Prologue

0 0 0
                                    

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Apat na taon...

Ilang taon pa ba ang hihintayin ko para ako naman ang mahalin mo?

Ilang taon pa ba akong magtitiis bilang kaibigan mo lang?

Sa mga panahong nandito ako bilang kaibigan mo, lito ako sa mga pinaparamdam mo.

Kasalanan ko ba na nahulog ako sayo?

Kasalanan bang mahalin kita kahit iba ang laman ng puso mo?

Alam kong wala sa akin ang kasiyahang gusto mo.

Alam ko.. dahil ramdam ko.

Ako yung malapit pero pinili mo malayo.

Ako yung nandito pero iba ang hinahanap mo.

Kahit kailan hindi mo ako nakita bilang ako, nakikita mo lang ako bilang best friend mo.

Kailan ba naging ako?

Kailan ba magiging ako?

Kailan ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon