Aisla's POV
"Bukas hihintayin kita sa may coffee shop malapit sa school ah?" Sabi ni Raze tsaka niya ibinigay sa akin ang gamit ko at kinuha ko naman ito agad.
"O-oh sige" utal na sabi ko dahil hanggang ngayon hindi maalis sa isip ko yung halik niya.
Napakalambot ng labi, sarap sipsipin
Huwaaaa ano ba yung iniisip ko?
"Sige na, i love you" sabi niya atsaka hinawi ang aking buhok.
hindi pa siya pumapasok sa loob mg kotse niya parang may hinihintay pa siyang kung ano-ano kung kaya't nagets ko naman kung bakit hindi pa siya pumapasok sa kotse niya.
"I-i love you too" nauutal kong sabi. Parang gustong tumalon ng puso ko ng makita kong ngumiti siya sa akin.
Ahhhcck Raze Yuan bakit ba ang lakas ng tama ko sayo?
Para akong tangang naglalakad papunta sa bahay habang nakangiti dahil iniimagine ko parin yung kiss naming dalawa ni Raze..
Nawala lang ang pagkakangiti ko ng makita ko si papa na tila nag aabang nanaman sa pag uwi ko.
"Mukhang masayang masaya ka anak ah?" Salubong sa akin ni papa kung kaya't nagmano naman ako sa kanya, naunang pumasok si papa sa loob ng bahay namin atsaka ito prenteng umupo sa aming sofa dito sa sala.
"Bakit parang ang saya saya mo naman anak?" Tanong ulit ni papa dahilan para mag iwas ako ng tingin.
Kailangan pa bang tanongin kung bakit ako masaya?
"M-masaya po a-ako dahil k-kahit papaano duma-dami na po yung kaibigan ko sa school" Pagsisinungaling ko.
Hindi ko alam kung tama bang magsinungaling ako, pero hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil kay Raze kung bakit ako masaya baka magalit pa si papa, kaya mas mabuti ng iyon nalang ang idahilan ko.
"Sigurado ka Aisla? Baka may ibang dahilan pa?" Paninigurado ni papa sa akin, kung kaya't pumunta muna ako sa kusina at binuksan ko ang ref para uminom ng tubig. Nakita ko naman si Mama na naghahain ng pagkain sa may lamesa. "Aisla, kinakausap kita!" Bumalik ulit ako sa sala atsaka ako umupo sa tabi ni papa.
"Papa wala naman pong ibang dahilan para maging masaya ako eh, kailangan po ba may dahilan?"
ngumiti naman sa akin si papa.
"Wala naman anak, basta ang usapan natin hindi ka pwedeng mag boyfriend hangga't hindi ka pa tapos sa pag aaral mo" tumango naman ako bilang sagot kay papa, hindi ko alam kung paano ko itatago sa magulang ko ang relasyon na meron kami ni Raze.
pagkatapos ng usapan namin ni papa ay kumain na kami ng dinner, tahimik kaming kumakain sa hapag kainan ng biglang tumunog ang cellphone ko, sabay naman na tumingin sa akin sila mama at papa tila hinihintay kung sasagotin ko ba yung tumatawag sa cellphone ko.
tiningnan ko naman kung sino ang tumatawag, para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita kong tumatawag si Raze.
halaaa? anong gagawin ko?
"Bakit hindi mo sagotin ang tumatawag sayo Aisla?" tanong ni mama sa akin.
"Sino ba yan?" takhang tanong naman ni papa.
ohmygodd anong gagawin ko? muli kong tiningnan ang cellphone ko na patuloy parin sa pagriring.
"Excuse me po" tatayo na sana ako sa kinauupuan ko ng biglang magsalita si papa.
"Dito mo na sagotin" sabi ni papa at pinagpatuloy niya na ang pag kain.
sinagot ko ng may pag aanlinlangan ang tawag ni Raze.
Nakaisip naman agad ako ng dahilan para makalusot ako kila mama at papa, at para hindi nila malaman na boyfriend ko ang nasa kabilang linya.
"Oh?hello Xylene?kamusta ka na?ayos na ba pakirandam mo?" sabi ko habang nakatingin kay papa, rinig ko naman ang malalim na paghinga ni mama.
"Huh? ako to si Raze, yung boyfriend mong gwapo" bahagya naman akong natawa dahil sa sagot ni Raze. nag isip pa ako ng sasabihin para hindi makahalata sila mama.
"Ah ganun ba Xy? sige kita nalang tayo bukas sa may parking lot ah, text nalang kita kumakain pa kasi kami eh" sabi ko ulit kay Raze.. sigurado akong naguguluhan si Raze kung bakit Xylene ang tawag ko sa kanya.
"Okay sige, i love you" pagkatapos sabihin ni Raze yun pinatay ko na ang cp ko. muli kong tiningnan ang mga magulang ko, mukhang komportable na sila kung kaya't itinuloy ko na ang pag kain ko
pagkatapos naming kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko at nilock ko ang pinto para magbihis atsaka ako humiga sa kama, binuksan ko ulit ang cellphone ko at tinawagan ko ang number ni Raze agad naman niyang sinagot ang tawag ko.
"Hello love? okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin. bahagya akong natawa dahil sa pagtawag niya kanina at tinawag ko pa siya sa pangalan ni Xylene.
"Oo naman ayos lang ako haha bakit?" natatawang tanong ko
"Kanina kasi tinawag mo akong Xylene, eh hindi naman ako si Xylene!" sabi niya
"Ano ka ba?hahahaha alam ko namang si Raze ka pero kailangan kitang tawaging Xylene para hindi na magtakha sila papa" pagdadahilan ko, rinig ko naman ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya kung kaya't natawa nanaman ako.
"Strict ba talaga parents mo?" seryosong tanong niya dahilan para sumeryoso ako.
"Oo, gusto kasi nila na kapag nakapagtapos na ako tsaka ako magboboyfriend" seryosong sabi ko atsaka ako nagbuntong hininga. "Sana maintindihan mo ako, pero kung sakaling malaman nila ang tungkol sa atin ipaglalaban kita, siyempre mahal kita" dugtong ko pa
"Ang sweet naman ng girlfriend ko, anyway ano bang kukunin mong course next year? college na tayo next year" pag iiba niya ng topic
"Gusto ko sana maging Veterinarian, kasi sobrang hilig ko sa mga hayop eh" sagot ko, rinig ko naman ang pagtawa niya ng malakas
ano kayang nakakatawa doon?
"Edi pwede mo palang gamotin si Jake? HAHAHHAHA" tanong niya habang humahagalpak ng tawa.
"Hoyyy ang sama mo hahahahaha'
"Biro lang hahahahaha" natatawa paring sabi niya, nakisabay narin ako sa pagtawa niya, pero mahina lang baka kasi marinig ako nila mama
"Hahaha ikaw ba anong kukunin mong course?" tanong ko naman sa kanya
"Medicine" natuwa naman ako bigla dahil parehas kaming doctor kaso ako doctor ng hayop siya naman doctor ng tao.
"Nicee hehe anyway matutulog na ako, kita nalang tayo bukas sa coffee shop malapit sa school"
"Okay my princess good night, i love you my home" parang feeling ko namumula ang mukha ko sa pagkakasabi niya ng 'My princess' at 'i love you'
ahccck ohmygossh Raze Yuan mas lalo pa kitang nagugustuhan at minamahal
"I-i love you too" utal kong sabi dahil hanggang ngayon hindi parin ako sanay sa pag sasabi ng katagang I LOVE YOU.
"Ikaw parin ang pipiliin ko kahit paglayoin pa tayo ng tadhana"
——————————————————————————

BINABASA MO ANG
Tears Of Sorrow
JugendliteraturMeet Aisla Xyceria a nerd student from Saint Brilliant International School, a smart student and reliable of all, she is very kind but shy, her parents had a lot of trust on her, but this trust was broken by unexpected circumstances that she could e...