A/n: I'm bored in the house and I'm in the house bored.
***
Kasalukuyan kami nasa biyahe kasama si Rozz, hindi na daw kasi ako maihahatid ni Vinx dahil marami pa daw siyang gagawin. Palusot pa.
Tahimik lang kami pareho habang nakikinig sa music. Alam kong rock yung genre ng kanta pero parang ang lungkot namin.
"Are you hungry?" pagbasag niya sa katahimikan. Napatingin naman ako sa kaniya, nakatutok lamang ito sa daanan.
"No, thank you." sagot ko sabay tingin sa labas ng bintana. Wala talaga akong idea kung saan ba ako dinala ng mukong na yun, hindi din naman kasi ako gala.
"Daan muna tayo drive-thru." tumango lamang ako.
Bumagal bigla ang takbo niya dahil liliko pa siya sa kabilang highway dahil nandoon banda ang Mcdo. Sa Mcdo niya pinili e. May dalawang kotse na magkasunod ang nasa unahan namin kaya naman matagal pa kami naghintay at dun ko lang na realize na gutom na pala ako.
"I guess your tummy says 'i want to eat!" napangiti lang ako ng pilit sa sinabi niya. Bakit naman kase ang tahimik? Ayan tuloy narinig pa niya pagdrums ng tiyan ko.
Naka-alis na ang naunang kotse kaya umusad na din kami. Hindi din naman nagtagal ay umalis na din ang sunod na kotse kaya kami naman ang sunod.
"What do you want?" tanong niya sa akin. Napatingin naman ako kay ateng crew, halatang nabighani ni Rozz.
"Katulad na lang ng sayo." Sagot ko. Siya naman na ang kumausap sa crew, pansin ko pang panay nakaw ng tingin si ate kay Rozz. Sus! 'Di pa tanungin kung ano pangalan e.
"Wait lang po for 15 minutes." saad ni ateng crew, nakangiting tumango naman si Rozz.
"Pustahan bente, crush ka nun." sabi ko. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.
"Sino?" kunwari 'di niya alam kung sino tinutukoy ko.
"Si ate kanina." nababagot kong sagot. Ngumiti naman ito ng nakakaloko.
"Ganun talaga kapag pinanganak kang gwapo. Actually, yun nga yung problema naming magpipinsan." kanina ko lang din nalaman na magpinsan pala sila ni Vinx.
"Potakte ka! 'Buti hindi ka nilipad sa sobrang hangin mo, noh?" sarkastiko kong saad. Natawa naman siya ng malakas.
"I'm just saying the truth." nalukot naman ang mukha sa sinabi niya. Grabe! Nakapa-hambog.
"Sir, here's your order po." saad ni ate pero iba na. Siguro nachika na nung isa na may 'gwapo' kuno dito. Psh.
"Thank you." nakangiting saad ni Rozz ng makuha niya ang order. Ngumiti naman ng malapad si ate.
"Your welcome po, Sir." Umalis na din naman agad kami pagkatapos nun.
"Hanap muna ako ng pwede parking-an. Shit! gutom na talaga ako. Wala din naman kasing pake itong si Vinx, hindi man lang tayo pinakain." nakabusangot niyang saad habang naghahanap ng pu-pwedeng parking-an.
"Sa true lang, wala man lang kusa." nakabusangot ko din saad. Pag naalala ko talaga kung paano niya kami basta na lang paalisin.
—
"Adjourned. You may go now." saad ni Vinx. Napakunot naman ang noo ko.
"Bro, I'm fvcking hungry." tugon naman ni Rozz. Napatingin naman sa kaniya si Vinx.
"That's not my problem." after sabihin yun ni Vinx, literal na napanganga si Rozz sa sinabi ng pinsan.
"Wow ah! Tinulungan na nga kita tapos wala ka man lang utang na loob." paawang saad pa ni Rozz. Tinignan naman siya ni Vinx ng nakabusangot.
"Shut the fvck up, Rozz. I have so many things that i need to do." saad nito bago lumabas ng room.
—
"There! Pwede na 'to." pinark naman niya agad at ng matapos ma-park ang kotse, hinintay ko muna siyang mauna kumain dahil nakakahiya naman kung mauuna eh siya na nga ang nanlibre sa akin.
"Oh bakit hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo?" takang tanong niya.
"Hinihintay kasi kitang mauna hehe." nahihiyang saad ko.
"Why? You should eat it, your tummy will get mad at you." natatawang saad niya. Tinignan ko lamang siya ng masama.
"Eat it." natatawa pa rin niyang saad kaya wala na akong nagawa kundi mauna sa kaniyang kumain, kumain na din naman siya pagkalimang kagat ko sa burger.
"Takaw ah." sabay kaming natawa sa sinabi niya. Pagkain 'to kaya wala ng hiya-hiya.
Natapos din naman agad kami dahil na din siguro sa gutom kaya napabilis ang paglamon namin. Kaya naman naisipan na din umalis ni Rozz para maihatid na ako sa bahay namin dahil gabi na.
"Liko ka diyan... Sa may katabing black na bahay, yan oo... Yang white and gold yung gate.... Yan bahay namin." saad ko.
"Maganda naman din pala bahay niyo." nakangit niyang saad. Natawa naman ako ng bahagya.
"Kung hindi mo na itatanong ako talaga nagsuggest na white and gold yung theme ng bahay namin." nahihiya ko pang saad.
"Oh? Really? you have a good taste, huh." may patango-tango pa siya.
"Well, thank you for the ride, Mr.Rozz." nakangiti kong saad sabay bukas sa pinto ng kotse. Hindi ko naman na hinintay kung ano man sasabihin niya kaya sinara ko na agad ang pinto at tumungo sa aming gate. Hinintay ko pang maka-alis siya bago ako tumuloy papasok ng bahay.
"Sino yun?" muntik pa akong maggugulong sa lupa sa sobrang gulat.
"Jusmiyomarimar! KUYA! NAKAKAGULAT KA NAMAN! Daig mo pa si Valak." tinignan niya laman ako ng masama.
"It's already 8pm. Saan ka galing?" strikto niyang tanong. "At sino yung naghatid sayo?" dagdag pa niya.
"Jusq, Kuya kahit ako hindi ko din alam kung saan ba ako dinala ng kumag na yun." kinakabahan kong sagot. Seryoso na kasi yung awra niya kaya talagang nakakatakot.
"Yung isa ko pang tanong." seryoso niyang saad habang nakahalukipkip.
"Huh? Ano ba yun?" taka kong tanong.
"Si.no. yung. ka.sa.ma. mo.?" ayan nanggigil na siya. Lord! Help me!!
"A-ah si k-kwan... a-ano.... si..." nautal pa talaga.
"Si.?" sheyt pinanlalakihan na ako ng mata.
"Si R-rozz, Kuya." agad naman nanlaki pa ang mga mata niya.
"ANO?! MAAAA!!" sigaw agad ni Kuya papasok sa bahay. Parang gusto kong kumanta ng 'Boo! b*tch I'm a ghost' dahil patay na talaga ako nito.
***
khrixXi
YOU ARE READING
Last Goodbye | On-going
Любовные романы| Last Series#1 | Auldrie Zalarcon "I thought---" "No! we've never been okay and never will be. Goodbye!"