Chasing Mr. Vreauxe

1 1 0
                                    

Yancè's POV;

"Kasalanan toh nung babaeng yun ih!"

"Kung pwede lang talaga manapak ng babae gjnawa ko na."

"Pwede bang kumalma kayo?!"

"Huwag kayong maingay, baka magising siya."

Napaungot nalang ako dahil sa ingay na naririnig ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko at agad na bumungad sa akin ang liwanag kaya muli akong napapikit.

"Gising na siya, tawagin mo ang doktor!" Tarantang sabi ni Bright. Muli akong nagmulat at saka iginala ang paningin ko.

Nakita ko si Kuya kasama sila Thristan, Gabriel, Khene, at......Braye. Teka, bakit nandito siya?

"Bakit andito kayo? Anong nangyari? At......Bakit nandito ka?" Tanong ko pa kay Braye na tinaasan lang ako ng kilay bago umupo sa couch.

Ang suplado talaga –_____–

Bumukas ang pinto at iniluwa si tito Francis na parang namamaga pa ang mata. Umiyak ba siya?

"Gising ka na, hija." Ngumiti ito ng matamlay bago ako chineck. Sinilip ko ang mukha ng Tito na para bang naiiyak nanaman kaya niyakap ko nalang ito.

"Tito, bat po kayo naiyak?" Nag simula na ito sa paghikbi kaya lalo akong nagtaka. Tinignan ko si kuya na napapaiwas din ng tingin at namamaga rin ang mata.

"Sis naman kase, bakit ka umiyak. Muntikan ka na naman tuloy na mawala samin." Nagka-crack pa ang boses nitong saad.

Bata pa ma'y ganyan na sila, laging iniiwasan na umiyak ako o gumawa ng mga bagay na maaring maging sanhi ng pag atake ng sakit ko sa puso. Nung unang beses akong atakihin, halos mahimatay na din sila sa takot at pag aalala na baka mawala agad ako but luckily, i survived.

"Wahhh, wag na kayong umiyak. Okay na ko oh!" I spread my both arms for them to know that I am really fine.

Lumapit sakin si kuya at saka niyakap ako kaya napatawa ako ng mahina pero hindi ko rin maiwasang maguilty. Pinag alala ko na naman sila.

Nanatili lang kaming tahimik hanggang sa matapos ang pagchecheck sakin ni Tito at nagpaalam itong aalis muna.

"Gutom na ako~~~" bulong ko pa kila Mattee, Yen, Zabbie at Bright. Natatawa namang tumayo si Yen at saka kinuha ang isang supot na may laman at binigay sakin.

Umalis muna sila kuya, may gagawin pa daw kasi sila sa school. Nung una ay nagdadalawang isip pang umalis si kuya pero kalauna'y napapayag din ng mga kaibigan niya.

Hindi makapaniwala yung mga kaibigan ni kuya na kapatid ako nito, paano ba naman kase, ang pangit pangit ng outfit ko tapos si kuya isang CAMPUS CRUSH oh diba. Wala nga talagang maniniwala.

"Woyy babae, kailan mo ba kase tatanggalin yang mask na yan sa mukha mo? Aba gurl, sayang beauty mo kung di mo rin ipagmamalaki kasabay ng talino."

Inirapan ko lang si Zabbie dahil sa sinabi nya.

"Ayoko, baka pagkaguluhan ako. Saka ayoko ng maulit yung nangyari nung highschool tayo noh, ang daming obsessed satin like duhhh baka may magpakamatay nanaman." Tangi ko nalang na turan.

Last 4 years ago, may isa lang binata kaseng nagpakamatay dahil lang samin. Obsessed na obsessed kase samin yung lalaki, sabi ng magulang niya, walang araw daw na hindi kami nito ikinukuwento sakanila. Kaya nung mamatay ang lalaking yun, sinisi kami ng mga magulang niya.

Hayst, ayoko ng maulit pa iyon.

"Pero hindi naman na mauulit yun, Yancè. Ngayon nga hindi na kami pinagkakaguluhan ng nga estudyante, ikaw pa kaya." —Mattee

May punto siya pero ayoko pa rin. Natatakot pa rin ako na baka may mangyaring masama.

"Saka ayaw mo ba nun Yancè, baka sakaling mapansin ka na ni fafa Braye mo." —Bright.

Oo nga noh. Hindi kaya dahil pangit ako, kaya hindi niya ako pinapansin? Hmm, hindi naman siguro masamang subukan ko ulit diba?

"Sige na nga!" Pag payag ko kaya nagkatinginan silang apat.

"PAPAGANDA KA NA ULIT?" Sabay sabay nilang sigaw kaya napatakip ako ng tainga.

Bwisit, mga nakalunok ng microphone!

"OO NA KAYA PWEDE WAG KAYONG SUMIGAW?!"

"hindi naman na ah, ikaw na tong sumisigaw eh." Ang kaninang nga maala Lion ay parang bigla nalang naging maamong tupa.

Nagkatinginan kaming apat bago nagsitawa. Siguro nga, panahon na para bumalik ako sa dati. Hindi ko na kailangang magtago sa pangit na maskara na ito dahil lang sa takot.

Kailangan ko ng mag simula ulit, kailangan ko ng talikuran ang nakaraan at harapin ang kasalukuyan.

Be ready everyone, The new Viancè Zayne Smith is coming.

Chasing Mr. VreauxeWhere stories live. Discover now