Author's note: This story/interview is inspired by the song of Bruno Mars, which is "Talking to the moon".
This chapter/section's language will be Tagalog-English.
Trigger warning: suicide/self-harm and abuse
_______________
Bakit ka bumitaw?
Section 3: She's gone
Written by EllieAldus"Hi Mark, thank you for joining us today."
"Thank you for having me here. Balita ko ang dami mo na raw viewers." Mark saud trying to lighten up the mood, then he sat across the journalist.
"Hahaha, oo medyo marami na nga rin akong viewers. Salamat nga pala sa mga readers ko diyan, at sana ivote and follow niyo rin ako.
Ok so going back, ready ka na ba sa interview na ito?"
Mark smiled gently
"Oo naman."
Mark's POV:
"Oo naman."
Matagal ko na rin namang napaghandaan ito. At sa tingin ko ngayon ang tamang oras para sagutin ko lahat ng katanungan sa akin lalo na ang mga bagay na may kinalaman sa kanya.
"So my name is Mark. I'm 32yrs old, and I'm a licensed psychologist."
"May dahilan ba kung bakit mo pinursue ang psychology?"
"Oo, dahil alam ko ang feeling sa tuwing di mo na maintindihan ang sarili mo at yung feeling na hindi mo na alam yung purpose mo sa mundo. At gusto ko rin tulungan ang mga taong ito na mahanap ang kanilang purpose "
"So Mark, may girlfriend ka ba or naging girlfriend?"
"Yes, may naging girlfriend ako well fiancé na nga eh haha. Sobrang ganda and bait niya, nasa kanya na nga ata lahat eh. Hahaha oo nga pala pangalan niya ay Katarina, mukhang mataray lang talaga yung pangalan niya hahaha."
"Pwede mo bang ikwento ang naging relationship niyo?"
"Syempre haha. Our relationship is tough, sobrang tatag namin eh. Sa totoo lang sobrang tatag niya, kasi sa aming dalawa siya yung matatag as in sobra. Sobrang mapagintindi niya.
So we've met nung high-school she was so cute back then, alam mo ba sobrang jolly na tao nun na di mo aakalain na siya pala yung napakaraming napagdaanan na sa buhay.
Nakuha niya ko sa mga tingin niya eh, yung tingin niya na parang sobrang halaga mo. Dun ko nasabi na ito na toh haha, ito na yung taong mamahalin ko habang buhay.
Sa loob ng 10yrs naming pagsasama, hindi naging madali yun eh. Para kaming nasa drama sa tv hahaha. Sobrang exhausting nung relationship namin but nakaya namin well yun ang akala ko hahaha. "
" So anong nangyari? "
" Naubusan ako ng time sa kanya, naging busy ako in pursuing my dreams na kahit pangangamusta man lang sa kanya eh di ko na nagawa. Nakalimutan ko siya haha, akala ko kasi, akala ko ok siya hahaha. Di na kasi siya nagoopen sa akin ng problems niya siguro kasi alam niya na I'm too busy sa pagaachieve ng mga pangarap ko.
Tangina nga eh haha I'm a psychology student back then, but I-i have forgotten to check on my fiancé's mental health. "
A tear suddenly streamed down Mark' s cheek
" I was too busy trying to understand one's mind, and also trying to help and console other people that I have forgotten about her.
Hindi ko alam na ang dami na pala niyang problema, she failed in architecture and-d she was being abused by her parents. Tangina haha di ko alam lahat ng yun-n.
Before she died-d, tinatawagan niya ako eh. Tangina tinatawagan niya ako per-o di ko sinagot yung tawag niya haha.
Nung panahon na kailangan niya ng makakapitan, ako agad yung tinawagan niya kaso tangina, tangina lang na di ko man lang sinagot yung tawag niya.
Kung maibabalik ko lang.. "
______________
End of section 3 part 1
Hii guys pinublish ko lang toh dahill birthday ko. Soo may part 2 pa tohh❤️
BINABASA MO ANG
Bakit ka bumitaw?
General FictionA series of stories and confessions. Bakit ka nga ba bumitaw? --------------------------------------------------- Note: This is a work of fiction. (ongoing) Section 1: Hindi ko na kaya (taglish) Section 2: Traitor by Olivia Rodrigo: The interview...