Chapter 1: Meet Mr. Handsome Part 1

28 6 4
                                    

Gumising ako ng maaga dahil may pasok pa ako. Ayoko talaga yung nale-late pero ang totoo nyan ay may gusto lang akong makita.

Bumangon na ako para maghilamos at bumaba na para kumain.

May katulong kami dito sa bahay, sina manang Ester at manang Tina. Sila yung kasama ko dito sa bahay dahil nagtatrabaho ang mga magulang ko sa Korea.

Only child pala ako, kaya naman ay alagang alaga nila ako.

Tumatawag si mommy kapag weekends at kinukumusta ako at ang pag aaral ko. Kung may boyfriend na daw ba ako. Sabi ko wala pa sa isip ko yang mga ganyan tsaka na kapag naka pagtapos na ako ng pag aaral.

Pagkababa ko, nakahain na ang mga pagkain na ini handa nila manang.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at nagbihis tsaka umalis na ako at nagpa alam kila manang.

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar na ito upang maabutan ko si mr. handsome.

Hindi ko pa alam ang pangalan nya kasi diko naman tinatanong at wala namang nakaka pag sabi ng pangalan nya sakin.

You know konti lang friends ko at mga loko loko at loka loka pa. Pero dipa nila alam na crush ko yung basketball player na yun si mr. handsome hehe. wala pa akong balak na sabihin iyon sa kanila noh.

baka agawin pa eh.

Pumunta agad ako sa likod dahil nandon yung court ng basketball kung saan sila nagpapractice araw araw tuwing umaga at andon den yung building namin at tanaw na tanaw mula sa second floor ang mga nagpapractice na mga basketbolista.

Tumambay muna ako sa silong ng puno ng mangga. May bench at table naman don kaya makakapwesto ako ng maayos para panoorin yung crush ko.

Ang galing nya talaga maglaro ng basketball kaya ko siya naging crush eh, ang galing nya. Habang pinapanood ko siya ay bigla akong nawalan ng malay.

"Miss okay ka lang?" boses ng isang lalaki.

Idinilat ko ang mga mata ko at tinignan ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon, omg!! mr. handsome ikaw ngaaa.

"Miss... Miss... uy okay ka lang?" nag aalalang tanong ni mr. handsome.

Tinignan ko siya, napaka gwapo naman talaga neto, kaya naman sumagot na agad ako.

"O-oo okay lang ako, medyo na alog lang ng konti ang utak ko" nauutal kong sagot.

"Gusto mo dalhin kita sa clinic?" nagpapanic na tanong niya.

Hindi ako nakapagsalita dahil sumingit yung kasama nya.

"Talaga lang tol! Ang lakas ng pagkaka bato sa kanya nung bola..ikaw den naman may kasalanan eh" pagsingit ng kasama nya.

"Hindi ko yun sinasadya noh! Malay ko ba na may tao dito. btw miss okay ka lng ba talaga? Kung Hindi dadalhin na kita sa clinic" muling tanong niya sa akin.

"Okay lng talaga ako kaya wag mo na akong dalhin sa clinic" totoo naman eh, sabay napakamot sa ulo.

"Sige, sabi mo eh" pagsuko nito.

Tumayo na ako dahil knina pa ako naka upo dito sa damuhan, umupo ako sa bench at nabigla ako nung dipa umaalis si mr. handsome samantalang yung kasama nya ay bumalik na doon.

Nagulat ako nung nilahad nya yung kamay niya sakin at nagpakilala.

"Ako nga pala si Jayden Castillo, Grade 10 section A second floor nasa kulay orange na building, yan oh, btw ikaw ano name mo?" Sabay turo sa katabing building namin. So jan lang pala siya, tadhana nga naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Obsessed With That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon