9

599 22 71
                                    

AVERY JUNE

Late ako. Late nanaman ako! Wala naman bago don. Mas magugulat pa ako kung hindi ako late!


Pano ba naman kasi, hindi ako nagising sa alarm ko! Sobra ako napagod dahil sa letseng hagod na 'yon! Hanggang ngayon masakit parin ang legs ko! May baon tuloy akong omega. 


Next station bababa na'ko kaya lumapit na'ko sa may pintuan para hindi na'ko makipag siksikan mamaya. Lalabas na sana ako pero napahinto ako, nagulat ako ng makita kong nasabit yung earphones ko sa isang bag! Mas nagulat ako ng makitang si Adriel yung may ari ng bag!


Sorry na! Wala akong pambili ng AirPods! 


Pilit kong inaalis yung earphones ko sa bag niya kaso hindi talaga maalis! Buhol kung buhol! Nag papanic nako! Halos gusto ko na umiyak! Di na nga ako naka attend ng first class ko, ma lelate pa ako sa second class ko!


Narinig kong mag sasasara na yung pinto ng train kaya lalo akong nag panic! Nagulat ako ng bigla ako hilahin ni Adriel papasok ulit ng train. 


Kumabog ang puso ko! Hindi dahil muntikan nako maiipt ng pintuan ng train kundi dahil hinawakan ni Adriel ang kamay ko!


"King ina late na'ko" Mahinang bulong ko. Pero mukang narinig niya dahil tumawa siya. Luh tawa ka diyan? Mahalin kita eh. 


Sa next station na lang ako bababa, kung saan bababa si Adriel. Hinayaan ko siyang tanggalin yung nakabuhol na earphones ko sa bag niya. Hindi ko alam kung ano ba dapat maramdaman ko ngayon. Kinikilig ako pero at the same time na iistress ako! 


Saktong pag dating namin sa station natanggal niya na yung buhol, agad akong lumabas ng train. Tatawid na lang ako sa kabila para makabalik don sa station kung saan dapat ako bababa. 


"Hatid na kita" Nagulat ako ng biglang nag salita si Adriel. Tinanungaan ko na lang siya. Bigla ako nakaramdam ng hiya!


"May training ka na?" Tanong niya habang nag lalakid kami papunta sa kabilang side ng station. I just nodded. Hiyang hiya talaga ako! Hindi ako 'to!


"Sikat ka na sa tiktok ah" Hindi ko maiwasan hindi mapairap. Lahat na lang yan ang sinasabi nila. 


"Calm! It's just me!"


Natawa naman siya dahil sa sinabi ko. King ina, natutunaw ako sa mga ngiti niya . Sana akin na lang 'yon. 


"Kamusta ka naman?" He asked. Andito na kami sa platform, nag hihintay dumating yung train. 


"Ito, maganda parin!" Nakangiting sagot ko sakanya. "Pero kahit maganda, nahihirapan parin sa course ko, pero keri lang" He chuckled. 


"Still single?" Natigilan ako ng marinig ko ang tanong niyang 'yon. Ang sakit naman ng tanong na yan!


"Single! and ready to bumble!" Sige Avery, daanin mo na lang sa biro ang sakit. 


Buti na lang, dumating na rin yung train, nag paalam na ako sakanya. Nakasakay nako, Pero hindi parin siya umaalis. 

Reckless Heart (Heart Series #2)Where stories live. Discover now