsahamnida ! Annyong ! ^^ YEHET ! OHORAT ! KKAEBSONG ! 

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Thing Called Tadhana  Suring Pelikula ni Jerry Louise L. HuerbanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon