Sacrifice
Isang oras na lang bago ang kasal at heto ako ngayon pinipilit na makaabot kahit papaano. Halos hindi ko na maisip kung paano ko nakakayanan pa ring kumilos ng mabilis kahit na pagod na pagod ako sa biyahe. Idagdag pa ang jet lag na nararamdaman ko ngayon. Pati na rin ang walang katapusang sermon sa tawag mula sa aking ina at kuya simula pa kahapon.
Nag-ring ang cellphone ko. Agad kong binuksan ang kulay champagne na clutch na dala ko. Si Kuya Kiel! Dali-dali ko itong sinagot. Rinig ko ang ingay ng mga tao sa kabilang linya.
"Nasaan ka na? Elisse naman! Baka mauna pang dumating ang bride kaysa sa'yo!"
"Kasasakay ko pa lang ng sasakyan eh! Ano, kasi, medyo traffic, kaya~"
"Kanina pa nagtatanong sila Mama kung nasaan ka na! Kahit si Euan mas ikaw pa ang hinihintay! Elisse naman!", tunog galit na singhal ni Kuya Kiel sa kabilang linya.
"I can arrive there first than Ilana, Kuya. Just chill okay? Sabihan mo na lang si Euan jan, please. Sige na, nakalampas na kami sa congested area."
Sinapo ko ang ulo. Mabuti na lang naisipan kong uminom ng gamot kanina bagi nagbihis kung hindi ay sumuko na ang katawan ko. Naalala ko ang mga nangyari simula noong paalis na akong London.
"Elisse, nasa airport ka na?", bungad sa akin ni Mama nang tumawag siya.
Pinagpatuloy ko ang pagtulak ng cart kung saan nakapatong ang malaki kong maleta, isa pang travel bag pati na rin ang paper bag ng pasalubong ko para sa mga pamangkin.
"Opo, Ma. Nakalinya na po ako para i-check in ang mga dala ko."
"Oh, siya... sige. Teka, anong oras ba ang dating mo sa Singapore? Anong oras kaya ang lapag mo dito sa Iloilo?"
"Alas diez po ng gabi. Tapos 12 A.M. ang flight ko pauwi po ng Iloilo. Na-send ko naman po ang details ng flight ko kay Kuya Kiel. Hindi niya po nasabi sa inyo? 'Tsaka sa hotel na lang po ako didiretso"
"Na-kwento naman ng Kuya mo pero gusto ko lang kamustahin kung nasaan ka na. Sige na. Bilisan mo na jan at baka ma-late ka pa. Ipapasundo ka na lang namin sa driver ha. Ingat ka, anak. Miss na miss ka na namin ng Papa mo kaya parang hindi ako makatulog sa excitement na makitang muli ang princess namin", malambing na pahayag ni Mama.
Napatawa ako sa narinig. "Mama naman, eh. Opo, sige na. Medyo mabigat din kasi ang mga dala ko. Tatawag na lang ako ulit kapag nasa Singapore na ako. See you in a bit, Mama!", pagkatapos patayin ang linya ay itinago ko na ang cellphone ko sa bag.
Pagkatapos kong i-check in ang mga dala ko ay naglakad na ako patungong gate kung saan ang boarding ng sasakyan kong eroplano. Nang makahanap ng isang bakanteng upuan, kinuha ko ang aking cellphone para sa isang selfie. S-in-end ko ito sa groupchat naming magkakapatid at mga pinsan na may caption 'we'll breath the very same air soon'.
Agad namang nabasa ito ng mga kapatid ko at iilan kong pinsan at nag-react ng 'love' sa litrato ko. Ngayon pa lang, ramdam ko na ang pananabik nila.
Elias: Excited na ako sa pasalubong mong sapatos! Safe flight, Ate!
Ezekiel: Mas excited pa kami sa pag-uwi mo kaysa sa kasal! Hahahahahaha!
Euan: Kuya naman oh! Tatanggalin na lang kita sa entourage ko, sige! I miss you, twin! Parang mas iiyak pa ako kung makikita kita in person kaysa kay Ilana.
Riva: OMG, cuz! Can't wait!!!
Yassi: OH MY FREAKIN~ WAAAHHHH LET ME HEAR YOUR BRITISH ACCENT, BISH!!!
Napangiti ako sa reaksyon nila. Nagtipa ako ng simpleng mensahe.
Ako: Oo, na. Nasa airport na nga eh. I miss you all! Can't wait to hug everyone!

YOU ARE READING
Ruins of Yesterday (Ciudad de Amor Series #1)
Любовные романыThe Gonzales' is a large and prominent family of a certain town in Iloilo. Eleora Karisse Gonzales, the twin of Eugene Kenan Gonzales, is the only princess among the four. She is the apple of her family's eyes, loved dearly, and protected at all cos...